Chapter 1

8 0 0
                                    

HINDI maawat ang ngiti ni Cali habang nagreready para sa pagpasok niya sa iskwela. First time niya ding magising ng maaga lalo na't madalas siyang late sa pagpasok dahilan para madalas siyang mapansin ng mga professor niya. Gumising talaga siya ng maaga dahil may event mamayang gabi sa school na plano nilang magkakaibigan na mag perform kahit di sila kasali sa mag intermission number. May practice silang magtotropa. Kilala din siyang troublemaker din mas madalas pa ata na nasa guidance office siya kesa sa klase buti nalang din at ang tito niya ang namamahala ng iskwelahan na pinapasukan niya. Ang tito Damien niya ay kapatid ni papa bunso ito. Binata pa isang yung miracle baby daw kwento ng papa niya dahil ang inaasahan ay hindi na magkakaanak ulit ang mama nito dahil sa matanda na nga din. Tropa ni kuya kahit tito niya na talaga ito. 30 na ang tito Damien niya kung di lang niya tito ito ay naging crush niya na sana ito. Ang gwapo naman kasi nasa lahi na ata nina papa ang magkaroon ng gwapong lahi.

Pagkatapos niyang mag ayos ng gamit agad naman siyang bumaba para sumabay sa breakfast nila pero ngayon lang naman dahil madalas late na siya nagigising dahil sa pag uwi niya ng late galing saang lupalop man na may trouble sa Baranggay nila.

"Ang aga mo ata ngayon anak?" nagtatakang bungad ng nanay niya sakanya. Hinalikan niya lamang ito saka umupo sa tabi ng kuya niya na nakakunot ang noo na nakatingin sakanya.

"May kalokohan ka nanaman Calista ano?" agad na sabi ng kuya niya.

"TH ka lang kuya." sagot ko sakanya

"TH? Alam ko yang takbo ng utak mo, sabihin mong hindi." sagot naman nito sakin. "Ikaw magtino tino ka nga hindi kana bata." sermon ni kuya.

"Ma oh, si kuya agang aga nang iinis nanaman." tawag ko sa atensyon ni mama. "Kuya wag ka ngang highblood napaghahalataan na tanda mo na umagang umaga nagsesermon ka."

"Kayo tumigil nga muna kayo, kumain na nga lang kayo. Bilisan mo na Calix hijo at may pasok kapa sa trabaho ngayon hindi ba? Ikaw bilisan mo nadin ng hindi ka mahuli sa klase anak." awat ni papa samin. Hindi ko na pinansin si kuya at kumain na lamang.

"Asan papa sina kuya Calixter at Calixer ma? Hindi ba sila sasabay satin?" tanong ko. May dalawa pa siyang kuya bukod sa kuya Calix niya na panganay nila habang sina Calixter at Calixer naman ay kambal na sumunod dito habang siya naman ay bunso nag iisang babae sa magkakapatid. Di rin maipagkakaila na overprotective din ang tatlo din sakanya. Madalas sabihin din sakanya ng tatlo na sakit siya ng ulo ng mga ito dahil madalas nga siyang mapatawag sa guidance office pati nadin napapa trouble.

Simple lang ang pamilya na meron siya. Si mama isang housewife habang si papa naman ay namamasada ng UV na sarili din naman nila. At ang kuya Calix niya naman ay isang professor sa DL University kung saan din sya nag aaral buti nalang din ang kuya niya ay nasa Law Department habang siya naman ay nasa Business Admin Department dahil baka maduling na sya kakairap sa mga babaeng estudyante na nagkakagusto rito. Halimbawa nalang din ngayon kasama ko ang apat ko pang kaibigan.

"Miss kapatid mo ba si Sir Fuentes ng Law Department?" tanong sakin ng isang grupo ng mga babae base sa uniform nursing ang course. Iba talaga kamandag ni tanda pati ibang department kilala.  Isang irap muna pinakawalan ko bago ako sumagot.

"Bakit?" tanong ko wearing my famous bitchy rest face.

"Ah kasi pwede pabigay nito sakanya? Pasabi nalang secret admirer niya." humagikhik pa ito na parang kinikilig na mangkukulam. Agad namang nangasim mukha ko. Yes maganda siya pero mukha siyang clown sa make up niya at hindi talaga siya magugustuhan ni kuya Calix. Bukod sa mukha pa siyang chix ng buong bayan choosy pa ang matandang Calix na yun.

"Paano kung ayoko? anong makukuha ko kapag binigay ko?" tanong ko.

"Eto naman ang sungit sissy na tayo simula ngayon." wika nito saka tinulak palayo sakin si Ayra na talagang clingy sakin. Nagkatinginan naman yung tatlo pa saka aakmang gustong suntukin ang babae. "And you don't need them to be your friends, their nobody while we're rich and we can hangout kasama ang iba ko pang friends all you need to do is to be a bridge samin ng kuya mo." sabi nito.

"Ah user naman pala kasi Cali." Sabi ni Mariam.

"Ano bang pinagsasabi ng isang yan?" tanong ni wika din ni Miyuki at Angela.

"Diba hindi mo naman kapatid si Sir Calix? Asawa mo yun diba?" bulong ni Mariam pero sadyang nilakasan para marinig din nila. Kinurot naman ako ni Ayra sa tagiliran kaya nagmukhang parang gulat ako. Hindi ko mapigilan na mukhang maduduwal dahil idea na si tanda magiging asawa ko? Ayoko sa isang yun hindi sya yung tipo ko e. Tahimik masyado.

"Wag kang ngang maingay bawal yung student teacher relationship ano kaba?!" pakikisabay ko nalang. Habang hinihimas ko ang nasaktang tagiliran ko.

"Oh sha nga pala bitch pinapabigay nga pala ni Sir Calix sayo naiwan mo daw sa bahay niyo. " sabi ni Ayra saka inabot sakin yung lunch box ko na bitbit niya kanina kasi naghahanap ng lalamunin niya nanaman.

"Ah bago ko rin makalimutan sabi din ni Sir sabay na daw kayo umuwi mamaya." pakikisabay din ni Angela. Magsasalita na sana ako ng pigilan ako ni Miyuki sa sasabihin ko.

"Ayoko ngang sumabay kay Ku-"

"Lagot ka raw kay Sir, Cali kapag hindi ka umuwi ng bahay niyo mamaya." wika ni Angela ang pinaka mabait saming lima. Di nga namin alam paano to nasali sa grupo namin isa tong anghel.

" Oh andito kapa pala? Alis na ayaw namin sa mga gustong maging kabit. Alis, layas." sabi ni Mariam dito na may halong angas.

"Tama na yan papatulan mo pa yung payaso, masama din manakit ng hayop" wika ni Ayra saka kami hinigit nito. Habang yung babae parang may question mark sa mukha dahil hindi nito na gets ang sinabi ni Ayra kami naman di maawat sa tawanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty and the Billionaire's babies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon