Kabanata 2
"Sorry..."
"W..Why?! Ano bang tipo mo? I can change for you! Sabihin mo lang. Kahit ano gagawin ko!" Desperadang sabi ng babae mula sa ibang eskwelahan.
Papasok na sana si Rivo sa school ng bigla nyang makitang nagaabang sa tapat ng gate ang babaeng ito at hinarang sya. He wasn't surprised by the way. It's normal for him. Getting blocked on his way before a sudden confession.
Pasimple at mabilis na tiningnan ni Rivo ang babae sa harap nya. May itsura ito, hanggang balikat ang medyo brown nitong buhok, bilugan ang mga mata at medyo may pagkamorena ang balat. But still, wala pa rin itong epekto kay Rivo. To be honest, Rivo thinks she's pretty. Actually halos lahat naman ata ng nagcoconfess sa kanya ay maganda o kaya naman ay cute.
Pero may kulang.
He dosen't know what it is but he has this strong feeling inside him that something is missing. Sa lahat ng mga nagconfess sa kanya ay hindi nya nahanap ang kulang na gusto nyang makita.
"You're not my type."
Diretsong sagot ni Rivo. Mabilis naman umagos ang mga luha sa mga mata ng babae bago nagtatakbo paalis.
It may sound cruel but that's the only thing Rivo can think of to stop her. Dahil kapag nagsugarcoat pa sya ng mga salita nya ay baka umasa lang ang babae. Mas maigi na ang nakakaliwanagan sila.
Rivo didn't wish to be popular and to have girls confess to him everyday. Noong una ay proud pa sya at masaya na marami ang nagkakagusto sa kanya but as time passes by he eventually find it annoying sometimes. But atleast he's trying reject them as nicely as possible. May ilang pagkakataon lang talaga na nasusungitan nya ang iba dahil sa sobrang kakulitan nila.
Rivo has this typical bad boy look on him and girls find it cool. He has this black hair which he never bothers to put on some wax since it is nice the way it is. Soft and fluffy. He also has a small black piercing on his right ear. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at dark brown na mga mata. Maliban sa gwapong taglay nya ay dati rin syang lead guitarist ng isang sikat na banda kung kaya't marami talaga ang nagkakagusto sa kanya kahit na matagal na syang tumiwalag sa bandang iyon.
Napabuntong hininga si Rivo. He combed his hair with his hand. Napatingin sya sa klaro at asul na kalangitan.
"Ninety eight, huh." Bulong nya sa kanyang sarili.
Isang linggo na rin ang nakalipas matapos sila magkaroon ng deal ng kanyang nga kaibigan na hanggang ngayon ay hindi nya malaman kung susundin nya ba o hindi ang mga pakulo nila Lev at Kelo.
Pero napapaisip din sya na hindi naman siguro masama kung susubukan nya, 'di ba? Wala naman sigurong mawawala.
"Bro, musta na? Ano na balita? Nakailan ka na?" Excited na tanong ni Kelo pagkaupo ni Rivo sa pwesto nya. Umagang-umaga ay ito agad ang ibubungad sa kanya ni Kelo.
Mabuti nalang at naagaw ang atensyon ni Kelo nang may dalawang babae ang pasilip-silip sa loob ng room nila.
"Shet, bro. I think I'm inlove!" Bulong ni Kelo habang nakatitig sa babaeng may buhok na lagpas hanggang balikat lamang nito. Maputi ito at maganda. Kapansin-pansin din ang pagiging mahinhin ng kanyang pagkilos. Maging ang ilan nilang kaklase ay mukhang nabighani sa ganda ng babae.
"Carina!" Agad na tumayo ang class president nila at lumapit sa babaeng tinawag nitong Carina.
"Pres! Ipapasa ko lang sana sayo ngayon 'yung mga surveys na pinasagutan natin baka kasi hindi ako makapunta sa club meeting natin mamaya, e. Sorry," paliwanag ni Carina gamit ang mahinhin nitong boses. Parang bang hindi mo makukuhang magalit sa kanya dahil sa pagkahinhin nya.
BINABASA MO ANG
The 100th Confession (Short Story)
Short Story"Bro, you should get a girl." "That's right. Ang daming patay na patay sa 'yo." "They're not my type." "Awit! Sana all pwedeng maging choosy!" "Sa daming nagcoconfess sayo ni isa don wala ka pa ring type? Teka, ilan na nga ba nagconfess sayo? Nasa k...