"Ms. Castillo."
Nagising ako ng tapikin ako nang napakalakas sa balikat ni Kelly. Tssk, hindi ba obvious na ang sarap ng tulog ko?
"Mika, tawag ka ni Ma'am Mendoza. Gising, dali!"
Kahit hindi pa ako gaano ka gising tumayo na ako at naglakad. Wala kaming klase ngayon sa EAPP dahil nagkaroon ng general meeting ang mga English teacher. Walang klase yung adviser namin kaya nandito siya sa room, nakaupo at may tinatrabaho sa kanyang mesa.
"Ma'am, tinawag niyo po raw ako." sabi ko sa kanya ng makarating sa lamesa niya.
"Nandyan ka na pala, Mika." sagot niya ng marinig ang boses ko habang nagsusulat sa class record niya.
Agad niya akong hinarap at ngumiti. Parang may iuutos naman siguro si Ma'am. Dahil ako ang itinalagang president sa room namin, ako ang palaging napag-uutusan.
"Wala kang ginagawa diba? Pwede mo bang tawagin si Earl Claveria ng STEM-1? Magrereview sana kami para sa research conference na sasalihan niya."
"Ho?!"
Hindi ko maiwasang mapasigaw at mabigla nang marinig ang sinabi niya. Tumaas yung kilay niya ng marinig ang sagot ko. Patay! Baka magalit to. Mahilig pa naman tong magsuprise quiz pag galit. Mapapatay siguro ako ng mga classmates ko kung mangyari man.
"Si Earl Francis Claveria ng STEM-1? Hindi mo ba kilala?" tanong ni Ma'am Mendoza.
"Kilala ko po. Hehehehehe. Sige, Ma'am. Punta muna ako sa room nila." Bakas sa tawa ko na napipilitan lang ako. Paano ko siya haharapin?
Pumayag nalang ako kahit ayaw ko naman talagang gawin. Bahala na nga kesa naman magquiz pa siya no pag bad mood. Siya pa naman yung Chemistry teacher namin. Ayoko kayang magkaroon na naman ng bagsak. Baka wala nang university na tatanggap sa akin pagpuro bagsak ang grades ko.
Hindi mawala ang kaba ko habang naglalakad papunta sa classroom ni Earl. Medyo malapit lang ang room namin sa kanila. Isang room lang ang pagitan sa room ko. STEM-3 ako while STEM-1 siya.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Ng classmates niya? Grabe pa naman magtuksuhan ang mga highschool students. Hala, baka magalit! Bahala na nga.
Nang makarating na ako sa room ni Earl. Huminga muna ako ng malalim bago nag-excuse sa teacher na nagtuturo.
"Good Afternoon, Ma'am Bernadette." Agad naghiyawan ang mga lalaki sa likod. Mamatay na ata ako sa kahihiyan nito. Lupaaaa! Lamunin mo na ako please!
"Can you please call the attention of Earl Concepcion? Ma'am Castillo is looking for him." Iniwasan kong magkamali sa pagsasalita kahit nauutal na ako.
"OYYYYY"
"EIYYYYY"
"Pre, yung may crush sa'yo oh!"
Napuno ng sigawan ang classroom matapos kong kausapin si Ma'am Bernadette. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Ba't ba kasi ako ang napag-utusan ni Ma'am?
Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha pati narin ang kaba ng aking dibdib. Shit, hihimatayin ata ako dito.
Hindi na maintindihan ang nangyayari sa tyan ko. Para bang may mga bulateng binuhusan ng asin sa loob na hindi makapigil sa paggalaw.
"Class, quiet. Earl, sumama ka na kay Mika." sabi ni Ma'am Bernadette.
Inayos muna ni Earl ang kanyang glasses at tumayo na sa upuan niya habang dala-dala ang isang folder, siguro yun ang research paper niya. Hindi pa rin nawawala sa kanyang mukha ang seryoso nitong ekspresyon habang naglalakad patungo sa akin. Galit ba ito sa mga nangyari?
"SANA ALL!" pahabol pang sigaw ng isa sa mga lalaki niyang classmate nang makalabas na kami.
Nauna siyang maglakad papunta sa room namin habang ako naman ay nakasunod sa kanya. Grabe, nakakahiya talaga ang nangyari.
Medyo okay lang sa akin dahil immune naman ako sa kahihiyan, araw-araw akong pinapahiya ng mga kaibigan ko. Si Earl kaya okay lang sa kanya?
Binilisan ko ang paglakad pra makahabol sa kanya. Bago siya tuluyang makapasok sa room may sinabi muna ako.
"Sorry." Napapikit ang mata ko sa kaba ng sabihin ko ang salitang yun.
Medyo mahina ang pagkakasabi ko nun. Ewan ko ba kung narinig na yun. Basta nagsorry ako diba?
Hindi talaga ako sinagot. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad papasok sa room namin papunta sa lamesa ni Ma'am Mendoza. Shit, bunganga ko talaga. Hindi na sana ako nagsalita. Tskk.
"Hayy." Napabuntong hininga nalang ako. Pasalamat siya gwapo siya at matalino. Kung hindi, kanina ko pa siya binatukan sa pagiging suplado niya.
Bumalik nalang ako sa kinauupuan ko. Pagkaupo ko, pinuno agad ako ng mga tanong ni Jim kung bakit ko kasama si Earl. Kung ano daw ang nangyari. Hindi ko na ito pinansin at bumalik nalang sa pagtulog.
Dumating ako sa bahay namin mga ala sais na at malapit ng maggabi. Pagkapasok ko, nakita ko agad si Mama nakaupo sa sofa habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.
"Ma! Maaga ka ngayon ha. Mano po." tanong ko sa kanya nang makaupo ako sa tabi at nagmano.
"Ah. Oo anak. Wala masyadong trabaho sa work." Hindi pa rin nawawala ang titig niya sa screen ng cellphone. Parang may chinachat ata ewan ko ba.
"Natapos mo na ba yung college applications mo? Malapit na ata yung mga cets. Naghanda ka na ba?"
"Opo, Ma! Actually, nagresearch na po ako kumakailan tapos sa Cebu sana ako mag-aaral. Okay lang ho ba?" Medyo kinakabahan ako sa sagot ni Mama. Mahal kadalasan ang mga university sa Cebu puro private.
"Saan mo ba planong mag-aral?"
"Sa CDU po, dentistry sana."
Nagpatuloy lang ako sa pag-explain sa kay Mama ng mga planong kong applyan na mga paaralan. Tinanong niya rin ako kung magkano ang tuition at gaano kalaking pera ang maaari kong gastusin sa isang taon.
"Sa December po yung plano komng magtake ng entrance exam. Okay lang po kung ako lang yung pupunta. Sasama naman din siguro sina Argie at Kelly kaya makakaya ko pong mag-isa."
"Sigurado ka ha? Ayusin mo yang mga plano mo. Basta bahala ka nang magproseso ng lahat. Maghingi kalang kung may kailangan mang bayaran."
Sumigla ang mukha ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Sa wakas nabunutan ng tunok ang puso ko nang sinabing niyang pwede akong magdentistry.
"Sige po, Ma. Thank you talaga!"
Dati palang, gustong-gusto ko na talagang mag-aral ng dentistry sa college. Nung bata pa kasi ako, madami akong sirang ngipin kaya palaging akong umiiyak at nagtitiis sa sakit kapag namamaga. Mabuti na nga ngayon naayos na ito ng minsang bumisita kami sa dentista para magpacheck-up.
Tapos nung minsan nagparoot canal ako, tang-ina ang sakit pala nun? Hindi ko talaga naiwasang mapaiyak sa sakit. Mabuti na nga mabait yung dentista kaya tinatahan niya ako tung nasasaktan ako sa procedure.
Nang makapunta na ako sa kwarto ko, minessage ko na agad sila Argie para tanungin kung pupunta ba din sila sa Cebu upang makaplano na kami ng maaga.
[Me: Punta tayo sa Cebu mga December.]
[Kelly: Gaga, anong gagawin natin dun? Maghahanap ng jowa? Dito nga hindi na makahanap, sa Cebu pa kaya?]
[Argie: Ayy! Boy hunting, G ako jan!]
[Me: Wala talaga kayong plano sa buhay no? Magtetake sana ako ng entrance exam for CDU. Baka kayo may plano din ayusin ang buhay?]
[Argie: Hala shet! Cets nga pala. Thanks for reminding!!]
[Kelly: Sama ako. Mag-aapply nga pala ako sa Velez. Yayy!!! Gala iz real!]
Ewan ko ba kung aral ang inaatupag ng dalawang to. Parang lutang palagi. Mas mabuting bukas ko nalang sila kaausapin, baka sakaling matino na sila kausap.

BINABASA MO ANG
Hearts Between Neighboring Islands [MED SERIES #2]
Romance"You might not be my beginning, but you will be my ending, Mika." - Earl Earl Francis Concepcion had everything you could imagine: the looks, the talent, the brain but Mika Lauren Santiago was the opposite. She had encountered numerous failures but...