♪♪♪
You can't stay in a single song for a month, or even a week or two, am I right?
A song is similar to a chapter in a story; song writers create an entire song with a message or story behind it because it was either written for someone or simply because they wanted to. So, as I mentioned earlier, you can't stay in a single song or chapter for an extended period of time.Today was not the same as yesterday; the events of yesterday were not the same as the events today.
The song that was on the playlist yesterday is not the same as the song that is on the playlist today.
We have no idea how our lives will turn out in the future.
--
We can rely on our playlist to keep us from getting tired and stressed, but we can't rely on it to keep bad things from happening.
--
Third person's POV
"Miss mali ho yung nilikuan mo," saad ng lalaki sa babae na nagddrive ngayon ng isang kotse.
Sa isang eskinita, niliko ng babae ang kotse kaya't grabe ang kaba na nararamdaman ngayon ng lalaki.
Napapaayos ng upo ang lalaki sa passenger seat ng kotse, pinagpapawisan, di mapakali at malalim ang hininga, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip nito.
"Kabado uno," bulong ng babae sa lalaki matapos niyang ihinto ang kotse.
"Bakit tayo nandito? Hindi ko alam kung saan to, bakit mo ba--?" Naputol ang pagsasalita ng lalaki nang biglang tinakpan ng babae ang bibig nito gamit ang kaliwang palad.
Hindi na nagpumiglas ang lalaki ng may ibulong ang babae sa kan'ya at matapos ay nagtatakang tumitig ang lalaki sa mga mata ng babaeng kaharap niya.
"Shain?" halos pabulong na saad niya, tama lamang upang marinig ng babae.
"Kanta ka, gusto ko na ulit marinig yung boses mo."
♪♪♪
YOU ARE READING
Playlist of my Life(On-going)
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Liza, may mga magulang siya na laging nakaagapay sa kaniya at mga kaibigan na kahit kailan ay hindi siya hinayaan at iniwan. Ngunit... May mga pangyayari talaga sa buhay natin na paulit-ulit nalang at hindi na matapos-tapos...