Kabanata 27

1.9K 40 0
                                    

KINABUKASAN laking tuwa namin ni papa at gumising na si mama. Ang sabi ng doctor ay pwede ng ilabas si mama mamayang gabi.

"Ma, Kumain ka ng prutas para bumalik kaagad ang lakas mo at makapag zumba ka na kasama ng mga kumara mo."Natatawang sabi ko dahil nalaman ko kay papa na mahilig na si mama mag zumba tuwing umaga kasama ang mga kaibigan niya.

Naiisip ko pa lang natatawa na ako.

"Ewan ko sayong bata ka, Kailan mo ba balak mag asawa huh? Tumatanda na kami ng papa mo at gusto na namin ng apo. Nakakaingit ang iba kong kumara na may mga apo na." Umingos ako sa kanya.

"Ma, Ang bata ko pa tiyaka 25 palang ako...Wala nga akong jowa hahanapan mo pa ako ng apo. Kung hinahanapan mo kaya ako ng jowa!" Ngawa ko sa kanya habang hinihiwa ang apple.

"Jusmiyo kang bata ka! Pag labas na paglabas ko dito sa hospital, Ipakikila kita sa anak na lalaki ng kumara ko."Pagsasakay sa akin ni mama. Natawa ako sa sinabi ni mama at sumang ayon.

"Dapat gwapo huh? Matipuno ang katawan at mabait." Pagdedetalye ko.

"Si Huntley ata ang tinutukoy mo."Nakangising sabi niya na ikinaasim ng mukha ko.

"Ma! It's been five years.. Move on move on din!" Inis na sabi ko.

"Oo na galit agad anak.. Sayang ang batang yun, Gustong gusto ko pa naman yun para sayo." Pagkwekwento niya.

"Blah blah blah. Wala akong naririnig." Nakatakip na tenga na saad ko.

Maghapon akong nasa kwarto ni mama habang si papa ay bumalik panandalian sa bahay. Nang sumapit ang gabi, Tulak tulak ni papa ang wheelchair ni mama habang nagbabayad ako.

"Tara na.."Yaya ko sa kanila ng matapos magbayad, Ginaya ko sila sa grab na binook ko.

Habang nasa byahe hindi ko namalayan na nakatulog na ako, Nagising nalang ako na nasa loob na kami ng subdivision namin at natatanaw ko na ang bahay.

"Thank you po." Pag papasalamat ko sa driver pagkatapos magbayad at sinara ang pinto.

Pagpasok ko ng sala, nakita ko si papa na buhat buhat si mama paakyat ng kwarto. Binuhat ko ang wheelchair at dinala sa kwarto nila bago tumungo sa kwarto ko.

"Chryses! May nagpadala sayo!" Kakalabas ko lang ng banyo ng marinig ko ang sigaw ni papa. Nagpupunas ang buhok na bumaba ako.

"Kanino galing?"Takhang tanong ko sa kanya na hawak hawak ang isang box.

"Walang nakalagay."Kibit balikat ni papa. kInuha ko sa kanya at umakyat muli sa kwarto.

Wala naman akong order ah?

Puno ng katanungan ang isipan ko habang patungo sa kwarto. Sinara ko ang pinto at umupo sa kama.

Secured na secured ang box na parang importante ang nakalagay. Kinuha ko ang cater, Maingat na hiniwa ko ang gitna ng box.

"What the!? "Gulat na sabi ko pagkabukas na pagkabukas ng box.

May litrato ko sa loob ng box at may bahid ng dugo. Kinuha ko ang papel na katabi ng litrato.

"Be ready, I'm back.. One of these day I will kill you." Mahinang basa ko. Nanginginig ang kamay na binitawan ko ang hawak.

Wala naman akong alam na may intensyon na gawin iyon sa akin, Baka fake threat lang o napagtripan lang ako.

Gumaan ang pakiramdam ko.

"Tss, As if matatakot ako." Kinuha ko ang box at tinapon sa trashcan. Nag alcohol ako baka may virus yung nagpadala.

When the Universe Collide (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon