Kasalukuyan akong nakahiga sa rooftop kasama ang best friend ko habang nakatingala sa langit."Ang ganda ng stars" manghang sabi ko.
"Mas maganda ako" hindi ko siya sinagot at nakatingin lang ako sa taas.
"Ba't kaya ang hilig mo sa stars Mimosa?"
"Because it reminds me of someone" I smiled.
FLASHBACK.
"Bub, where are you na? tara sa rooftop, ang ganda ng stars" saad sakin ng Boyfriend ko.
He likes watching and staring at the stars. I don't know why. Palagi niya akong dinadala sa rooftop ng bahay nila kapag dumadalaw ako dun. He used to play a guitar and kinakantahan niya ako habang nakatingin sa mga bituin.
"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
nating dalawa 🎵" kanta niya habang piniplay ang kanyang gitara. I look at him and I realized na napakaswerte ko na nakilala ko siya. He always gives me hope, he always makes me happy. Everytime na may problema ako, palaging bukas ang mga tainga niya para pakinggan ako."I'm so lucky to have you, Cy" I said while smiling at him.
Napahinto siya sa pagtugtog at nakangiti ding tumingin sa mga mata ko.
"Mas maswerte ako, binago mo ang buhay ko"
Yeah, he was an asshole before. Nakilala ko siya bilang babaero, di niya ata kayang palagpasin yung isang araw na walang mahanap na chix. I met him in School, schoolmate ko siya, palagi siyang kumakanta habang dala-dala yung gitara niya. No wonder, maraming nahuhumaling sa kanya. May itsura siya, malakas yung appeal niya, at magaling pang kumanta. I still remember the first time I saw him. Pinapatugtog niya ang gitara niya nun.
"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa 🎵"Napatigil ako nang napansin ko na nakatingin siya sakin. What's with that stare?
Ang ganda ng kanta, bagay sa boses niya. Pero kahit gaano pa kaganda yung boses na meron siya, kabaliktaran pa din dun ang ugali niya.
Humakbang na ako palayo nang bigla niya akong tinawag.
"Psssst!" hindi ko siya nilingon.
"Hoy, Miss!"
"Mimosaaaa!" inis akong humarap sa kanya.
Nakangiti pa ang loko.
"Why?"
"Bingi-bingian ka?"
"Hindi ako aso para mag-psst ka"
"Edi Mimosa. Mimosa name mo diba?"
"How'd you know?"
"Secret"
"Okay"
"Maganda boses ko nu? kitang-kita ng mga mata ko na manghang-mangha ka sa'kin kanina. Partida, chorus pa lang yun"
"Punta ka EO"
"Ano naman yung gagawin ko dun?" takang tanong niya sa'kin.

BINABASA MO ANG
PARALLEL UNIVERSE
Short StoryMimosa met a guy na sobrang babaero. Ngunit ng nakilala niya ito, marami siyang nadiscover. Ito din ang nag-introduce sa kanya kung gaano kaganda ang mga stars. Ano kaya ang maiidulot nito sa buhay niya? Cover illustration by @PinkArmy.