Magkababata sina Patricia at Luis. Noon pa lang ay may lihim ng pagtingin ang binata sa kaibigan. Grade 11 sila noon nang magkaroon nang lakas ng loob ang lalaki na umamin sa babaeng matagal nang iniibig. Hindi naman nabigo ang binata dahil pinayagan din naman syang manligaw ng dalaga. First year College sila noon ng sagutin ni Patricia si Luis. Kursong Engineering ang kinuha ni Luis samantalang Law naman ang kinuha ni Patricia. Naging masaya ang naging relasyon nila Luis at Patricia na umabot ng dalawang taon. Hanggang sa isang araw ay sinabi ng binata na naisip nito na ipagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa sa kadahilanang nandoon ang buong pamilya nito at tanging ito na lamang ang naiwan sa Pilipinas. Tutol man ay hindi masabi iyon ni Patricia sa kasintahan lalo na't nakikita nyang miss na miss na rin nito ang pamilya na nasa ibang bansa. Ngunit ang desisyong iyon pala ang makapagpabago sa relasyon nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Ala-ala (Short Story #1)
Short StoryTatlong taon nang magkasintahan sina Patricia at Luis nang magdesisyon si Luis na ipagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa sa kadahilanang nandoon ang kanyang buong pamilya at tanging sya na lamang ang naiwan sa Pilipinas. Kahit labag man sa loob ng...