YOU WERE BOTH

76 10 8
                                        

"Pero may kinakabisado ako ngayon na kanta. Hindi ako mahilig sa masasakit na kanta pero gusto kong kabisaduhin"

"What song?"

"Parallel Universe by Clara Benin"

"What does this song all about?"

"Tungkol sa..." biglang bumagsak ang malakas na ulan kaya dali-dali kaming tumakbo papasok sa loob.

Ganun lang yung routine namin, every weekend ako pumupunta sa kanila. Pumupunta lang ata ako dun para titigan ang mga bituin, nahawa na ako sa kanya.

Fast forward....

Magkatabi pa din kami sa rooftop habang hawak-hawak niya ang kanyang gitara.

"Mas maswerte ako, binago mo ang buhay ko" saad niya.

"I love staring at the stars, especially when I'm with you. Mahal kita" tumulo ang luha niya habang sabi-sabi niya yun. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa linyang yun o dapat ba akong malungkot dahil parang may tinatago siya sakin.

"Mahal din kita. Why are you crying?"

"Tears of joy, baby"

"LOL. Kailan mo pa ako tinawag na Baby? kaya siguro ang sweet mo ngayon kasi may babae ka, hmp." he pinch my cheeks.

"Mapagbintang ka talaga. Masama ba ang maging sweet? epal ka talaga Mimosa" he's so cute.

"Stop calling me Mimosa nga. Di bagay Cyrus"

"Why? ang ganda kaya ng name mo. Ayaw mo ng Baby, ayaw mo din ng Mimosa. Mga babae nga naman, lakas ng topak"

"Whatever"

"Your name is my favorite noun" damn that line.

"And your voice is my favorite sound" kala niya siya lang ang marunong ah. Kinilig si loko.

"Mimosa is the second most brightness star in the Southern Cross asterism" what?

"Nung humiling ako, ikaw yung dumating. You're the star who gives a brightness sa madilim kong mundo" galing niya talagang mambola. Pero ngayon ko lang nalaman na related din pala sa star yung name ko.

End of flashback.

"So that someone is Cyrus?"

"Nakwento ko nga diba, hindi ka ata nakinig"

"Bakit hindi mo kinwento sakin yan dati ha? Best friend mo ba talaga ako?"

"Hindi porket Best friend kita ay obligado na akong ishare sayo lahat ng kwento ko" natahimik siya bigla.

"Humanap lang ako ng lakas ng loob para makwento ko sayo"

"Sorry na. San na siya ngayon?" gulat kaming napalingon sa taas nang may biglang dumaan na shooting star.

"Humayghaaad, Mimosa, kita mo yun? huhu shooting star, pumikit ka dali. Bilis!"

"I WISH YOU WERE HERE" sabi ko sa sarili ko habang nakapikit at dahan-dahang tumulo ang luha ko.

"Hoy, ano yung hiniling mo? ba't..."

"Hoy, teka, umiiyak ka?" I wiped my tears.

"I MISS HIM SO MUCH"

"I HATE HIM FOR LEAVING"

Hindi ko na macontrol ang sarili ko, tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.

PARALLEL UNIVERSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon