Chapter 33: I Can't Go On

3.3K 141 20
                                    

Adriana




Makalipas ang isang linggo, tumuyan ng gumaling ang sugat sa aking braso, wala na ring benda pa or bandaid ang aking ulo. Unti-unti ng gumagaling ang peklat na aking nakuha noong concert ni Rae.



Humupa na rin ang issue sa nangyari lalo na sa mga balita, masaya na ang fans ni Rae dahil nagising na ito at unti-unti na ring gumagaling. At ngayong araw nga, lalabas na ito ng hospital dahil mas pinili na lamang ng kanyang manager at kuya na sa bahay na lamang siya magpagaling.



Hindi sinabi sa media o sa mga tao na wala itong maalala. Itinago ito ni Jess mula sa lahat at tanging kami lamang ang nakakaalam, baka raw kasi makaapekto ito sa kanyang career. Bagay na agad ko rin naman inaprobahan.



Sa loob ng isang linggo habang nasa hospital pa si Rae, palagi akong pumupunta sa kanya. Binibisita ko ito pero iyon ay tinatanaw lamang siya mula sa malayo. May isang beses kasi na sinubukan kong samahan siya habang wala si Sommer, kapansin-pansin ang pagkailang nito sa akin at disgusto na makasama ako.



She also told me that she was uncomfortable when I was in front of her. I was deeply hurt by what she said. It was as if I wanted to cry in front of her during those times but I held back.



It hurts to hear such words from her, but it's okay. The important thing is, even if it's a stolen moment, I can be with her. I try to make way just to stay by her side.



Kaya ngayon, hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng aking sarili sa building ng penthouse ni Rae. Hinihintay ang pagkakataon na dumating na siya galing ng hospital. Napakarami ring reporters ngayon ang nandidito. Pero dahil alam kong sa likod siya idadaan kaya doon ako dumaan.




Hindi ako lumalabas ng sasakyan hanggang sa makita ko ang isang pamilyar na puting van, na huminto sa tapat ng aking kotse. Alam ko siya na iyon kasama ang kanyang manager, kuya at syempre, si Sommer.




Hindi ko mapigilan ang kapalunok noong sandaling bumaba na nga ito at magtama ang mga mata namin. Kunot noo na napatitig ito sa akin kaya mabilis na napaiwas ako ng tingin. Huli na rin dahil mabilis ang mga hakbang na nagtungo ito papalapit sa aking sasakyan.



Sandaling tinawag muna rin ito ni Sommer, may sinabi pa siya rito bago mabilis na binigyan ito ng halik sa labi kung saan iniwanan na muna siya sandali. May kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib bago napayuko ng may lungkot.



Ikaw ba naman ang makita mo mismo ng dalawang mata mo, na ang babaeng minamahal mo ay may hinahalikan ng ibang labi, hindi ka ba masasaktan?




Kahit pa pinsan o kapatid ang turing ko kay Sommer, isama mo na rin na ako mismo ang nagpumilit sa kanya na gawin ang mga bagay na iyon para kay Rae, hindi ko parin maiwasan ang masaktan. Hindi ko parin maiwasan ang madurog dahil ako dapat ang nasa tabi nito ngayon, ako dapat ang gumagawa ng mga bagay na iyon, at ako dapat ang nagpapa ngiti sa kanya ngayon, pero hindi. Dahil ang kaya ko lamang gawin ay ang manood at ang maghintay. Maghintay ng pagkakataon para sa aming dalawa dahil siya mismo, pinagtatabuyan niya ako papalayo.



Huminto ito sa tapat ng aking sasakyan kung saan ako naka upo sa driver seat at mabilis na kumatok roon. Of course, agad ko rin naman na pinag buksan ito atsaka bumaba na rin ng sasakyan.



"Rae, how are you feeling?" Bungad ko rito at pilit na binigyan siya ng ngiti.



Hindi kaagad ito nakasagot habang tahimik at mataman lamang na tinitignan ako sa aking mukha.




HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon