TAJ #2

3 1 2
                                    

RYEZER POV:

"Myrene, please bring the papers here " I called my secretary, it's afternoon but I still need to sign this papers

Tok Tok Tok

"Come in"
"Sir ito na po yung mga papeles tyaka my isa pa po kayong meeting mamayang 6pm"
"All right, just put it on the side and please cancel my meeting"

"Pero Sir mamaya lang available si Sir Mercedes"
"Tell him if he really wants us to be his investors he will wait"
"Sige po Sir.... Sir?"
"What?"

"Pagod ka na ba?"
I looked at her and raised an eyebrow at the question and at what she was wearing
"Sayo ko toh ipagawa lahat then I will ask you If you are tired?"
"Ito Naman si Sir Hindi mabiro, tinatanong Lang Kita eh"

At dahan-dahan lumapit sa akin si Myrene at hinimas ako
"Alam mo Sir meron akong Alam na paraan para marelax ka"
Sabay himas pababa sa tiyan ko

"GET OUT"
"Sir?"
"I SAID GET OUT"

Dali-dali Naman syang umalis sa tabi ko at akmang bubuksan na Ang pinto Ng bigla akong nagsalita
"Myrene?"
"Yes Sir?" Humarap sya sakin na nagni-ningning Ang mga mata
"Sa susunod ayusin mo yang suot mo, Sa kompanya ka pumapasok Hindi sa bar"
"Sorry po Sir, aayusin ko na Po sa susunod"
"And Myrene"
"Yes Sir?"
"YOU'RE FIRED"
"Pero Sir?"
"GET OUT"

Hindi ko kailangan ng babae na Kung umasta at manamit parang nasa bar. I really don't want girls drooled over men "Dalyx tell to Myrene before she leaves, do what I ask her to do" I ended the call.

___***___***___

Hays, I finally finished everything, Wait what time is it? I looked at my watch and it's 7pm, I can go home now finally, I will be able to get out soon when I see the guard coming towards me

"Sir my babae pong nahimatay sa labas"
Dali-dali akong lumabas upang tignan Yung babae at lapitan sya
"Miss, Miss" yugyog ko sa babae "Miss" kaso Wala talaga tinawagan ko nalang Yung driver ko pinahanda Yung kotse para maidala toh sa hospital

Pagkadala namin sa Hospital umuwi kaagad ako at babalikan ko nalang sya bukas, binilin ko nalang sya sa kakilala kong doctor.

___***___***___

KATE POV:

Teka nasaan ko? Akmang uupo ako ng biglang sumakit yung ulo ko "Ouch" sabay himas sa ulo ko. Teka bakit nga ba nasa ospital ko? Tama nahimatay nga pala ako pero Sino nagdala sakin dito?

Ng my pumasok na doctor at isang naka suit na lalaki
"Kamusta na pakiramdam mo?" - doc
"Medyo masakit Lang Yung ulo ko doc. Doc ano Po bang nangyari sakin bakit ako nandito?"
"Nalipasan ka Ng gutom kaya ka nahimatay, sa ngayon magpahinga ka muna at Kung okay na Yung pakiramdam mo mamaya ay makakalabas ka na"
Tumango nalang ako sa sinabi Ng doctor

"Sige Flame ikaw na muna bahala dyan at my pasyente pa ako"
"Sige Nigel Salamat"
Humarap Naman sakin Yung naka suit na lalaki
"Do you want food?"
"Ahm kahit ano nalang po" sabay ngiti ng hilaw Kasi hindi ko Naman kilala tong kalaking Ito

"Ok wait" Yun Lang at tumalikod sya at mukhang my tatawagan. Habang my kausap sya pinagmamasdan ko Yung likod nya, matipuno, Malaki Yung Katawan, parang nasa early 30's na sya pero Ang gwapo pa rin pero Sino kaya Ito? Ang Cold din nito Pero mukha Naman syang mabait pero Hindi natin masabi. Nang akmang haharap na sya sakin iniwas ko yung tingin ko.

"Just Wait Your Food" tapos lumapit sya sakin at umupo sa my tabi ko
"Ah Sino po kayo?"
"I'm the one who brought you here"
"Ah ganun Po ba, maraming salamat po ah"
"Why did you collapse?"

Ikwe-kwento ko na Sana ng biglang my kumatok
"Ah Sir Ryezer Ito na po yung pagkain" tapos nilagay nya sa my table at humarap sa amin
"Ah Sir pinapasabi ni Dalyx na my meeting daw po kayo kailangan na po nating umalis malelate ka na po"
"Ok. Eat that and the bills are already paid"
"Sige po Sir maraming Salamat"
Yun Lang at umalis na sya

Kinain ko na yung pagkain at kumakalam na Yung sikmura ko.
Mga hapon ay na-discharge na ako, habang Naglalakad ako sa lobby napansin ko parang Ito Yung ospital Kung saan dinala si Mama kaya naisipan ko na puntahan sya.

"Ma kamusta na Yung pakiramdam mo?"
"Medyo okay na ako anak, ikaw kamusta ka na?"
"Okay Lang ako Ma, Naghahanap-hanap ako Ng trabaho para my pang bayad Tayo dito sa ospital"
"Pasensya ka na anak ah"
"Ano ka ba Naman Ma ok Lang Yun Ang mahalaga gumaling ka at makalabas ka rito"

"Oh Ms. Kate Mabuti at nandito ka at my sasabihin ako" Yun Lang at lumabas sya
"Sige Ma kausapin ko muna si Doc"
Tumango Lang si nanay kaya lumabas na ako

"Ano Po ba yun Doc?"
"Mukhang magtatagal pa Ang Mama mo rito Kasi marami pa kaming test na gagawin and lalaki Yung bill nyo, gusto man sagutin lahat ng ospital pero Hindi kaya, mga ¼ Lang Ang masasagot Ng hospital"

"Ooperahan ba sya doc?"
"Sa ngayon Hindi ko pa masabi pero Hayaan mo at babalitaan Kita, osiya Mauna muna ako"
"Sige Doc Salamat"

Bumalik na ako ward ni Mama at ngumiti para Hindi nya mahalata na my problema ako
"Oh anak ano Sabi ni doctor?"
"Magsasagawa pa sila ng ilang test Ma tapos makakalabas na po kayo"
"Ganun ba? Mabuti naman, Nak kumain ka na ba?"
"Opo Ma tapos na ako, ikaw Po ba?"
"Tapos na rin ako Nak, Dinalhan ako kanina ng Nurse"

"Mabuti naman, Sige na Ma Magpahinga ka na at mamaya eh aalis na rin ako para maghanap Ng trabaho"
"Sige nak" tapos tumagilid sya Ng higa na nakatalikod sa akin. Tinitigan ko sya, namumutla sya at parang Pumayat, Ma Naman eh pinapaiyak mo ko, pinunasan ko Yung luha ko at ng masigurong tulog na sya ay umalis na ako.

TE AMO JEFE [ON-GOING]Where stories live. Discover now