Kabanata 5.5 [END]

125 13 7
                                    

Natahimik si Rivo sa sinabi ni Leo. Hindi nya inaasahang sasabihin ito ni Leo sa kanya. Tinanggal na nya ang pagkakahawak nya sa balikat ni Leo.

"Bakit?" Tanong nya.

Sarkastikong ngumiti si Leo. "Tinatanong mo talaga ako kung bakit? Tanga ka ba, Rivo?"

"Bakit nga?!" Hindi na napigilan ni Rivo tumaas ang boses nya.

"Dahil kay Carina! She likes you, Rivo! Tangina naman, e. Sya itong nagconfess sa iyo, mahirap ba intindihin iyon?"

"I don't like her!"

"Then tell her! Pucha naman, oh. Hindi dapat ako namomroblema ngayon, e. Hindi na sana ako ang nag-abot ng sulat na iyon. Edi sana tahimik ako ngayon!" Hindi na napigilan ni Leo ang sarili sa pagsasalita. She wants to end this conversation as soon as possible. "Just... leave me alone, Rivo. And let's pretend that we don't know each other."

Rivo bitterly laughed.

"Puta naman, Leo. Tingin mo kaya kong gawin 'yon?"

Leo bit her lower lip. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nya ngayon.

"Rivo naman.. mahirap bang intindihin na kaibigan ko ang may gusto sa iyo? Si Carina! Kaibigan ko sya, Rivo! Si Carina an-"

"Mahirap din bang intindihan na ikaw ang gusto ko at hindi ang kaibigan mo?" Balik na tanong ni Rivo na nakapagpatahimik kay Leo. "I like you, Leo. Love at first sight or whatever you call it basta ang alam ko ay mas interesado ako sayo kaysa kay Carina."

"No.. you're not.." tanggi ni Leo. She refused to believe what Rivo told her. "Maybe you're confused. You find me interesting and it thrills you. Mawawala din 'yang sinasabi mo kaya ibaling mo na lang sa iba ang atensyon mo, Rivo."

"No," Rivo firmly said. Seryoso lang ang mukha nya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Leo.

Leo looked straight into his eyes, too. Searching for any humor in it. Pero wala syang nakita kundi puno ng kaseryosohan ang mga mata ni Rivo.

"Bakit ako, Rivo?" Hindi na napigilang itanong ni Leo. "Bakit ako? Hindi ako kasing ganda ni Carina, hindi ako kasing talino at kasing hinhin tulad nya. I'm nowhere near her. Carina is a good catch! Almost perfect and -"

"Bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo, Leo?"

Natahimik si Leo at umiwas ng tingin dahil sa tanong ni Rivo. She's just stating the obvious. Dahil kung si Leo man ang lalaki ay mas pipiliin nya si Carina.

"You are you, Leo. You don't need to be as beautiful as someone else. You don't need to be as smart as them. You just have to be you. You are true to yourself and that's what I like about you," seryosong sabi ni Rivo. He likes Leo, that's for sure. Kahit na ilang araw nya palang ito nakilala ay nahulog na sya dito. And he wants to know more about her.

"I'm really sorry, Rivo. Hindi talaga pwede, e." Malungkot na ngumiti si Leo. "Let's just forget everything that happened."

Tumalikod na si Leo at tumakbo paalis. Mabuti na lang at hindi na sya sinundan pa ni Rivo. Habang tumatakbo sya ay biglang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Hindi na sya nag-abalang sumilong pa. She thinks she need this rain right now to calm her mind and to comfort her. Nakatayo lang sya at nakatingala habang dinadama ang pagtama ng ulan sa kanyang mukha. Hindi alam ni Leo kung gaano sya katagal sa ilalim ng ulan. Nang makaramdam sya ng lamig ay tsaka nya lang naisipang umuwi.

Pagkarating nya sa bahay nila ay agad nyang tinext si Carina about sa sagot ni Rivo. Nanginginig pa ang kamay nya habang nagtatype ng sasabihin kay Carina. Ayaw nyang sabihin sa video call dahil ayaw nyang makita ang magiging reaksyon ni Carina. Hindi na muna nya sinabi ang sa kanila ni Rivo dahil hindi naman na ito mahalaga at balak na rin nya ito kalimutan.

The 100th Confession (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon