Chapter 4

15 5 0
                                    

It's You

Hindi ko alam kung bakit narararamdaman ko to! Hindi ko naman kilala ang lalaking to! Pero kung maka reak naman ang puso ko parang kilalang kilala niya ito. Sa tuwing babasahin ko ang pangalan niya may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko alam kung ano.

"Sino kaba?" Bulong kong saad.

Tila nakalimutan ko ang nangyari kani-kanina lang. Nalaman ko lang ang pangalan ng lalaking magiging kaagaw ko sa lote parang nawala bigla ang problema ko. Na agaw nito ang buong atensyon ko.

Susundin ko ba ang sinabi ni Mrs. Sanchez? Kailangan ko pa bang mag makaawa sa lalaking to.

"Ugh! Ano ba namang buhay to! Grabe naman sa akin ang tadhana parang ibinigay niya sa akin ang lahat ng kamalasan sa mundo." Frustrated kong wika.

"Hoy!" Natigil ako sa pag-iisip sa biglang sigaw ng kaibigan ko.

"Ano ba! Kung makasigaw ka." Inis kung saad sa kaniya.

"Sino ba kasi ang kausap mo? Kinakausap mo ang sarili mo ha?! Nabaliw ka na ba Yana!  Kailangan ko na bang tumawag sa mental hospital?" Sunod-sunod niyang tanong.

Kahit talaga kailan napaka OA niya. Minsan hindi ko siya masabayan sa pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung may sapak ata siya sa utak.

"Wala! Hindi ko lang maiwasang mainis sa nangyayari sa buhay ko ngayon!"

"Bessy, sa dami ng pinagdaanan mo alam kung kaya mo'tong malampasan, kilala kita alam kung kaya mo. At kahit ano man ang mangyari andtio lang ako lagi. Para sa'yo." Pag ch-cheer up niya sa akin.

Thankful talaga ako na nandiyan siya kahit minsan hindi ko siya maintindihan. Nagpapasalamat parin ako na hindi niya ako iniiwan.

"I am thankful to have you bessy." Mangiyak ngiyak kong wika.

"Ang drama natin." Natatawa niyang saad. Kaya hindi ko din maiwasang matawa sa kaniya.

MILLER CHAIN COMPANY (MCC)

Andito ako ngayon sa harapan ng Company na pagmamay-ari ng lalaking magiging ka agaw ko sa loteng 'yun. Hanggang ngayon hindi parin mawala ang galit ko sa tusong matandang 'yun. At isa pa hindi rin mawala mawala ang kakaibang narararamdaman ko sa tuwing nababasa ko ang pangalan niya.

"Kaya mo 'to, Yana. Ikaw pa ba." Bulong ko sa sarili ko.

"Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inha-."

"Hey! Miss"

Natigil ako sa aking ginagawa ng bigla nalang may sumulpot sa harapan ko. Napataas ako ng kilay sa kaniya. Hindi ko maiwasang purihin siya sa utak ko. In fairness gwapo din 'to. Pero mas gwapo pa din yung lalak-. Erase. Erase. Bakit ko ba siya iniisip? At Bakit ko ba sila pinag kukumpara eh! Hindi ko naman sila kilala.

Ano ba! Yana, umayos ka nga.

"Hi! May Kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah uhm wala naman. Uhm nakita lang kasi kita na parang you know, Kailangan mo ng tulong kaya nilapitan na kita. Kanina pa kasi kita tinitignan at parang gusto mong pumasok sa kompanya pero nagadadalawang isip ka. Kung hindi mo naitatanong kaibigan ako ng may-ari ng kompanyang yan kaya matutulungan kita, By the way my name is Axel Vien Carson, You can call me Axel or Vien or any names do you want to call me ok lang sa akin yun or you can call me love." Mahaba niyang saad.

Napataas ako ng kilay sa kaniya. Kung umasta naman tong taong 'to parang kilalang kilala na niya ako.

"Kaibigan ka ng may-ari nito." Turo ko sa kompanyang nasa harapan namin.

"Ayaw mong maniwala sa gwapo kong ito hindi ka maniniwala na kaibigan ko ang may-ari nito. Halika papatunayan ko sayo."

Bigla niyang hinablot ang kamay ko. Magpupumiglas pa sana ako ng nasa may entrance na kami ng kompanya. Nagulat ako dahil nginitian at binati siya ng guard dun.

"Magandang umaga sir Vien." bati sa kaniya ng guard. Tango at ngiti lamang ang kaniyang ginanti dito.

Hindi ko alam kung ano tong pinasok ko.  Hindi ko din alam kung bakit nag papatianod ako dito sa taong 'to. parang may nagtutulak sa akin na hayaan na lamang siya. Ng nasa lobby na kami nginitian niya yung babae sa lobby. Namula naman ang mukha ng babae sa ginawa ng lalaking to.

"Si Big Boss nandiyan?" Tanong niya sa babae.

"Opo sir Vien, nandiyan po si big boss sa opisina niya deretso nalang po kayo." Nahihiyang saad ng babae.

"Perfect, let's go." Sa sinabi ni Axel. Dun lamang ako napansin nung babae. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin at sa kamay ni Axel na nakahawak sa akin parang sinusumpa niya ako na mawala nalang sa mundo. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.

Lahat ng taong nadadaanan namin. Lahat sila napapatingin kay Axel lalo na ang mga babaeng empleyado pero pag napapatingin naman sila sa gawi mo ang sama nag tingin nila, inaano ko ba sila.

Naglakad kami papunta sa elevator ng magbukas ito walang sabi sabi niya akong hinila papasok.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong ko sa kaniya. "Marami pa kong problemang kailangan pag tuonan ng pansin kaysa dito." Saad ko.

"Huwag kang mag-alala pagkatapos nito tutulongan kitang lutasin yang mga problema mo." Saad niya. "By the way, ano palang pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Arhiana Blair Camora. You can call me Yana kasi yun naman ang tawag sa akin ng mga taong nakaka kilala sa akin."

Magsasalita pa sana siya ng saktong tumunog ang elevator, hudyat na nandito na kami sa floor ng opisina ng may-ari. Hila hila niya ako ng maglakad kami papunta sa may pintuan.

Kumatok siya ng dalawang beses. At may narinig kaming nagsalita sa loob. Hudyat na pinapapasok niya kami.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalamang bumalik ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko naman naramdaman to nung hinihila ako ni Axel papasuk dito, pero ng magsalita na ang lalaking nasa loob ng Opisinang 'to bigla nalamang nagwala ang puso ko. Malakas ang kabog nito.

Pagkapasok namin nakatalikod sa amin ang lalaki. Wait! Parang familiar ang likod niya parang nakita ko na siya, hindi ko lang makumpirma dahil Nakatalikod pa siya sa amin.

"Hey Man! Huwag ka namang bastos humarap ka naman sa amin." Sa sinabing yun ni Axel dahan dahang humarap ang lalaki ngunit nakayuko ito mukhang may kung anong binabasa.

"What are you doing here? Wala ka bang ibang trabahong pag tutuunan ng pansin?" baritinong boses na saad niya.

Wait. Baritone? Bakit parang narinig ko na ang boses niya? Bakit parang familiar sa akin ang boses niya?

Mula sa pagkakayuko niya dahan dahan siyang nag-angat ng tingin sa amin. Napaangat ang tingin niya sa gawi ko at agad nanlaki ang mga mata ko. Gulat rin ang nakita ko sa mga mata niya.

What The Hell! No. No. No.

"It's You!" turo niya sa akin habang gulat parin sa nakikita.

"Wait magkakilala kayo? Paano? Saan?" Gulat ding tanong ni Axel sa amin. Palipat-lipat pa siya ng tingin sa amin.

Napaatras ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako palabas ng opisina niya. Tinawag pa ako ni Axel pero hindi na ako lumingon pa.

Shyt!

Siya? Siya ang magiging kaagaw ko sa lote? Ang lalaking nakakuha sa pagkababae ko?

Lumiit naba ang mundo at nagkita pa kami. Lately pinapanalangin ko pa na sana hindi na mag cross ang landas namin. Pero ito parin pinagtagpo parin kami.

Shyt!

Sobrang malas ko naman yata kay tadhana.

---------------
Its Axel Ven not Vyen

Enjoy reading ❤

Chasing You Where stories live. Discover now