Chapter 14

3.4K 10 0
                                    


Anton's POV

Masakit na makita mo yung babaeng nagugustuhan mo, na umiiyak sa ibang lalaki.

Marter man pero, hinayaan kung gamitin niya ako para maka limot.

Hindi ako nagsisi na may nangyare samin. Na kahit alam kung hindi ako ang gusto niya ay hinayaan kung mangyari iyon. Na kahit hindi ako ang nasa isip niya habang ginagawa namin iyon ay nagpaubaya ako.

Masama bang mahalin ako?

Masama bang mahalin siya?

Na kahit, mali ay alam kung kahit sa kaunting panahon na nakilala ko siya ay nahulog ako.

Yakap yakap ko siya, habang walang tila ang ulan. Na para bang sinasamahan kami sa aming kalungkutan.

Hindi niya kita na umiiyak ako, hindi ko masabi na sana ay ako na lang si Edward. Na sana ay makita niya ako. Na sana ay lingunin niya ako, kasi ang hirap na habang minamahal ko siya ay mahal din niya yung taong matagal ng wala sa kaniya. Yung bumitaw na sa kaniya.

Heto ako, pero hindi niya makita. Bulag ba siya o manhid dahil wala siyang alam na mahalin kundi ang lalaking iyon na wala ng ibang ginawa kung hindi ay pasakitan siya.

Narito ako na handang saluhin siya, pero malabong bumitaw siya doon, kaya wala siyang aasahan na babagsak sa kaniya kasi mahal niya parin iyon.

Nang okay na siya ay humarap ito sakin. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Na gamitin niya ako, na okay lang na maging marter ako. Basta makita ko yung totoong ngiti niya.

Niyakap niya ako at muli niyang ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya. Yung galit sa pagiwan sa kaniya.

Maya maya ay kumalma na ito, pero hindi parin ito kumakalas sa pagkakayakap sa kaniya.

Hinayaan na lang niya ito, ngunit napansin niya na hindi ito umiimik kaya sinilip niya at napansin niya na mahimbing na tulog ito.

Kaya binuhat ko siya na pang kasal kaya madali ko siyang naipasok sa apartment nito.

Kahit iba man ang mahal nito ay okay lang basta, masaya na kasama niya parin ito.

Masokesta na ata siya pero mahal niya ito.

Dahan dahan niyang inilapag sa may sofa si anna at kumuha ako ng pamalit sa kabinet nito.

Hindi ko ininda ang lamig. Mas inuna niyang mapalitan si Anna para hindi ito magkasakit.

Matapos niya itong mabihisan ay dinala niya ito sa kaniyang kwarto. Kinumutan niya ito at bago siya umalis ay hinalikan niya ito sa noo at ng hindi nakuntento ay ninakawan niya ito ng halik sa labi.

Pumunta siya sa kabinet na isa para magpalit ng damit. Kumuha siya ng boxer at damit ni Edward. Wala siyang pakialam kung makialam siya sa kabinet nito ang mahalaga ay makapagpalit siya.

Nagshower muna at pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya.

Nilabhan na rin niya yung damit niya at Anna. Pati panty at bra nito ay nilabhan ko na.

Hehehe....

Nakita ko naman ang katawan niya kaya hindi na ako naiilang na bihisan ito.

Masaya siyang paglingkuran ito. Kahit hindi siya ang gusto basta masaya siya na kasama ito.

Dahil tanghali at kumakalam na ang sikmura ay nagluto na siya. Para pagising ng kaniyang prinsesa ay may nakahain ng pagkain.

Kahit adobong manok ang niluto niya dahil iyon lang ang stock sa maliit na ref nila Anna. Pagkatapos niyang nagluto ay nagsaing na siya ng bigas.

Pinatay na niya yung stoves ng makitang okay na ang ulam at dahil sa rice cooker siya nagsaing ay madali na lang itong maluluto.

Hinintay niya mag click ang rice cooker bago niya hugutin sa outlets.

Pinuntahan ko na kung gising na si Anna, kaya lang ay pag dating niya. Tulog parin ito kaya hinayaan na lang muna na matulog.

Lumabas siya at naupo na lang dahil wala naman siyang gagawin. Hihintayin na lang niya na magising ito para sabay silang kumain.

Maya maya ay hindi niya namalayan na nakatulog na siya.

A/N: ano sa palagay ninyo? Magkakatuluyan na sila or mare-realize ni edward ang halaga ni anna at babalik ito sa kaniya. Abangan ang susunod na mangyayari.

Next update.💗💗

SEX BUDDY ( 18+ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon