Chapter 16

2.9K 19 0
                                    


Celestine's POV

Nanggagalaiti siya ng ibaba ng binata ang kaniyang tawag. Nasa loob na siya ng sasakyan ng tawagan ang dating kasintahan.

Masaya naman sila dati pero  nasira lang ang kanilang relasyon dahil sa pagkakamali na pinagsisihan niya naman.

Gusto niyang bumawi pero huli na. Hindi ko alam kung sino  ang natitipipuhan nito dahil matagal siyang nawala dito sa pilipinas. Inayos niya ang papalubog nilang kumpanya kaya hindi niya nalinaw dito na matagal na silang tapos ni Greco.

Hindi siya papayag na hindi bumalik sa kaniya ang dating nobyo. Lalaban siya ng patayan kung iyon ang mangyayare.

Maya maya ay napag desisyunan nito na umalis na kaya agad na pinasibad ng driver ang kotse.

Hindi nagtagal habang nasa byahe ay  naalala niya ang bagay na nakita niya sa bahay ng  dating kasintahan.

Doon ay nakita niya ang mukhang anghel na isang dalaga na halatang kinuhanan ng patago ang larawan.

Nilamos  niya sa inis ang larawan na lukot lukot. Doon ay may nabuo na plano sa kaniyang isipan.

Hindi maari na mapunta ang mahal niya sa iba. Hook by the crock. Papatayin niya ang sagabal sa kanila.

Nang makarating sa kaniyang sariling bahay ay agad na bumaba siya kahit na hindi pa lubos na naka-kaparking ito.

Inis na binalibag niya ang pintong sasakyan at padabog na pumasok sa bahay.

Nagulat siya na may taong nakaabang sa sala.

"Mom? Anything problem?" Tanong agad niya dito dahil minsan lang itong dumalaw sa bahay niya dahil palagi itong kasama ng dad niya  sa lahat ng business trip.

"Nothing sweety. Dumalaw lang ako kung okay ka lang ba." Nakangiti nitong sabi.

Kaya lahat ng inis niya kanina ay biglang naglaho. Agad ay niyakap niya ang kaniyang ina dahil hindi madalas ay kasama niya ito.

Naluluhang yumakap siya at malambing na  hinalikan ang mukha ng kaniyang ina. Miss na miss niya ito.

"Im okay mom. Don't worry about me." Sabi niya dito. Kahit papaano ay naibsan ang kaniyang lungkot na nararamdaman.

Kumalas na siya sa yakap at agad na pinunasan ang luha na pumatak sa kaniyang mga mata.

"Bakit hindi ka na lang sa bahay. Nakakalungkot dito sa bahay mo dahil magisa ka lang." Nagaalala ito sa kaniya dahil magisa lang siya dito sa bahay.

"Mom. It's okay. Im fine." Nasabi na lang niya. Maraming beses na siyang pinapauwi pero mas gusto niyang maging responsible na anak at independent.

Tumango na lang ito. Tanda ng pagsuko dahil hindi siya nito mapipilit na bumalik sa mansion.

Umalis na agad ito dahil hahanapin tiyak ito ng kaning ama.

Nang makaalis na ang kaniyang  mommy ay nagtungo siya sa kwarto para magbihis. Wala naman na kasi siya sa mood na gumala dahil sa nangyari.

Doon ay naalala niya ulit ang nasa larawan ito ay  si Anna Swan na  kinababaliwan ng kaniyang mahal.

Hindi niya alam kung saan siya maguumpisa pero pipigilan niya  ang anumang balak nito.

Napangisi siya sa  naiisip niyang plano. Tiyak na magagalit ito sa gagawin niya. Sigurado na siya sa balak  para hindi mapunta sa iba ang taong mahal niya. Love is blind nga siguro pero kasalanan ko kung bakit nasira ang relasyon nila. Nahulog siya  sa maling tao dahil may asawa na pala ito.

Biktima man siya pero wala e. Tanga siya at ngayon ay mawawala na sa kaniya ang taong mahal niya. Ipaglalaban niya ng patayan kapag nawala ang lalaking  mahal niya.

Nanghihinang napaupo siya sa kama habang iniisip na sana ibalik siya sa nakaraan para maiwasan sana pero huli na. Nangyari na at nasira ang tiwala ng taong mahal niya.

Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Naramdaman niya ito ng pumatak  ang mga luha niya sa pisngi.
Agad niyang pinunasan at huminga ng malalim hindi siya papayag na mabigo siya sa plano. Humiga siya at ipinikit ang mga mata. Gusto muna niyang ipahinga ang sarili dahil masyadong nakakapagod ang araw na ito.

Maya maya ay dinalaw na nga siya ng antok.






A/N: salamat sa palaging nagaabang ng aking update. Pasensiya na ngayon lang ulit ako active. Godbless to all and keep safe. I love you  my Gems na laging andito na sumusupurta. Huwag kalimutan na mag vote at magiwan ng kumento kung nagustuhan ninyo.

SEX BUDDY ( 18+ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon