Sa lahat ng araw na pwedeng umulan ngayon pa talagang wala akong dalang payong? Nang iinis ba ang Earth? Kakatapos lang ng klase namin sa Calculus at ngayon, uwian na sana kaso parang malabong makakauwi pa ako sa sitwasyon.
Dali-dali akong lumapit kay Argie para makisabay.
"Huy, Argie! Share tayo sa payong mo. Please?"
Kinalabit ko siya para makalingon siya sa akin habang kasalukuyan niyang binubuklat ang payong.Sinubukan kong magpacute baka sakaling madala ang bakla pero hindi talaga.
"Huh? Di mo nga ko pinakopya sa Oral Com. Bahala ka sa buhay mo." Inirapan niya lang ako at akmang maglalakad na palayo.
Tumakbo ako para habulin siya.
"Hala. Ba't ka galit. Di ba sabi mo nag-aral ka? Kaya hinayaan na kita."
"Eh nagsignal pa nga ko sa'yo sa number 14 pero ikaw focus na focus. Ayan tuloy hindi ako perfect." sagot niya while pouting.
"First time mo, Te? Ililibre nalang kita bukas. Gusto mo?" dagdag ko pa para maenganyo siya.
Agad lumiwanag ang kanyang mukha. Sabi ko na nga ba basta libre go na go talaga tong baklang to.
Naglakad na kami papunta sa gate gamit ang payong niya. Napatigil siya sa paglalakad ng nasa library na kami.
"Gie, ayusin mo naman. Nababasa na ako oh." Unti-unting na akong nababasa dahil sa patak ng ulan.
"Huy, Mika diba si Earl yun?"
Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Biglang kinabahan akong kinabahan nang marinig ang pangalang 'Earl'.
"Ha? Saan?" tanong ko sa kanya habang iniiwasan ang sarili na mabasa sa ulan.
"Ay iba, Sis. Exclusive na sila ni Raya? Sila na?"
Lumingon agad ako ng marinig ang mga sinabi ni Argie. Nang mahagip ng aking mata ang kinatatayuan ni Earl, out of nowhere, I felt something in my chest area. It was my heart, aching from the scene I just saw.
Si Earl kasama ang rumored girlfriend niyang si Raya. Naglalakad pauwi, magkasama, nagkukwentuhan habang si Earl ang maydala ng payong. May pa tawa-tawa pa talaga si Raya sa mga sinasabi ni Earl. Saya mo girl?
Putek, bakit ang sakit? Do I deserve to see this? Ganito naba talaga ako kasama para maparusahan ng mundo? Well, the world is doing a good job in trying to hurt me. Ang galing lang.
"Diba crush mo 'yun nung Grade 9 tayo? Baka affected ka, Sis?" tawa niya.
Oo hanggang ngayon pa din. Up to this day, I still hope na baka one day, he will turn his eyes on me and see my relevance.
"Gaga, move on nako huy." sabi ko habang pilit na iniiwasan ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko alam kung paano patigilin ito.
It was painful being rejected but it was more painful seeing him with someone.
Ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko na may gusto parin ako kay Earl dahil alam ko ang kabaliwan nila. Katulad nung Grade 10 kami, chinat ba't ba naman si Earl kung pwede ko ba daw siya maging partner sa prom. Syempre, sineen niya lang ito. Nakakahiya talaga.
I'll just keep this emotions to myself.
Hinagit ko siya para makalakad na kami.
"Dali na nababasa nako." sabi ko.
Yumuko ako para hindi niya mapansin ang ekspresyong nakapinta sa aking mukha. Nagmadali nalang akong maglakad hanggang sa nakarating kami sa canteen sa harap ng school.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Neighboring Islands [MED SERIES #2]
Romansa"You might not be my beginning, but you will be my ending, Mika." - Earl Earl Francis Concepcion had everything you could imagine: the looks, the talent, the brain but Mika Lauren Santiago was the opposite. She had encountered numerous failures but...