Chapter 2

20 4 1
                                    

Chapter 2


PUMASOK ako sa Cafè SoliTRES. Hindi rin naman ako nahirapang hanapin si Jordan dahil sa buhok non.

Nakakasilaw ang buhok niya. Orange na orange.

Umupo ako sa harap niya kaya natigil siya sa pag-inom ng tubig.

"Nakuha mo na?" tanong ko. Ayaw kong magpaligoy-ligoy pa.

Tinabi niya ang basong hawak at inilabas ang isang brown folder.

"Akala ko ba kompleto na 'yong binigay ni Moriz sayo?"

Umiling ako bago kinuha sa kaniya ang folder. Kulang pa 'yong binigay ni Moriz.

"Hindi ako mapakali. Kulang ang impormasyong binigay niya," sagot ko.

He shrugged at nagtawag ng waiter. Nag-oorder siya habang ako sinisimulan ko ng basahin ang mga nakalap niya.

"Dalawang pancake, dalawang coffee at Isang Red Velvet cake."

Isa lang naman ang gusto kong malaman eh. Kung paano niya tratuhin ang mga babaeng na-li-link sa kaniya.

Yes, natatakot ako. Ayaw kong magaya sa iba na minamaltrato ng mga asawa nila.

Pero wala dito sa folder ang gusto kong mabasa!

Inis na sinarado ko ang folder at inilagay sa bag. Sakto namang dumating ang order ni Jordan.

"So... what's your plan?" Binigay niya sa'kin ang isang pancake at isang coffee.

"Plan? Go with the flow?" Sinimulan ko nang kainin ang mga in-order niya.

I don't have a plan actually. Ayaw kong itakwil ako nina mama. Kung ano ang gusto nila, gagawin ko.

"Alam mo namang walang kasalanan si Youseff diba?"

I sighed. "Yes. Kaya nga nagdadalawang-isip ako dahil wala akong makitang mali sa kaniya."

Tumahimik naman siya sa sinabi ko. Gusto ko siyang makilala. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.

Naiinis ako sa mga magulang ko dahil pinipilit nila ako dito pero wala akong magawa. Hindi ako pwedeng tumanggi.

"Huwag kang mahuhulog sa kaniya, A.

Gulat akong napatingin kay Jordan. "What the hell are you saying? Bakit naman akk mahuhulog sa kaniya? Ni hindi ko nga siya kilala eh."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Dark Side Of YouWhere stories live. Discover now