"Oh, ano na ang sagot mo?" Tanong ni Leo habang nginunguya ang lasagna na inorder nya. Napatingin naman sya sa fries ni Rivo. Napansin naman ito ni Rivo kaya nilapit nya ng konti ang fries kay Leo. Parang bata namang napangiti si Leo at kumuha sa fries ni Rivo bago isawsaw sa sweet and sour sauce.Gustong mapailing ni Rivo pero pinigilan na lang nya ang sarili. Parang kahapon lang at kanina ay para syang mabangis na leon na handa na syang lapain pero ngayon ay para naman itong naging maamong pusa.
"Why were you so mad earlier?"
"Hmm?" Napatingin saglit si Leo kay Rivo bago ibalik ang tingin sa kanyang lasagna. Naalala na naman nya ang pakikipagbreak ni Marco sa kanya. She sighed while poking her food. "Nakipagbreak sa akin 'yung gago kong jowa."
Bigla namang nasamid si Rivo dahil sa sinabi ni Leo. He was about to reach out for his water when he noticed that it was already empty. Walang sabing inabot ni Leo ang juice nya kay Rivo.
"Okay ka lang?" Tanong ni Leo habang pinapanood uminom si Rivo mula sa juice nya.
Nakahinga ng maluwag si Rivo pagtapos uminom. Nilapag nya agad ang baso at tumingin kay Leo.
"You have a boyfriend?" Agad na tanong nya nang makarecover na sya sa pagkakasamid. Hindi nya inakalang may boyfriend pala si Leo kaya nagulat talaga sya. Dahil nga may pagkaboyish si Leo ay inakala nyang wala itong boyfriend.
"Kakabreak nga lang sa akin kanina, bingi ka ba? Paulit-ulit tayo?"
For some reason, Rivo felt relieved.
"Talagang sya pa ang nakipagbreak sa 'yo? What an ass."
"True! Nakakainis!"
"Gaano na ba kayo katagal?"
"Three months. Take note, monthsary namin ngayon! Tapos ngayon sya nakipagbreak sa text, ugh! The nerve!" Pagrarant ni Leo. Hindi na nya mapigilan ang sarili kaya nagrant na sya kay Rivo. Surprisingly, Leo easily opened up with him. Kahit ilang oras palang sila na magkasama ay naging komportable na agad si Leo kay Rivo. Parang nawala ang pagiging hater nya kay Rivo.
"The fuck? Today's your monthsary and he broke up with you through text? You should have punch that asshole!"
"Nako! Kung nakipagbreak lang yon sakin ng personal baka nga nasapak ko talaga sya!"
"Kupal talaga. Sa ganda mong 'yan sya pa talaga nakipagbreak."
"Ay, true! Sa ganda k—"
Napahinto sa pagsasalita si Leo nang marealize nya ang sinabi ni Rivo.
"Did you just tell me that I'm beautiful?" Diretsang tanong ni Leo.
"Hmm," Rivo nodded. "You're beautiful," he repeated.
"Uh.. thanks.." bigla namang nahiya si Leo dahil ito ang unang beses na may lalaking nagsabing maganda sya.
Natahimik tuloy si Leo at hindi makatingin ng maayos kay Rivo. She suddenly felt awkward.
Bigla naman nyang naalala ang dahilan kung bakit nga ba sya sumama kay Rivo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi nito ang sagot nya.
Itatanong na sana ulit ni Leo ang tungkol dito nang biglang maagaw ang atensyon nya ng isang babae at lalaking kapapasok lang sa fast food resto kung nasaan sila.
Natulala si Leo habang tinititigan nito ang lalaking may kasamang babae. Pinaghila nya pa ang babae ng upuan bago siya maupo. Parang may kung ano ang bumara sa lalamunan nya at hindi sya makalunok ng maayos.
"Hey, what's wrong?" Tanong ni Rivo nang mapansin niya ang pagkuyom ng kamao ni Leo. Sinundan nya ng tingin ang tinititigan ni Leo at parang nagkaroon na sya ng ideya sa utak nya.
BINABASA MO ANG
The 100th Confession (Short Story)
Short Story"Bro, you should get a girl." "That's right. Ang daming patay na patay sa 'yo." "They're not my type." "Awit! Sana all pwedeng maging choosy!" "Sa daming nagcoconfess sayo ni isa don wala ka pa ring type? Teka, ilan na nga ba nagconfess sayo? Nasa k...