Chapter 2

16 12 0
                                    

Stranger

Hindi na ako nag dalawang isip at agad akong pumasok. Tiningnan muna ako ng bouncer bago ako papasukin.

Malakas na tugtug agad ang sumalubong sa akin. Halo halong amoy ang nalalanghap ko sa bawat taong nadadaanan ko. Nag lakad ako papunta sa may counter na hindi pinapansin ang mga tao sa paligid ko.

"Give me a one bottle of hard liquor please!" Saad ko sa bartender. Agad namang ginawa ng bartender ang sinabi ko.

"Here's your order maam."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ng bartender. Agad akong nagsalin ng alak sa baso. Walang sabi sabing linagok ko ito. Dumaloy ang init ng alak sa lalamunan ko. Napangiwi ako sa pait ng lasa nito.

Uminom lang ako ng uminom. Kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Na kahit saglit makalimutan ko muna ang mga masamang nangyari sa araw na'to. Ayokong sariwain ang mga nangyari kanina.

Sobrang sakit pa.

Hini ko namalayan na naparami ako ng inom. Binayaran ko muna ang bartender bago pasuray suray na naglakad paalis.

Shyt!

Nahihilo na ako. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako. Akala ko babagsak ako sa sahig kaya napapikit ako. Pero hindi ako tuluyang bumagsak dahil may isang matipunong braso ang humawak sa bewang ko.

"Watch your way Woman!" Rinig kong sabi ng isang baritinong boses.

Kahit nahihilo nagawang kong lingunin ang taong may hawak sa akin.

Tila tumigil ang oras. Natulala ako sa angking kagwapohan niya. Nagawa kong pagmasdan ang kaniyang mukha.

With his top knot hair, pointed nose, dark eyes, and red lips.

Damn!

Lalo akong nahihilo sa lapit ng mukha niya sa akin. Para akong nakalutang sa hangin habang tinititigan siya.

Nag e-exist paba ang ganitong mukha!?

Gusto kong hawakan ang mukha niya pero hindi ko magawa

Ano ba! Yana! Nagawa mo pang lumandi sa kalagayan mo ngayon! Umayos ka nga!

"Stop staring at me!" saad niya.

Hindi ko alam kong sa tama ba ng alak o dahil sa sobrang lapit niya ay parang binubuhay niya ang init ng aking katawan.

"P-please take me away from here. I w-ant to forget everything. I n-need to forget. P-please help me. T-ake me away. Take this p-pain away! Ang sakit sakit na. Ayoko na please tulungan mo ko!" Iyak kong saad sa kaniya.

Hindi ko na alam kung anong pinagsasasabi ko. Pero parang may nagtulak sa akin na sabihin ang mga katagang 'yun. Parang kahit ngayon ko palamang siya nakita ay parang feeling ko safe ako sa kaniya. Komportable ako sa bisig niya.

Banayad lamang siyang nakatitig sa akin. Para bang isinasaulo niya ang buo kong mukha. Wala na akong hiyang maramdaman. Wala na akong pakialam kung mag mukha akong desperada ang gusto ko lang naman ay makalimot.

Gusto kung mawala itong sakit na nararamdaman ko.

Maya-maya ay naramdaman ko na hinihila na  niya ako palabas ng club. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta nag padala lamang ako sa kaniya.

And the next thing i knew ay nasa condo niya kami.

Laying on the bed.

Screaming and moaning in pleasure.

At hindi ko na alam ang mga nangyari. Nagising na lamang ako kinaumagahan na walang saplot ni isa sa katawan at may katabing lalaki na wala ding saplot.

Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa kagagahang ginawa ko. Gusto kong umiyak. Sa dami ng problema ko dumagdag pato! Binagay ko lang naman sa isang totally stranger ang pagkababae ko. Na kahit kailan hindi ko nagawang ibigay sa sarili kong nobyo.

Damn! Arhiana Blair Camora! What the Fu*k have you done!

Bago paman magising ang lalaking katabi ko! Ay dali dali na akong nag bihis at inayos ang sarili ko. Bago patakbong lumabas sa condo niya at sa lalaking yun. Ipinagdadasal ko na sana hindi na mag tagpo ang landas naming dalawa.

Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana!

Chasing You Where stories live. Discover now