CHAPTER 2: Declaration

15 0 0
                                    


-------------

PARANG tubig na walang-tigil sa pagtulo ang dugo sa kamay ni Blade. Pati sa mukha niya pababa sa gilid ng labi niya. May mga sugat rin siya sa iba't-ibang parte ng katawan pero unti-unti 'rin itong humihilom.

"How does it feel? Killing your own comrades?" nakangising tanong ng babae.
Kulay-puti ang buhok nito na hanggang bewang. Balat na kasing-puti ng yelo.

"A--anong ginawa mo sa akin? Bakit..."

"No. No. No. " Umiiling-iling na naglakad ito palapit sa kanya.

"It's you who wants it. Your own demon killed them, Blade. This is you. This is us. You can't change your fate."

Dinilaan nito ang dugo sa pisngi niya. Sumilay ang puting mata nito.

"It's quite sweet. You must be full now...."

''HUH!'' Hinihingal na napabalikwas si Blade ng bangon. Puno ng pawis ang mukha niya. Napapikit na napahawak siya sa noo.

''That dream again?'' napalingon siya sa gilid malapit sa bintana. Nakita niya si Lev na nakasandal sa may pader habang naka-cross-armed.

''Bakit ka nandito? Scared that I might become a ruthless monster again?'' tanong niya sa sarcastic na boses.

''Wag kang mag-alala. Kung mangyari man ulit 'yon, ikaw ang pinakahuli kong papatayin.''

Tumayo siya at lumapit sa may mini-table para uminom ng tubig.

''I'm your shadow, my life is already at your disposal.'' walang-emosyong saad ni Lev. Umiiling-iling na napangisi si Blade.

''You're really boring.''

''It's clearly not your fault. Why do you have to blamed yourself? She forced you. You didn't kill--''

''97 lives died in my hands. 97 people...Just because of that prophecy ... I killed them. I killed them like a madman and sucked their blood. ..''

Naglakad siya papunta sa veranda at tumingala sa itaas. Natatakpan ng ulap ang buwan kaya hindi ito masyadong maliwanag.

He let out a deep breath at tumingin sa kanang kamay niya.

''I killed those people who trusted me. Their scream, even the last beat of their heart, I can still hear it. Forgetting?...impossible..''bakas ang lungkot at galit sa boses niya.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Lev. Lumapit siya sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.

''What's your plan now? She'll definitely find a reason to bring you back. And that girl....are you still going to..''

''Only by staying with me, can she be safe.''

''Pero..''

''Don't worry. I have a plan.''

TANGHALI na nang magising si Zeya. Dali-dali siyang naligo at nagbihis. Hindi na siya nag-abala pa'ng kumain at pumunta na sa eskwelahan.

"Lagot na! Late na naman ako nito!"

Malalaki ang mga hakbang niya habang tumatakbo papunta sa classroom. Limang minuto na lang at magsisimula na ang klase.

"Ano ba! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" galit na sigaw ng nabangga niyang babae.

"Sorry!"

Lalo niyang binilisan ang pagtakbo.
Saktong pagdating niya sa may pintuan ay siya namang pagdating ni Mrs. Reyes, ang English professor nila.
Hinihingal na napahawak siya sa dibdib.

BLADE 97: Vampire GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon