I was in the middle of lunch break after kong mag-asikaso ng mga pasyente sa umaga. Habang nakakalahati ko na ang lunch na binili ng assistant ko, nakaramdam ako ng parang kakaiba sa tyan ko. It was as if something wrong was going on pero hindi ko mapaliwanag kung ano iyon.
Agad akong tumayo ng makaramdam ang pagkakasuka. Tumakbo ako sa bathroom ng clinic and the moment I arrived, hindi ko na napigilan ang pagsusuka. It keep going on and on, and my body was getting dehydrated.
I looked into the mirror and saw my face turning white. Namumutla na ako at hindi ko na alam ang nangyayari sa katawan ko.
"Doc, ok na ho bang pumasok ang unang pasyente. Ala una na po nang hapon. Doc? .... Oh my gosh! Tulong!"
Halos hindi ko na marinig ang sigaw ng assistant ko. Pagod na pagod ang katawan ko at malapit na akong malawan ng malay habang nakaupo sa floor ng bathroom.
"Kailangan po namin ng ambulansya! Yung Doctor po na boss ko, madaming pong sinuka. Tapos namumutla na po siya!" Bakas ang kaba sa tinig ni Janah habang tinatawagan ang hospital.
"Please po, dalian niyo." dagdag pa nito.
Hindi ko na namalayan ang sunod na mga nangyari. The next thing I know, nasa hospital na ako nakahiga sa kama at kagigising lamang. Nakita ko agad si Janah sa tabi ko na para bang may tinatype sa kanyang phone.
"Jana." Lumingon siya sa pwesto ko nang marinig ang daing ko.
"Doc, gising na po kayo! Hay, salamat." Parang nabunutan siya ng tinik nang makitang gising na ako. Wala akong alam kung anong nangyari kanina.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Food poisoning po, Doc. Nalason po kayo ng pagkain niyo sa lunch. Sorry po talaga, hindi na talaga ako bibili sa resto na yun, promise." Tinaas pa talaga nito ang kamay niya para magpromise sign. Napatawa na lang ako.
"Okay lang yun. Anong sabi ng doctor?" Pinilit ko ang sarili kong umupo.
"Pabalik na po yun, Doc. May kinuha lang ata muna. Ang gwapo nga eh. Marami palang gwapong doctor dito? Pahospital nga ako minsan." Kinikilig pa talaga siya.
Inabot na niya sa akin ang bag ko. Agad kong binuksan ito para hanapin ang phone ko. Nagsimula na akong magtext kila mama sa mga nangyari nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng hospital room.
Napatingin ako agad sa pumasok. Then, immediately I felt my body weakened in an instant. Standing beside my bed was no other than the guy who broke me, Earl in his white doctor's gown holding the results.
"Earl?!" Napasigaw ako dahil sa bigla. I've never seen him for the last 5 years and now he's right in front of me. Hindi mawala ang kabog sa dibdib ko sa kaba.
Sa lahat ng ginawa ko para iwasan siya, para lang makalimutan ang mga alaala, none of them worked when this day came. I thought I was done with you. I thought I was healed from the pain. But now, I knew it was never the case.
"I guess you're finally doing okay, Miss Agustin."
———————————————————————————
To some of the people who knew me in real life:
Kung binabasa niyo 'to at close friends tayo, some scenes may have occurred in reality and I'm sure na kwento ko na talaga sa inyo. Huwag niyo nang pansinin iyon, I swear move on na talaga ako. It's just that those "life events" gave me butterflies back then kaya I added para may kilig and twist naman tung story na to.
Hope everyone likes this! And thank you always for the support!
BINABASA MO ANG
Hearts Between Neighboring Islands [MED SERIES #2]
Romance"You might not be my beginning, but you will be my ending, Mika." - Earl Earl Francis Concepcion had everything you could imagine: the looks, the talent, the brain but Mika Lauren Santiago was the opposite. She had encountered numerous failures but...