Kabanata 25

1.8K 45 0
                                    

KABANATA 25

"HANGGANG KAILAN tayo dito sa Thailand?"Tanong ko sa PA ko ng makapasok ng hotel.

"Hmm, 3 weeks po ang nakalagay dito sa scheduled niyo." Tumango ako sa kanya at humiga sa kama. Narinig ko ang yapak niya palabas at mahinang pagsara ng pinto.

It's been 4 weeks when I last saw him. It's been 1 week when our communication almost fade. He got more busy when he went home.

Tumihaya ako sa kama.

I miss him. I miss my parents. Minsan nagsisi ako na sumali ako ng Miss U o sadyang na hohome sick lang talaga ako.

Three months nalang matatapos na ang responsibilidad ko bilang Miss Universe 2020 at makakapag focus na din ako sa study, family at kay Hunt.

Alam kong nitong mga nakaraang buwan ay bihira ko nalang sila makausap.

Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan siya. Nakatatlong ring na wala pa ding sumasagot. Ilang beses akong tumawag hindi ko na mabilang. 5? 14? 18? I don't know. Basta madami..

Baka busy?

Tinawagan ko nalang si mama at papa through skype.

"Hello mama! Asan si papa?"Bungad ko ng hindi nakita si papa sa screen.

"Nako! Eto pala yung Miss Universe kong anak, Hayaan mo na ang papa mo ang tagal bumaba tinawag ko na." Natawa ako dahil natataranta si mama sa pagaayos ng selpon niya.

"Kamusta na kayo diyan ma?" Nakahalumbaba kong tanong.

"Okay lang anak, Kailan ba ang uwi mo dito?"

"Mga three months nalang ma, Makakauwi na ako. Miss ko na kayo!"Ngumuso ako sa kanya. Tumayo si mama at may kinuha, Pagbalik ay may dala dala na siyang plato na puno ng manga at bagoong.

"Aaaa! Penge ako ma!"Naglalaway akong tumingin sa screen.

"Blehh!"Nang aasar na aniya sabay kain sa harap ko ng manga, Sumama ang mukha ko habang nakatingin sa pangasar niyang mukha.

"Tss. Bye na ma.. Kinamusta ko lang talaga kayo. Paki kamusta nalang ako kay papa a?"

"Oh sige sige!" Magsasalita pa sana ako ng pinatay niya ang tawag.

Humikab ako at nagkusot ng mata ng makaramdam ng antok.

Pungas pungas na inabot ko ang selpon ko, nang marinig ang sunod sunod na text.

From:Hunt baby

"Punta ka dito sa hotel ******** I'm here, Make it faster. I miss you."

Napaupo ako sa gulat at mabilis na nagbihis, Malaki ang ngiti ko habang nagaayos ng mukha.

To:hunt baby

I'm coming!

Dinala ko ang mga importanteng gamit ko at sinuksok lang sa bag na dala sa pagmamadali, Nag rubber shoes lang ako para madaling tumkabo.

Suot suot ang wafers na sumakay ako ng taxi.

"Make it faster please."

"Yes,Ma'am."

Pinaharurot ng driver ang taxi, Binuksan ko ang phone at tinext ang PA ko na bukas na ako makakabalik at i-cancel niya ang mga appointments ko.

For sure mag damag na naman kami.. Uminit ang pisngi ko sa imahinasyong naglalakbay sa aking isipan.

Hindi ko namalayang huminto na nag taxi, Inabot ko ang bayad at malalaki ang hakbang na lumabas.

Tiningala ko ang mataas na building sa aking harapan.

When the Universe Collide (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon