Chapter 4💜

11 0 0
                                    

Y/n POV

"Uwaaaaa uwwaaaaaaa"
"Shh Jungkook wag ka ng umiyakk magigising si miss Y/n"

Nagising ako sa iyak tinignan ko agad ang oras sa alarm clock ko, 4:56 palang ng umaga hinanap ng mata ko kung sinong umiiyak. At nakita ko si Seokjin na buhat buhat si Jungkook habang pinapatahan ito, napangiti ako sa nakita ko napaka mature kumilos at mag-isip ni Seokjin para sa edad nya. Tumayo ako at lumapit sa kanila kailangan pang matulog ni Seokjin.

"Seokjin-ah"
"Miss Y/n pasensya na po nagising ko kayo pasensya na po talaga, parang awa nyo na po wag nyo po kaming palayasin ng mga kapatid ko" nagulat ako sa sinabi ni Seokjin, naiiyak din sya habang sinasabi nya ito. Bakit parang takot na takot sya? Oo nga pala dahil yon sa magulang nya. Sa tingin ko na trauma sya dahil sa pananakit ng magulang nya sa kanila, "Seokjin-ah tumingin ka sa mata ko hindi mo kasalanan na nagisin ako okay baby? wag kang matakot di kita sasaktan at lalong di ko kayo papaalisin dito, kaya wag ka ng umiyak please?" Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ko ang buhok nya "t-talaga po?" Mahinang sabi nya "oo naman kaya akin na si Jungkook at matulog ka na ulit okay? Alas kwatro palang ng madaling araw"  "pero si Jung-" "ako na ang bahala kay Jungkook okay? Matulog ka na" putol ko sa sasabihin nya binigay nya sakin si Jungkook at tumahan naman agad ito ng nabuhat ko na sya,  Sinundan ko sya at tinulungan ko syang maka akyat sa kama, hinalikan ko ang noo nya at hinahaplos haplos ko ang buhok nya para makatulog agad sya. Tinignan ko rin sina Hoseok at Namjoon ganun din kina Yoongi, Taehyung, at Jimin inayos ko ang kumot nila. Ng naayos ko na sila sunod ko namang chineck si Jungkook  gising na gising ito habang pinag lalaruan ang buhok ko. "Gising na agad ang baby ko?" Sabi ko sa kanya habang pinagdidikit ko ang ilong namin tumawa ito ng ginawa ko yun.

Nagluto ako ng breakfast sa mga bata, nagluto ako ng Pancake at gumawa ako ng Cereal (yung pang bata) para sa kambal at kay Jungkook, napatulog ko din si Jungkook kanina at gigisingin ko na ngayon ang mga bata. "Babies? Gising na kakain na tayo sa baba" inalog ko si Seokjin ganun din kay Yoongi ng nagising ko na silang lahat bumaba na kami

"Aalis tayo mamaya pagkatapos nyong maligo bibili tayo ng mga damit at gamit nyo sa kwarto okay ba yon?"   "Aampunin nyo na po talaga kami?" Tanong sakin ni Namjoon "oo naman bakit ayaw nyo ba?" Malungkot na tanong ko sa kanila "hindii poo gusto po naminn yun Miss" napangiti naman ako sa agad agad nyang pag sagot "wag nyo na akong tawaging Miss kahit Noona na lang okay?" Sabi ko sa kanila habang sinusubuan ko sina Jimin, Taehyung at Jungkook "mama" napatingin ako kay Jimin ng sinabi nya yon "jimin hindi mama Noona okay?" Sabi ni Seokjin "mama mamaa" sigaw ni Jimin "okay lang baby kung mama tawag mo sakin wag ka ng umiyak okay baby smile ka naa" sabi ko at pinisil ang mataba nyang pisnge "okay lang kahit anong itawag nyo sakin pwede namang Mama, Noona o kaya Mommy 😏" okay naman talaga kahit anong itawag nila "talaga po? Yeheyy may mabait na tayong Mommy" sabi ni J-hope "pero wag nyo ring kakalimutan kung sino talaga ang tunay nyong mama okay? Kasi kahit ganun ginawa nya sa inyo sya pa rin ang nag panganak sa inyo" "pero bad sya lagi nya kaming sinasaktan" mahinang sabi ni Yoongi napatingin ako sa kanya. Mukhang iiyak sya "Shh alam ko baby Yoongs at di ko hahayaang saktan ulit nila kayo okay? At hinding hindi ko rin kayo sasaktan kaya wag ka ng umiyak okay?" Sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko ang buhok nya. Hays mukhang na trauma talaga sila.

Sa mall

"Pumili kayo ng mga damit nyo kahit anong gusto nyo pero wag kayong masyadong lalayo at dapat magkakasama kayo okay? Seokjin at Hoseok kayo ang magkasama, Yoongi at Namjoon kayo naman ang magkasama ako na ang bahala kina Taehyung, Jimin at Jungkook. Kung tapos na kayo pumunta kayo doon sa pang Baby na damit okay? At wag na wag kayong kakausap o sasama sa di nyo kilala naiintindihan nyo ba mga babies?" Tanong ko sa kanila. Andito na kami sa mall at nandito kami sa Gucci store dito ko sila bibilhan ng damit. "Opo Mommy/yes mommy/opooooo mommyyyy" sabay sabay na sabi nila napangiti naman ako dahil mukhang ang saya nila.

Buhat ko si Jungkook habang si Taehyung at Jimin ay nakahawak sa pantalon ko "babies anong gusto nyong damit?" Tanong ko sa kanila. Bumitaw sakin sina Jimin at Taehyung at pinuntahan nila ang napili nila, habang si Jungkook ay tinuturo sakin ang mga gusto nya.

A few moments later

Nakauwi na kami sa bahay at pinatulog ko na ang mga bata. Alas tres na rin kasi kami ng hapon naka uwi, pina kain at pinag laro ko pa kasi sila, bumili na rin ako ng gamit nila para sa kwartong ipapaayos ko. Mamaya darating na ang mag aayos ng kwarto ng mga bata, kaya mabuti na rin na tulog sila para ma surpresa sila mamaya.

DiNg dOnG~

Andito na ang mga gamit at mag aayos ng kwarto nila pinakita ko sa kanila ang gusto kong design. Tinuro ko ang kwarto at iniwan muna sila para makapag handa ako ng meryenda nila at meryenda ng mga bata.

Fast forward

Umalis na ang MGA architect kanina at saktong nagising na rin ang mga bata. Pinapakain ko sila ng meryenda habang nanonood sila ng Spongebob Squarepants, "Mommy" napatingin ako kay Namjoon ng tinawag nya ako "yes baby?" Lumapit ito saakin at umupo sa tapat ko. Naka upo ako sa carpet "mommy alam ko pong ampon lang kami pero pwede po na pahiram ng book? Gusto ko lang pong magbasa, di po kasi ako binibilhan ng Books nina nanay dati" mahinang sabi nito habang naka yuko at pinag lalaruan nya ang damit nya. Mukhang kabado rin sya "gusto mong magbasa baby? Marami akong libro sa library pero di ko alam kung may pang bata doon. Dapat sinabi mo sakin kanina nang nasa mall pa tayo, at kahit ampon ko kayo wag nyong iisipin na ampon lang talaga kayo, kasi para sakin anak na ang turing ko sa inyo kaya wag kayong mahihiyang magsabi pag may gusto kayo okay?" Sabi ko kay Namjoon habang hinahaplos ko ang buhok nyo, kahit kanina sa mall never silang nag pabili sakin, pipili lang sila pag pinapa pili ko pero hindi sila nagsabi sakin na ibili ko sila ng ganito ganyan. "Talaga mommy pwede mo kaming bilhan kahit anooo?" Masayang sabi ni Hoseok "oo naman sabihin nyo lang kay mommy at bibilhin ko para sa inyo okay?" "Yeheyyyy!!" Masayang sabi ni Hoseok "mommy may library kaa?" "Yes baby nam meron tayong library" sabi ko sa kanya "oo nga pala mga babies may surprise si mommy sa inyo" excited na sabi ko sa kanila "talaga po mommy asan poo?" Sabi ni Hoseok "tara puntahan natin" sabi ko habang binubuhat si Jungkook.

Umakyat kami sa taas at binuksan ko ang kwarto nila pagka pasok namin "wowww ang ganda nito mommy"




















~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Hiiiiiii!!!

My Seven Angel Where stories live. Discover now