Chapter 26: Monthsary

3.3K 134 25
                                    

Rae





Maaga kong tinapos ang lahat ng nasa schedule ko for today. Hindi pala, iyong iba doon eh ipina cancel ko muna kay Jess at nakiusap sa kanya na ibigay na muna nito sa akin ang hapon upang makasama ko ang aking girlfriend.




Himala nga dahil pumayag ito, siguro dahil nakikita naman niya kung anong effort ang ginagawa ko, para lamang maging successful ang aking concert na dalawang araw nalang mula ngayon.




Pag alis ko sa station, sandaling dumaan na muna ako sa mall para bumili ng pupwede kong ibigay na regalo kay Adriana. Of course, hindi mawawala si Jess lalo na kapag ganitong lalabas ako ng walang kasama. Isama mo na rin ang mga body guard na nang galing kay Adriana, na sobrang ikinatuwa ni Jess at ni Kuya dahil hindi na raw sila kailangang magworry palagi para sa akin.




But me? Ugh! I still hates those body guards. Ayoko ng feeling na palaging may nakabantay sa lahat ng kilos ko, may mga matang nagmamasid at nanonood sa akin, nakikinig sa conversations kapag may kausap ako at higit sa lahat, walang sino man ang pupweding makalapit sa akin nang hindi nila nasisita kung sino o ano ang dahilan bakit ito makikipag kita sa akin.



Yes, I'm famous. But I still want to live as a normal person when I am behind the camera. Like, a normal person.



I want to socialize and talk to anyone, not because they know me because they watched me on TV but because I want them to know me as I am. Gets niyo?



Hanggang ngayon, hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangan ako ang may body guard. Hindi ba dapat si Adriana iyon? Dahil sa aming dalawa, buhay niya ang nanganganib. Buhay niya ang may banta.





Well, siguro dahil kaya naman niya ang mag-isa at protektahan ang sarili niya? Pero kahit pa, kailangan niya parin ng makakasama. That's why, I always text her. I always ask what she is doing or where she is. Of course, I want to know if she is safe or what. I'm her girlfriend, responsibilidad ko ang alamin ang kaligtasan ng nobya ko. Because that's all I can do for her because I have no gangsters to send for her and watch over her. Hays.




Bigla akong natigilan noong mapadaan ako sa isang jewelry shop, agad na pumasok ako roon habang nasa likod ko naman si Jess.



Isang necklace lamang ang nakaagaw ng aking atensyon at wala ng iba pa ang nagmamatter sa akin kung hindi iyon. Agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi, isa itong gold half moon necklace na mayroong maliit na heart sa gitna.




It reminds me of the night when Adriana and I first met from the rooftop of my Penthouse, while under the bright moon and twinkling stars. Bagay na bagay iyon sa kanya as my monthsary gift.




"That is our most expensive jewelry ma'am, would you like to take it?" Tanong ng sales lady sa akin. The good thing is, naka suot ako ng disguise kaya hindi niya ako makikilala.



Agad na binigyan ko ito ng isang ngiti. Napa sulyap rin ako kay Jess, asking her permission and kung okay ba ang design sa kanya katulad ng nakikita ko, binigyan din ako nito ng ngiti bago napatango.




"Yes please." Sagot ko sa sales lady. "Because that is what she is worth." Dagdag ko pa bago iniabot dito ang aking card upang bayaran na ang necklace.



"She looks special to you." Komento nito. Hindi ko mapigilan ang kiligin nang marinig ang katagang iyon.




"She is. But she is not just special, because she deserves all the good things in this world." Buong puso na sabi ko sa kanya dahilan upang kumislap ang mga mata nito habang naka tingin sa akin.



HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon