Chapter 13- Hey Jude

470 11 2
                                    

Hey! Sorry ang bagal ko na mag update :o may bago kasi akong story na ginasa and it's more related about my friend's LL (LOVELIFE) so....yeah :) kailangan ko siyang gawin kasi baka mainip yun, siya nalang ang magpapatuloy sa chapters so dalawa na kaming users. Pero don't worry hindi niya to pakikialaman :) okay echos na!

--------------------------

Nandito kami sa cafeteria ngayon kung saan ay inip na inip na si Shandy dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya yung mga nangyari. At ayun, kwinento ko sakanya lahat at siya naman grabe makapag react.

"Masyado kang pinagpala mare!!! Ano bang shampoo mo??!" Sigaw ni Shandy na ikinagulat ko naman, pinagtuunan na kami ng pansin sa cafeteria kaya naman nahiya ako.

"Alam mong bruha ka hiyang hiya na akong kasama ka eh! Nagbakasyon lang yung dalawa ehh parang hindi na tayo masaya." Ahh siya nga pala. Yung dalawa nagpuntang states dahil may aatupagin daw na business yung mga magulang nila at hindi nila kayang iwan yung dalawa so, sinama narin nila.

"Pero OMG mare! Isang hottie na katulad ni Jeff ay nakasama mong matulog?! Ang sagapa mo na mare! Ano namang gayuma ang gamit mo, aking kaibigan?" Tinignan ko muna siya ng matalin bago makapagsalita ulit.

"Alam mo mare? Hindi ka uminom ng maintenance mo ngayon kaya ka nagkakaganyan." Walang ka-ekspresyon kong sabi at bigla na naman siyang nagsalita. "Ayos ka lang ba, aking kai---" hinirit ko na siya. "Shan, kung ayaw mong tumigil, hindi ako magdadalawang isip na damputin tong kutsara sa lalamunan mo."

Pinanglakihan ko siya ng mata at ang loko tumawa naman, ay baliw na to.

"Ayy ang brutal mo friend! Ang itchue (brutal) mo friend, wit na ata aketch niyen" Ang sakit sa tenga si Shandy ehh!

"Shandy..." Napatahimik naman yung loko nung tinignan ko na siya ng nakakatakot at umiling nalang.

"S-sabi ko nga." Kumain nalang kami ni Shandy at nung natapos rin, bumalik ulit kami sa building. Ngayon ko lang nakita ang ganda pala ng unibersidad na ito. Nakakamangha.

"Ahh mare mag c-cr lang ako eh, masakit na yung puson ko..alam na, nagdadalaga na si lola mo" Natatawang sabi ni Shandy kaya natawa na din ako.

"Oh sige sige, bilisan mo, dun lang ako sa fountain maghihintay" sabi ko ng nakangiti at tumango siya. Grabe ang ganda pala dito! Hindi ko pa napasyalan tong parte ng unibersidad. Isa siyang park at sa kabilang dulo ay mga rooms na sa pagkakaalam ko ay pagmamay ari ng elementary department. Lutang na yung isip ko at bigla nalang---------------boooogsshh! Wag kayong ano! Yan yung tunog ng pagkabangga!

"Araay!" Napakamot ako sa noo ko dahil sa sakit, grabe naman yung nabangga ko, ang tigas ng katawan. Kulang nalang eh maging poste siya sa pagkakatigas, oh di kaya estatwa.

"Ohhh boy, my bad!" I heard him chuckle. Syeeete nakakainlove yung boses niya, ang husky at barakong barako yung tono ng boses niya, tumingin naman ako sa taas para masilayan yung mukha niya at OH MY KNIGHT AND SHINING ARMOR DELICIOUS PAPA!

"Are you okay?" Iniabot niya yung kamay niya at ngumiti, at ako naman, siyempre pakeme mode nadin, hahahaha char.

"A-ah Oo" Hinimas himas ko muna yung noo ko bago tanggapin yung malambot niyang kamay. Emegheeed malambot pala yung kamay niya, gelekenek ako! (read it backwards)

"Ah, Jude Keith Fevidal, nice to meet you- uh?" Pakilala niya at nagpakilala nadin ako, iniabot na niya naman yung kamay para makipagshake hands at ginawa ko yung gusto niya. Ay ang grabe neto! Ang hilig umabot ng kamay.

"So you are, KC. Ang ganda ng pangalan mo. Bagay sayo" ngumiti siya at umupo muna kami sa bench malapit sa may fountain, malapit din sa park.

"Siyempre maganda yung may ari ng pangalan weeeeht" sabi ko ng ako lang ang nakakarinig.

"may sinabi ka?" Tanong niya sa akin at panay siya ngiti. Hindi ba napapagod panga niya sa kakangiti? Ohh sige hayaan lang natin, priceless eh :)

"Ah wala naman." Sabi ko. Nagkwentuhan naman kami ng nagkwentuhan hanggang sa nagkahingi-an na kami ng phone number. Oy baka sabihin niyo na ang harot ko eh siya yung humihing ng number ko at binigay niya sakin yung number niya. Nagpaalam na din ako sa kanya dahil baka kanina pa naghihintay si Shandy sa akin.

Tumango naman siya at pagkadating ko sa may park, nandun si Shandy halatang inip.

"Mare san ka ba nanggaling? alam mo ba tutubuan ako dito ng halaman." Hinayaan ko nalang siya magsalita at hinablot na din yung kamay niya.

"Mamaya nalang ich-chika ko." Sabi ko ng nakangiti habang nakatingin sa taas. Haahay Jude.

----------------------------------

Okay lang ba? :) hahahah sorry yung chap12 hindi related sa title niya pero eto na nga, yung new classmate na tinutukoy sa chap12 ay si Jude, nawala sa isip ko yung title kaya nagpatuloy ako x)

Mistletoe [Boy x Boy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon