♪♪♪
Liza's POV
☾︎You would not believe your eyes
If ten million fireflies
Lit up the world as I fell asleep
'Cause they'd fill the open air
And leave teardrops everywhere
You'd think me rude
But I would just stand and stare
I'd like to make myself believe
That planet Earth turns slowly
It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep
'Cause everything is never as it seems.☽︎
Bago pa ako makatayo ng kama ay namatay na ang alarm ko, mabilis lang rin ako magising dahil sa lakas nito at kapag naririnig ko rin ang kanta na Fireflies by owl city ay nabubuhayan ang mga laman loob ko chos. Medyo lang.
Paborito ko kasi ang kantang ito kaya't ginawa ko itong alarm ringtone para pag gising ko palang ay gaganahan na kaagad ako.Pero skl ha, minsan ay nagkakaro'n ng topak ang alarm ko na'to, yung tipo na akala ko dati may multong nagpatay ng alarm ko pero nagloloko lang pala hays.
*toooooooook!toooooook!*
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Belle, malapad at napakaganda niyang ngiti ang bumungad sa'kin.
Sanaol maganda.
Si Belle ay anak ng isa sa katulong ng bahay namin. Napakabait ng batang 'to kaya't malapit ang loob ko sa kanya. Siya pa nga ang sinasama ko kapag mag isa ko na pupuntang mall or saan man.
May time pa na binibilhan ko siya ng mga bagong damit ngunit tinatanggihan niya. Saad niya ay dahil raw sobra pa ang pinapasahod nila mommy sa kanila kaya't nakakahiya naman na kung tatanggap pa siya ng mga gamit na galing sa'kin o kila mommy.
17 years old na ako at si Belle naman ay mas bata sa'kin ng dalawang taon. Pinipilit siya ng kaniyang ina na mag aral ngunit mas pinipili niya na samahan ito sa mansion.
Si Nay Rosa kasi ay may karamdaman. Matagal na daw ito ika niya sa'kin ng binisita ko siya sa probinsiya nila, noong araw na iyon ay hindi muna pinapatrabaho dito sa mansion si Nay Rosa dahil sa karamdaman nito.
Mga nasa walo hanggang siyam na taon pa lamang raw noon si Belle ng simulang magkasakit ang kaniyang ina.
"Bakit Belle?" May ngiti rin sa labi kong saad sa kanya. Ba't ganun sa kanya ang ganda sa'kin parang---nvm.
"Mam Liza pumunta na daw po kayo sa Dining Room, naghihintay na ho kasi sina mommy niyo po."
"Waaaah sige Belle salamat, 'tsaka sabi ko sayo wag mo na akong tatawaging mam diba? Ate nalang ano ka ba, para na rin kitang kapatid e."
"ahy hehe, nakakahiya naman po kasi mam,"
"shh bakit ka ba nahihiya? Ayos lang yon ano ka ba, dali na call me ate." Pamimilit ko.
"ahm sige na nga po ate," nahihiya niyang saad at sabay yuko.
"hahahaha wag kana mahiya sa'kin okay? Sige na, pakisabi nalang Belle kila mommy na mag aayos lang ako ng sarili ko at bababa na rin ako."
"Sige po," saad niya at naglakad na palayo.
Dumiretso naman ako sa banyo para maligo.
Matapos ko magbihis at mag ayos ay bumaba nako para masabayan sila mommy na mag breakfast.
Pagdating ko sa dining room ay wala na sila mommy. Ang tanging naroon ay si nanay Rosa na nagliligpit ng mga pinagkainan.
"Nay Rosa, nasaan ho sila mommy?"
"Ay Liza may emergency meeting daw sila mommy mo kaya umalis sila kaagad, hindi nga rin nila natapos ang pagkain nila." Tugon ni nay Rosa .
Aww.
"Ay ganun po ba? Ahm okay po pasok na ho ako nay Rosa." Paalam ko at hahakbang na sana palabas ng dining room nang magsalita pa ulit si nay Rosa.
"Kumain ka muna Liza, bilin ng mommy mo na pakainin ka bago umalis ng bahay. Dali na, tara na umupo ka na."
Nilapag muna ni Nay Rosa ang mga plate na nililigpit niya at hinandaan ako nang makakain.
"Nay Rosa dapat ako na ho," saad ko.
"Hindi na Liza umupo ka nalang d'yan."
"Sige po pala"
Nilapag ni Nanay Rosa ang plate na naglalaman ng tatlong slice ng bacon, sinangag, hatdog at egg sandwich.
"Sige kumain kana d'yan para maaga kang makapasok."Saad pa ni nanay Rosa bago umalis dala-dala ang mga plato na niligpit niya kanina.
Sayang hindi ko kasabay sina mommy na mag breakfast hehe.
Pero ayos lang, nasanay na rin naman ako. Halos kasi araw-araw gan'to, madalang ko silang makasama sa hapag kainan.
♪♪♪

YOU ARE READING
Playlist of my Life(On-going)
Novela JuvenilSimple lang ang buhay ni Liza, may mga magulang siya na laging nakaagapay sa kaniya at mga kaibigan na kahit kailan ay hindi siya hinayaan at iniwan. Ngunit... May mga pangyayari talaga sa buhay natin na paulit-ulit nalang at hindi na matapos-tapos...