Simula
"TAMA na! Hindi ko na kaya ang pinapagawa mo sa akin mama! Stop. Please stop! Ayoko na!" Halos mapaluhod na ako sa pagmamakaawa kay mama na tumigil na. Mugto na ang mga mata ko kakaiyak simula pa kagabi.
"Hindi kita pinalaking mahina Annika! Huwag kang lumuhod. Hindi ka utusan!" Namumula na ang mukha ni mama sa galit. Alam kong kanina pa siya nagtitimpi na huwag akong saktan. Nakakuyom na ang kaniyang mga kamao. Nanginginig sa galit.
"Kapag ba hindi ako tumayo, sasaktan mo po ba ako? Ma?" Hindi ko na kinaya. Napaluhod na ako dahil sa panghihina. "Bakit ako ang pinaparusahan mo ng ganito, ma?"
Dalawang malulutong na sampal ang ang natanggap ko mula sa kaniya.
Mas lalo akong napaiyak sa sakit. Hindi dahil sa sampal. Kung hindi dahil sa katotohanang mas mahalaga sa kaniya ang pera at reputasyon kesa sa akin.
"Tandaan mo. Ampon ka lang. Wala kang karapatang sumbatan ako dahil lang sa hindi mo kayang patayin ang fianceé mo."
***
All Rights Reserved ©2020