"Happy 4th year anniversary Babe." masayang bati ni Luis kay Patricia. Nasa parke sila ngayon, Dalawang taon na rin nang napagdesyunan nila na dito icelebrate ang anniversary nila. Tahimik kasi lalo na kapag hapon at wala nang masyadong nagpupunta sa lugar. Importante din sa kanila ito dahil dito sinagot ni Patricia si Luis.
"Happy anniversary din Babe." Masayang bati rin ni Patricia kay Luis ngunit hindi maitatago ang kalungkutan sa mga mata nito na hindi naman nakaligtas sa mata ni Luis.
"Bakit ka malungkot, anniversary natin ngayon dapat masaya ka, Akalain mo 4 years na rin tayo." Masayang saad pa rin nito sa dalaga.
"Hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon natin? Gusto kitang yakapin pero hindi ko magawa kahit ang hawakan ka man lang. Isang taon na tayong palaging ganito. Hirap na hirap na ako." tuluyang naging emosyonal ang dalaga. Napahagulgol na ito ng iyak. Dahil sa nakikita ay hindi na rin nagawang pigilan ni Luis ang nararamdaman.
"Kung nahihirapan ka na. Bumitaw ka na Patricia, ikaw lang naman ang inaalala ko ehh. Kung palagi kang malungkot hindi kita makakayang iwan." naluluha na rin nitong saad sa kasintahan.
"Pakawalan mo na ako Patricia." Parang punyal sa puso ni Patricia ang mga katagang binitawan ni Luis. Unti-unti syang pinapatay ng mga salitang iyon dahil alam nyang hindi pa nya kayang pakawalan ang binata. Kahit nahihirapan na sya sa sitwasyon nila ay hindi pa rin nya ito mapakawalan dahil mahal na mahal nya ito.
"Hindi...hindi ko pa kaya."
BINABASA MO ANG
Ala-ala (Short Story #1)
Short StoryTatlong taon nang magkasintahan sina Patricia at Luis nang magdesisyon si Luis na ipagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa sa kadahilanang nandoon ang kanyang buong pamilya at tanging sya na lamang ang naiwan sa Pilipinas. Kahit labag man sa loob ng...