❥︎2

33 9 17
                                    

-Pompous Assed-

C H A S E' P O V

This man is really familiar, hindi ko pa siya nakita dito pero napakapamilyar niya. Para bang.. Nagkita na kami noon pero hindi pa naman..

Napalingon ako kay Hyacinth na ngayon ay nakatagilid na ulo para bang pamilyar din siya sa kaniya.

"Hya" I gestured her to follow kaya nagpaalam muna siya kay Elle na ngayon ay kinukwestyon yung lalake.

"He's freaking familiar right?" Tanong ko sakanya kaya napalingon siya sakin. Gulat.

"Pamilyar din siya sayo?"

"Sabi ko diba?" Napairap nalang siya sa sinagot ko at bumalik.

Nadatnan namin sina Elle at yung lalakeng nagtatawanan na.

'Itong babaeng to kung jowa kita baka nasuntok ko na yang lalakeng yan eh hindi pa nga natin alam kung sino yan'

Nakakunot noong pinanood ko sila at parang naramdaman ng lalake kaya napawi ang ngiti at tawa niya. Liningon naman ako ni Elle ng nakataas ang isang kilay kaya nagpilit na muna ako ng ngiti.

"So.. Mr.. What's your uhh name?" Tanong ni Hya kaya tinignan ko na yung lalake pabalik.

"I don't really remember, pagkagising ko nalang ay nakahiga na ako sa sofa niyo" nakangiting aniya.

Napabuntonghininga nalang ako at napaupo sa sahig. Iniwas ko nalang ang tingin ko at nagmunimuni. Maggagabe na kaya napag isipan na naming matulog.

"Uhh.. Keso"

"Yap?"ngiti ko

"Kami nalang ni Hyacinth ang magsasama sa isang kwarto tapos kayo ni.. Ano..yung lalake ok?" Napawi ang ngiti ko at napalitan ng pilit na ngiti.

"Sge.. Matulog ka ng maaga ha?"

"Yap sure!" Kinuha niya muna yung blangket niya atsaka lumabas sa kwarto ko.

Sakto namang pumasok yung lalake.

"Ako na sa sahig ikaw sa kama." Ani ko at hinanda na ang mahihigaan.

"Ahh ako na sa sahig." Di ko na sya pinakinggan at humiga na.

'Sana hindi sila maging close ni Elle'

Napailing nalang ako sa iniisip ko at natulog nalang.

> K I N A B U K A S A N<

Nagising ako ng maaga, as usual. At dahil maaga pa tulog pa silang lahat, pinuntahan ko muna sina Elle at nakita kong nakanganga pa nga siya. Pumunta nalang ako sa kitchen at nagluto ng breakfast para saming tatlo.

'May isang alien pa sa kwarto mo'

Bigla kong naalala yung lalakeng walang pangalan kaya nawalan agad ako ng gana. Pero dahil mabait ako tapos gwapo pa, ginawan ko na lang din siya ng breakfast.

Pinuntahan ko agad sina Elle pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain.

"ELLLLEEEEE!" sigaww ko sa kanya at napaupo naman siya na nanlalaki pa ang mata at ilong kaya natawa ako. Liningon nya ako at sinamaan ng tingin.

"P*TANGINA MO KESO!" Dali dali siyang bumangon kaya napatakbo nalang ako papunta sa table at dali daling umupo.

Kitang kita ko sa mata nyang gusto niya akong sakalin kaya nginitian ko nalang siya. Ilang sandali lang ay lumabas na yung lalake at si Hyacinth. Nagsimula na kaming kumain nang matiwasay. Pero sinira ni Hyacinth ang katahimikan.

Excruciating Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon