Chapter 3💜

10 0 0
                                    

Y/n POV
   
Tama nga ang naisip ko kanina sya nga ang panganay "Hi seokjin, Yoongi, Hoseok, Namjoon, Jimin, Taehyung, at Jungkook ako naman si ate Y/n mamaya lang dadating na ang pagkain kaya manood muna kayo ah" sabi ko sa kanila ngumiti agad sila ng narinig nila na may pagkain na mamaya. Bumalik din agad ang atensyon nila sa TV

DiNg dOnG (insert jk voice)

tumayo ako habang buhat pa rin si Baby jungkook at pumunta sa pinto kinuha ko ang mga pagkain at binayaran na ang nag dedeliver binigyan ko rin sya ng tip. Siguro sa sala muna kami kakain di nila abot ang lamesa sa dining room kailangan kong mamili ng gamit nila bukas, binaba ko na ang mga pagkain sa lamesa naagaw nito ang atensyon nila kaya bumaba sila at pumunta sa lamesa. Tinulangan ni Seokjin at Yoongi sina Taehyung at Jimin na makababa sa sofa "nyam nyam" sabi ni Jungkook. "Nam nam" sabi naman ni Taehyung tinignan ko sila at parang nagliliwanag ang mga mata nila.

Inayos ko na ang mga pagkain sa lamesa kumuha rin ako ng mga kutsara, tinidor, plato at mga baso nilagyan ko ng mga pagkain ang plato nila. "Ito muna ang kakainin natin ngayon di ako nakapag luto eh bukas lulutuan ko kayo" sabi ko sa kanila. Sinubuan ko si Jungkook ng cerial sinubuan din nina Seokjin at Yoongi sina Jimin at Taehyung

*Hey you got a call* (insert Suga's Voiceu)

"Hello Joan?"
"Ma'am nabili ko na po yung mga damit"
"Idala mo na lang dito sa bahay Joan salamat at pasensya na rin sa istorbo"
"Sige po Ma'am, walang anuman po" binaba ko na ang tawag at kumain na rin ako

A few moments later

"Pwede nyo bang sabihin sakin kung bakit nasa gitna kayo ng daan at kung nasaan ang magulang nyo?" Tanong ko kay Seokjin ng tapos ko ng ligpitin ang pagkain. Tinulungan ako ni Seokjin maglipit habang nanonood ang mga kapatid nya, ang mature nya nang mag isip at kumilos sa edad na 6
"Umalis po kami sa bahay" umalisss???? "Umalis kayo bakit?"

"Pansbab qerpants pansbab qerpants" kumakanta sina Jimin, Hoseok, Namjoon, Taehyung ang kyut nilang tignan habang si Yoongi ay tahimik lang na nanonood at ganun din si Jungkook. "Lagi pong lasing ang magulang namin at lagi rin po nila kaming binubugbog. Minsan lang po kami kumain sa isang araw madalas wala po saming pinapakain, kaya nagbebenta po ako ng mga bote para mapakain ko ang mga kapatid ko, wala pong pakialam samin ang nanay at tatay namin kaya napagdesisyonan ko pong umalis kasama ang mga kapatid ko, salamat po sa pagkuha nyo saamin" kawawa naman ang mga batang to sino ba ang mga magulang na kayang saktan ang sarili nilang anak. Niyakap ko si Seokjin nung nakita kong naiiyak na sya mahirap para sa kanya alagaan ang mga kapatid nya lalo na at bata pa rin sya , 6 years old pa lang sya pero namulat na agad sya sa mga ganitong bagay "okay lang yan baby dito na lang kayo okay? Di ko kayo sasaktan at gugutumin wag ka ng umiyak napaka gwapo mo pa naman" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang luha nya. Niyakap nya rin ako hay kailangan kong asikasuhin ang pag ampon ko sa kanila at kailangan ko ring mahanap ang mga magulang nila para magsampa ng kaso.

My Seven Angel Where stories live. Discover now