KABANATA III

5 2 0
                                    

Walang katapusan ata tong pag pump ko ng mga balloons na gagamitin para sa intrams bukas. Kami lang dalawa ni Carlo kasi busy ang iba sa pagpapractice ng cheer at yung iba naman, tumakas sa trabaho. Hay, typical high school.

"Mika, nuod ka sa game ko bukas ha." sabi ni Carlo habang nagpupump din.

"Anong oras ba? Galingan mo ha! Wag kang magpapatalo."

"Okay lang sana kung wala si Earl kaso natatalo talaga niya ako sa huling round. Bad trip nga eh pero gagalingan ko para sayo." sagot niya sabay ngiti sa akin.

At dun naalala ko na badminton athlete din pala si Earl. So para akong tanga bukas na sinusuportahan si Carlo pero deep inside si Earl naman talaga ang gusto kong manalo.

"Sige, manunuod kami nila Kelly at Argie. Sasama ko sila bukas" simple kong sagot dito.

Nagpatuloy lang kami sa ginagawa. Si Carlo ay isa sa mga classmate ko mula grade 7. Ewan ko ba parang hindi ako iniwan ng lalaking to. Baka yata college pareho lang kaming ng papasukan.

Nang sumunod na araw, maaga akong pumasok sa skwela habang nakasuot ng intrams shirt, green yung nakaassign na color for stem students kaya kakulay din nito ang suot ko. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang dumaan sa room nila Earl bago makarating sa room namin. Siya palang ang nanduon, naghahanda ata para sa game mamaya.

Nakasuot din ito ng green na itrams shirt habang may puting bandana sa ulo at nakaputingshorts din. Inaayos nito ang pagkakasuot ng glasses niya habang nakatitig sa kawalan. Si Earl ang tipo ng lalaking hindi mahirap mahalin. People usually notice him for his looks. Pero the first time that made me see him differently was how he treated children.

Teacher's day noon at lahat ng class presidents ay kailangan magpretend as teacher, do their duties for one whole day to give them break. Honestly, kulang nalang patayin ko ang mga students sa younger years dahil nakakabingi na ang mga sigaw but Earl stood there, waiting for them to calm down. Then, magically he became friends with everyone. Parang lahat ng bata gusto siya ang kasama.

He usually displays this very stubborn look on his face, but he's soft deep within. At the very moment, he caught my heart and I was fallen into his trap.

Mga 9 nang umaga nagsimula ang parade. Hindi medyo malayo yung nilakad namin kaya hindi man lang ako napagod. Bago makapasok sa gate ng school, inaya ko muna sila Argie na bumili ng snacks para makadiretso na kami sa area kung saan maglalaro ng badminton.

"Isang malaking bag ng Mr. Chips at coke mismo po." sabi ko sa Tindera ng majesty. Bumili din ng pagkain ang mga kaibigan ko.

Ayaw talaga nila akong samahan sa panunuod pero pinilit ko lang sila.

"Ba't ba kasi badminton? Pwede naman swimming ha para libre ang sightseeing." hindi mawala ang inis sa mukha ni Kelly at ang pagdadabog nito.

"Wag ka nga. Nangako ako kay Carlo na manunuod ako at nakalimutan mo na bang classmate natin si Carlo. Dapat magpakita tayo ng support."

"Si Carlo talaga yung susuportahan? Baka gusto mo lang makita si Earl? Pero ang hot din naman ni Carlo pagpawis so G ako!" Umakto pa si Argie na parang kinikilig.

"Gaga, si Carlo talaga."

Iniwan ko na sila at naunang maglakad. "Huy, hintay!" sigaw ni Argie.

Nagsimula na ang first match nang dumating kami. Naupo kami sa bench ng covered court. Wala masyadong tao kaya madaming bakanteng upuan. Nang makaupo na ako, nahagip ko si Carlo na nakatingin sa akin habang nagwewave. Nagwave din ako sa kanya while mouthing "Good luck and Gob bless!".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hearts Between Neighboring Islands [MED SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon