Chapter 6💜

12 1 0
                                    

Y/n POV

Papunta na kami sa School nina Seokjin para sunduin sila. Maghahanda rin ako para sa darating na kaarawan ni Seokjin, mayroon akong 2 linggo para maghanda. Gusto ko yung mararamdaman nila na espesyal sila kaya naiisip ko na bonggahan ang birthday celebration nya.

Nakarating na kami sa school "mia andito na kami sa labas ng school. Di na kami makakapasok tulog na kasi yung tatlo pakilabas na lang sila"

"Sige po Miss Y/n palabas na po kami"

"Nakasunod ba sa inyo ang guard?"

"Opo miss"

"Good. Sige ingat kayo" sabi ko at binaba na ang tawag. Si Mia ang katulong na nagbabantay kina Seokjin. Sya ang nagbabantay pag nasa School o kaya nasa park kami pero pag nasa bahay ako pa rin ang nag aasikaso sa kanila.

Nakita ko na si Hobi at Jinnie na tumatakbo papunta sa kotse. Habang buhat naman ni Mia si Yoongi na mukhang inaantok na naman. At hawak ng isang guard sa kamay si Joonie, binuksan ko ang pinto at sinenyasan ko sila na wag maingay.

"Hi jinnie at Hobii wag kayong maingay tulog sina Jimin"

"Oh okay po mommy" bulong naman nila lumapit sila sakin at hinalikan ako sa pisnge. "Ma'am tulog na po si Yoongin saan ko po sya ilalagay?"

"Pakihiga na lang sa likod Mia, hi Joonie"

"Hi mommy" sabi ni Namjoon habang inuupo sya ng guard, at hinalikan nya din ako sa pisnge "thank you sa pagbantay sa kanila, dumiretso muna kayo sa bahay para mag meryenda"

"Ay salamat po Ma'am" sabi ng isang guard "walang anuman po. Oh sya mauuna na po kami"

"Sige po Ma'am mag iingat po kayo"
Nginitian ko sya at sinarado na nya ang pinto. "Musta ang school nyo baby?"

"Ang saya mommyy may bago ang friend"
"Mommy laging inaantok si Yoongi"
"Mommy natapos ko po agad ang assignment namin ang dali lang po kasi eh"

Natawa ako dahil sa kakyutan nila mukhang nag eenjoy sila sa pagpasok nila. "Dadaan muna tayo sa Cafe okay? Bibili si mommy ng meryenda"

"Mommy pwede po kaming sumama sa loob? Gusto ko pong pumili pleaseee?" Sabi ni Hobi "mommy ako dinnn/mommy sama din ako" sabi naman nina Jinnie.at Joonie

"Sige sasama kayo sa loob pero sinong magbabantay sa kapatid nyo?" Nang sinabi ko yun natahimik sila. "Ako na lang po ang maiiwan mommy" sabi ni Jinnie. Hindi na ako nagulat sa sinabi nya nitong nakaraang buwan kasi lagi syang nag paparaya para sa mga kapatid nya, "Jinnie sumama ka sa loob pumili ka rin okay?"

My Seven Angel Where stories live. Discover now