Kabanata 22

1.7K 37 0
                                    


KABANATA 22

NAKAKAPAMULANTANG ang dala dala niyang malaking rosas, Seryoso ang mukha niya habang malalaki ang hakbang na tumungo sa akin. Yumuko siya at dinampian ako ng halik sa labi.

"Hey baby..."Nanindig ang balahibo ko sa baritong boses niya habang malamlam ang matang nakatingin. Nakatulala ako sa mukha niya nang i-abot niya sa akin ang bulaklak.

"T-hankyou."Aniya ko nang matauhan, Uminit ang pisngi ko nang marahan siyang tumawa ng ma-utal ako.

"Why so shy baby?"Nanguuyam na sabi habang tinataas baba ang kilay. Tiningnan ko siya ng masama.

"Anong shy? May pa grand entrance ka pa talaga 'no?"Pag Puna ko sa pagpasok niya kanina. Ngumuso siya at umupo sa tabi. Sinulyapan ko si bridget na nakataas ang kilay at nang aasar na tumingin sa akin. Katabi niya ang stylist at make up artist ko na pareho din nakatingin.

"Tss, I just want to surprise you."

"Alright, Na-surprise mo ako kaya wag ka nang sumimangot diyan.Haha"

"Psh. Goodluck baby.."Pag iiba niya habang hinahawakan ang aking kamay.

"Hunt... Kinakabahan ako.."

"Don't, Just enjoy.. Huwag mong isipin na competition ito."

"Kahit na.. Feeling ko hindi ko magagawa ng tama ang mga tinuro ni bridget."Nanlalamig ang kamay na sabi ko.

"You can baby, Wag ka kabahan.. Kahit anong mangyari always remember that I'm always here for you."Ang kaba na umiikot sa aking systema ay nabalutan ng kilig. Ngumuso ako para pigilan ang ngiti na namumuo sa labi.

Ilang minuto kaming nag usap ni Hunt bago siya mag paalam na lalabas na dahil tinatawag na kami ng instructor.

"Goodluck kiss ko?" Nakanguso kong sabi ng akmang tatayo siya, He chukled and give me a soft kiss.

Tumayo na ako at inayos ang suot nang mawala sa paningin si Hunt. Huminga ako ng malalim at tumungo sa ibang kandidato na pinapapila na ngayon.

"Let's all welcome our Miss U candidates!!!"

Hinanda ko ang ngiti ko at ikinendeng ang bewang, Nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mukha ko nang makalabas kami ng stage.

Hiyawan at palakpakan ang madidinig sa buong arena.

Naka focus lang ako sa pag sasayaw nang mag simula ang opening number.. Sa bawat hiyawan ay mas lalo akong ginaganahan sa pag sasayaw.

Agad kaming pinapila para sa introduction nang makapasok ng backstage. Mabilis lang ang introduction nang mga nauna sa akin kaya ang ginawa ko ay pinasimple ko muna ang rampa papunta sa sa unahan.

Malambing ang boses na nag pakilala ako.. Malakas ang hiyawan nang aking mga taga suporta , Kumindat muna ako sa audience at judges bago pumihit pabalik sa backstage.

Agad akong nagpalit para sa national costume, Tulong tulong sina bridget sa pag susuot sa akin ng malaking gown ko na si Mr.Chairete ang nag desenyo.

Palakihan kaming lahat ng suot suot na national costume,Mabigat ang suot suot costume na napakalaki at ang bawat materyales na ginamit sa damit na ito ay tunay na tela at bahagyang bumigat dahil sa mga perlas na nakalagay.

I keep my back straight kahit nangangalay na ang aking balikat. Sinuyod ng aking mata ang paligid, May kanya kanyang mundo ang bawat kandidato. Kanya kanya silang retouch habang nakapila at nag aantay kami sa backstage.

Tumikhim ako nang mapansin na tumatagal ang aking mata sa grupo ng kandidato na matalas na ang tingin sa akin ngayon. Nag iwas ako ng tingin at humarap nalang.

When the Universe Collide (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon