Chapter 10

6 1 0
                                    

Gang War II


Jared's POV


Pag pikit ko ay nawalan na ako nang pag-asa na mabuhay pa at biglang may narinig akong isang lagutok na batid kong may tumama sa ulo. Ngunit wala akong napansin na tumama sa akin, Nang sandaling iminulat ko ang aking mga mata ay napansin kong naka bulagta na sa kalsada si Kent.

Nakakapagtaka kung bakit nangyare iyon pero salamat dahil sa tingin ko ay mabubuhay pa ako. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Benjamin na nangigil na naka tingin kay Kent. Bakit parang galit na galit si Benjamin kay Kent? Magkakilala ba sila? 

Nilapitan ni Benjamin si Kent at tinapakan ang mukha nito.

"Kanina pa kita hinahanap na hinayupak ka andito ka lang pala." sambit dito ni Benjamin at hinawakan ito sa damit at iniangat. "Alam moba kung anong ginawa nyo kanina sa kaybigan ko? eh kung sayo ko kaya iparanas yon? gusto mo?" 

Hindi nakapag salita si Kent sinagot niya lang ng pag iling si Benjamin ng iling at marahil ay nahihilo rin si Kent. Hindi ko alam sinasabe ni Benjamin ngunit makikita sa kanyang mga mata ang galit at pag kamuhi kay Kent. 

"Sa ayaw at sa gusto mo ipaparanas ko sayo yung ginawa nyo sa kaybigan kong walang kalaban laban kanina." 

Ano kayang pinagsasabe netong tangang to?

Pinilit kong tumayo at nag tagumpay naman ako, Muli nang nanunumbalik ang aking lakas. alam kong konting minuto lang ako nakapag pahinga ngunit salamat sa dyos dahil unti unti nang bumabalik ang aking lakas.

"Hoy tanga!" sigaw ko kay Benjamin at naagaw ko naman ang kaniyang atensyon tumingin siya nang may pag tataka sa akin.

"Oh baket?" 

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko rito.

"Huwag kang mangielam dahil may kasalanan sa akin ang taong ito." Nakita ko sa mata niya ang galit.

"Eh paano kung hindi pala siya ang may kaslanan sa iyo?" naagaw ang atensyon naming dalawa nang pamilyar na boses.

Tumingin si Benjamin sa Dereksyon ko nang may pag tatakang tingin at tinignan niya ulit si Kent. Pag baling ko ng tingin ko sa likod ko ay nakita ko ang nag salita at hindi nga ako nag kamale sa hinala ko, Si Kenneth ang kakambal ni Kent. Patay mahihirapan na ako nito dahil dalawa na silang  haharapin ko.

Tumakbo ako patungo kay Benjamin at hinigit siya, Nagpa-higit naman siya sa aken at nag tataka.

"Huwag mo akong hawakan at huwag ka mo rin akong pakielaman." 

"Tanga kaba? Hindi mo sila kakayanen."

"Huwag mo akong itulad sa'yo na mahinang nilalang." Pag mamayabang niya sa akin.

"Tss apo ka nang matandang yon." Bulong ko at sa tingin ko ay narinig niya.

"Anong sinasabe mo?" Tangina narinig nga niya.

"Delikado masyado kung lalabanan mo sila, Kung ako sayo tumakbo kana." 

"Baket ako tatakbo? kung kaya ko naman."

"Dahil kilala ko ang dalawang yan at delikadong tao sila."

"Pwes wala akong pake ang gusto ko lang ay pag bayaran nila ang ginawa nila sa Kaybigan ko." Bakit ba ang tigas nang ulo nang gagong to? "Kaya kung pwede huwag mo akong pakelaman"

Black Empire AcademyWhere stories live. Discover now