SYNOPSIS

14 3 0
                                    

Simula


HINDI ko talaga inaasahang ganito ang mangyayari pagkatapos ng party.

Sira lahat ng gamit, tulog ang mga bisita, at nagkalat ang mga pagkain.

This place is a mess. Akala ko makakagalaw kami ng tahimik.

"Let's go, Dos. Nasa labas na si Tres." Hinila na ako palabas ni Uno. Si Kwatro at Singko naman ay nakasunod lang sa amin, bitbit ang kanilang sariling baril.

Yes. We just gate-crashed a party. And we just killed Mr. Summons.

Well, kasalanan niya. Nadawit siya sa human trafficking eh.

Hindi lang siya sa may connection sa human trafficking, pati rin sa drugs. Naraid na ng Delta ang planta niya ng marijuana. Nahuli na rin ng Beta ang mga kasama niya sa pagbebenta ng drugs at ng mga bata. Siya nalang talaga.

Well, save the best for last, ika nga nila.

Hindi rin naman nagtagal, nakasakay na kami sa personalized van ng Alpha.

Ang Alpha ay isang secret underground group ng Dynasty. Pumapatay kami, pero hindi ng mga inosenteng tao.

Bale binibigyan kami ng misyon at 'yon ay ang hulihin ang mga hindi mahuli-huling krimenal ng gobyerno. Binigay nila sa amin ang trabahong ito dahil alam nilang we are more capable than them. Masyado silang mahina.

That's why I dislike working with the police. Pinapakita nilang sumusunod sila sa batas pero may tinatagong baho rin naman. Pathetic.

"I can't believe na nasira natin ang party ni Summons. Akala ko talaga magiging pusa na naman tayo eh!" Inakbayan ako ni Kwatro.

Inis ko namang binaklas ang braso niya sa balikat ko. "Fuck off."

Napa-ismid lang siya at hindi nanako ginulo.

"Sana naman nakuha na nila ang katawan ni Summons. Kung hindi baka ako mismo tatapos sa buhay nilang walang kwenta." Napa-iling ako sa sinabi ni Uno.

Tama siya. Maski ako ganun rin ang iniisip. 'Wag silang lalampa-lampa kung ayaw nilang tumigil sila sa paghinga.

"Tumawag si Captain kanina. Diretso daw tayo sa HQ. May pinapabigay si Big Boss sa atin," ani Singko.

"New mission?" Tanong ko.

He shrugged. Kahit kailan walang kwentang kausap. Tsk.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sumandal sa bintana.

***

"NEW mission Alpha."

Pagkapasok palang namin sa HQ, ayan agad ang binungad sa amin ni Captain.

Just great!

"What? Katatapos lang namin sa mission namin kay Summons may bago na naman?!" Hinampas ko ang mga kamay ko sa lamesa.

Nawala ang antok ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba kami pagpapahingahin?

"It was given by your mother, Dos." Napatigil ako hindi dahil sa seryosong boses ni Captain kung hindi dahil sa sinabi niya.

"Wait—what?!" I can't control my anger. Akala ko ba hindi na makiki-alam si mama dito?

Tahimik lang ang mga kasama ko. May sariling mundo. Si Tres nakahalukipkip sa gilid. Si Uno nakatingin sa akin, si Kwatro natutulog. Si Singko? Tulog.

"You heard me. You only have 5 months to finish this mission. All by yourself. And I quote, Pakisabihan siya na kapag hindi niya nagawa ang pinapagawa ko, itatakwil ko siya. Her words, not mine."

Hindi magsink-in sa akin ang sinabi niya.

Mom, what the fuck?!

Huminga ako ng malalim. I need to restrain myself. Baka magwala ako sa galit ko. Tinignan ko si Captain ng seryoso.

"Tell me."

Ngumisi muna siya at may inilapag na short, brown folder sa harap ko.

"That's his informations. Lahat ng kailangan mo, nasa loob ng folder na 'yan." Binulsa niya ang kanina niya pang hawak na maliit na singsing.

"I said, ano ang gagawin ko?" Pinipigilan ko ang galit ko. Ayokong masapak ang Captain namin dahil ayokong magka-offense. Pero kung iyon lang ang paraan para matauhan siya, gagawin ko.

Napa-iling nalang siya.

"You have to kill Lael Youseff."

END ©2020

The Dark Side Of YouWhere stories live. Discover now