Worth it

3 1 0
                                    



"Tito Azrious bakit po wala kayong asawa at anak? Nagkaroon po ba kayo ng girlfriend?" Tanong saakin ng pamangkin ko, anak ng kapatid kong lalake.


"Nagkaroon naman Emily. Isa nga lang." Sagot ko.



Bumalik yung sakit ng nakaraan dahil naalala ko kung pano nagwakas ang relasyon naming dalawa.


"Pwede nyo ho ba akong kwentuhan tito about po do'n?" Inosenteng tanong ni emily


"Niligawan ko syafor 1 year, she's the standard. The ideal type maganda sya kaya andaming naghahabol sakanya at sexy pero bukod sa physical appearance nya ay napakabuti ng puso nya dahilan upang maraming lalake ang mahumaling sa kanya" sagot ko nang nakangiti, ang sarap alalahanin kung paano kami sa simula


"wow tito. Ang tyaga nyo po for 1 year? Kung ibang lalake yan nako" biro nya pa


"Masaya kami, Emily. Lumipas ang mga taon lalo akong nahuhulog sakanya. Bukod sa maganda at mabakt na sya wifet material pa. Sabi nga samin kasal na lang daw ang kulang" sagot ko


"tapos po tito?" Tanong nyang muli


"Hatid at sundo ko sya, alagang alaga ko sya Andaming naiinggit sa kanya, sabi nila sa kanya gusto rin nila ng katulad ko pero ang sagot ng nobya ko ay 'nako nagiisa lang yan at para sakin lang' ang yabang pa raw nya no'n" sabi ko nang nakangiti


"tapos dumating ang birthday nya, inaya ko syang magpakasal sa harap ng pamilya ko at pamilya nya, that was the best day of my life nung lumuhod ako at inaya syang magpakasal pinangako naming dalawa na bubuo kami ng masayang pamilya. Oo agad ang kanyang sinagot, walang bahid ng pagaalinlangan, umiyak pa nga sya no'n" dugtong ko pa sa sinabi ko


"sayang po pala kayo tito. Pano po kayo natapos? Tyaka ano pong pangalan nya tito?" Tanong nya, napakainosente ng mukha.


"Nabuntis sya, kaya kami natapos" tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko


"sabi nya, pwede nyang iwan yung lalake at sabihing ako ang ama, sobrang sakit Emily" naluluha kong sabi


"Kasi sakin dapat, ako dapat Emily pero bakit sya. Ako yung lumuhod at sakin sya sumagot ng matamis na oo pero sa iba nagpakasal, nangako kami sa isa't isa pero sa iba tinupad" patuloy sa pagtulo ang luha ko, animo'y isang bata na inagawan ng laruan


"Tito tahan na po. Pwede ko po bang malaman ang pangalan nila tito? Gagantihan po natin sila." Sabi nya. Natawa ako


"ang pangalan nya ay Noah at Keireen" sagot ko ng nakangiti. Bakas ang gulat sa mukha nya



"Hindi naging sayang. Emily, nagtaksil man sakin ang Papa mo pati si Keireen na mana mo. Masaya pa rin ako dahil dumating ka sa buhay ni tito. Kung hindi sila nagtaksil saakin walang Emily si tito" sabi ko habang hawak ang pisnge at umiiyak


"Mahal na mahal ko si Keireen pero mas mahal ko ang tatay mo dahil kapatid ko sya. Kaya imbis na ituloy namin ni Keireen ang relasyon namin iniwan ko sya para lang lumaki kang kasama ang tunay mong ama Emily." Tumulo ang luha ni Emily


"Tito, sorry po" at niyakap nya ako


"H'wag kang magsorry Emily, sila ang may kasalanan at hindi ikaw. You're a blessing. Iloveyou" At hinalikan ko sya sa noo.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilation Of My Short Stories & PoemsWhere stories live. Discover now