Chapter 1
HINILA ako ni Mapette papuntang kwarto ko. Alam kong naiinis siya sa akin. Kahit ako, naiinis sa sarili ko. Hindi ko rin siya masisisi dahil alam ko namang mali ang gagawin ko.
Hinayaan ko lang siyang isarado ang pinto at i-lock iyon. Hinarap niya ako, nang-aakusa ang mga tingin.
Maganda si Mapette. Maputi, payat, mahaba at straight ang itim na buhok. Hindi katangusan ang ilong pero tama lang dahil bumagay naman sa mukha niya.
"What were you thinking, Annika?!"
Hindi na ako nagulat. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya sa desisyon ko.
Hindi siya pabor na magpakasal ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala.
Kung alam mo lang.
Sinabi ko sa kaniya kanina ang desisyon ko sa plano nina mama. Obviously, yes. Pumayag ako.
Ayaw kong itakwil ako ni mama. Sila nalang nina papa ang meron ako. Kahit labag sa loob ko, gagawin ko. Hindi lang ako iwan ng mga magulang ko.
"I know I wasn't thinking right but I don't have a choice. Ayaw kong mawalan ng mga magulang Mapette. Wala akong pakialam kahit na hindi ako magiging masaya sa kasal, sa buhay mag-asawa. Lahat gagawin ko para sa kanila." Alam kong pinapakalma niya lang ang sarili niya sa mga oras na ito dahil ayaw niya akong sumbatan.
Hindi na mapakali ang mga kamay niya. Taas, baba, sabunot sa buhok, kating-kati na siyang sabunutan ako pero pinipigilan niya. Paikot-ikot na siya sa harapan ko. Palakad-lakad habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay.
Napapadyak siya sa sobrang inis at tinignan ako ng masama.
"Ano ang plano mo? Don't you dare lie to me, Annika. Kilala kita. May pinaplano ka. Tell me bago kita masabunutan." Umupo siya sa kama ko habang nakatitig pa rin sa akin ng masama.
Napabuntong hininga ako. Nalilito na ako sa gagawin ko.
"I don't know. Wala pa sa plano ko ang magpakasal, okay? I'm still twenty-four for Pete's sake. Gusto ko pang magliwaliw. Gusto ko pang maging malaya pero anong magagawa ko? Importante sa akin ang kagustuhan ng mga magulang ko." Huminga ako ng malalim at tumabi sa kaniya.
Hinawakan ko siya sa kamay. Kapwa kami tahimik habang pinapakiramdaman ang isa't-isa.
Si Mapette ang maituturing kong best friend ko. Sa lahat ng mga naging kaibigan ko, siya lang ang nagstay kahit na minsan mahirap akong intindihin.
Simula highschool magkasama na kami. Lahat ng tungkol sa sarili namin, alam naming dalawa.
Nabigla ako nung niyakap niya ako ng mahigpit.
"Ayaw ko lang naman na mahiwalay ka sa akin eh. Sigurado ako na kapag kasal na kayo, pagbabawalan ka na ng asawa mong lumabas. Ayaw ko ng ganun." Ginantihan ko rin siya ng yakap. Hinahagod ko ang likod niya, pinapakalma siya.
"Huwag kang mag-alala. Ipapakilala ko sayo ang magiging asawa ko kapag kasal na kami. Ipapakilatis ko siya sayo tulad nung pangako natin sa isa't-isa na kilatisin ang magiging asawa." Bumitiw ako sa yakap at hinampas siya sa braso, "kaya huwag ka nang mag-inarte. Hindi bagay sayo!"
Hinampas niya rin ako sa braso bago sinabunutan.
"Bruha ka! Nauna ka pang ikakasal sa akin. Matanda ako ng 6 months sayo kaya dapat ako ang maunang ikasal eh!" Imbes na mainis, tinawanan ko nalang siya at sinabunutan.
Nagwrestling kaming dalawa sa kama ko. Ganito ang bonding time namin. Salitan. Well, sanay naman na kami sa ganito. Minsan umaabot pa sa sparring eh. Pero katuwaan lang kaya walang pikunan.
Nagbatuhan, nagsapakan, nagsipaan kaming dalawa hanggang sa napagod.
Natawa nalang kami sa pinaggagagawa namin. Namiss kong maging ganito sa best friend ko.
***
"ANO? Payag ka na ba?"
Natigil ako sa pagsubo ng marinig ang tanong ni mama.
Kasalukuyan kaming nasa hapagkainan. Himala ngang nakasabay ko sila sa pagkain ngayon. Palagi kasi silang wala dito sa bahay dahil sa mga business trips nila sa ibang lugar. Minsan nga dalawang linggo sa isang taon lang sila napapadpad dito sa bahay.
Lagi akong mag-isa dito kaya nakakagulat na nakasabay ko sila ngayon.
Nawalan ako ng gana bigla. Si papa naman patuloy lang sa pagkain na parang walang pakialam.
Ang mga katulong naman namin, nakatayo lang sa gilid. Nagbabantay.
Patuloy lang siya sa pagkain mama. Alam kong napansin niya ang pagkatigil ko pero hindi niya na pinuna. Ganyan naman siya lagi. Sanay na ako.
"Yes, mom," mahinang sagot ko.
Tumango siya at pinunasan ng table napkin ang bibig niya. "Good. Kahit naman na hindi ka papayag wala kang magagawa. Mr. Youseff already agreed to the proposal. Wala ka nang kawala."
Sumikip ang dibdib ko sa narinig.
Ayaw ko nang tumuloy.
Pinilit kong ubusin ang pagkain ko bago nagpasyang umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, iniisip ang pwedeng mangyari sa oras na ikasal kami ni Mr. Youseff.
Hindi ko nga alam kung ano ang itsura niya eh. Baka matanda na 'yon. Baka drug dealer 'yon?
"Aish!" Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Akala ko sa pelikula ko lang mapapanuod ang ganitong eksena. Hindi ko alam na mararanasan ko pala talaga.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jordan.
Tatlong rings pa bago niya sinagot ang tawag ko.
["Yow wazzup?"]
"Red."
["Got it."]
Red for us means help. Alam na niya kung ano ang gagawin.
Pinapahanap ko sa kaniya ang mga impormasyon ni Mr. Youseff.
I need it para naman hindi ako parang tanga sa kasal naming dalawa.
["I will send it you tomorrow."]
Rinig ko sa kabilang linya ang ingay ng mga chichirya.
"Copy. Anyway, diba bawal sa'yo ang chichirya?" Hindi ko na napigilan ang magtanong.
["Please don't tell Sol. Lagot ka talaga sa'kin A."]
Natawa naman ako. Takot talaga siya kay Sol.
"Okay, bye." Binaba ko na ang tawag at umayos ng higa.
Hindi ko na rin namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod.
END | ©2020