Chapter 14- Cupcake

369 15 6
                                    

{  DRAKE'S POV   }

Hindi ko na nakita pa si KC anung nagsimula yung araw na palagi na niya kasama si Jeff. Hindi ko alam kung bakit pero pag nakikita ko silang dalawa eh may halong inis at selos ang nadarama ko. Mahal ko si KC kaya ganun. Nakagawian na din ni Jeff ang paghahatid sundo kay KC sa bahay nila hanggang dito. May sasakyan din naman ako ah? Pag ibig nga naman. Palabas na ako ng classroom namin ng biglang may nakagaw ng atensyon ko. Si KC! Teka----sino tong kasama niya, aba may isa na namang gago sa buhay niya.

Hindi ko na sila sinundan dahil may kumulupot sa braso ko, "Drake honey tara na sa cafeteria, nang makakain na tayo." Eto naman si Chandra, yung isang assumera na umaasa na magiging kami. "Tch." Sa kasalukuyan ay yun lang ang lumalabas sa bibig ko dahil yung mga mata ko ay nakatutok parin kay KC. Napansin din naman ni Chandra yun kaya naman tinanong niya ako. "Ano ka ba naman Drake? Ako na yung girlfriend mo! Wag mo nang pansinin yang baklitang yan! hindi ka niyan maliligayahan! Hindi ka bibigyan ng----" Hinirit ko na siya.

Nainip ako at bigla ko nalang siya napagtaasan ng boses at hingpitan ang pagkakahawak sa braso niya. "Aray ko Drake! Masakit" pagrereklamo niya.

"Kung ayaw mo masaktan, wag mo akong pakialaman! Mahal ko siya at hanggang kailan hindi kita mamahalin! Kung maka akto ka akala mo kung sino ka! Tao ka rin Chandra! Pantay pantay tayong lahat! Hindi man niya ako mabibigyan ng anak pero masaya naman ako sakanya! Kung hindi mo naman masasara yang bunganga mo eh mas mabuting lumayo ka sakin!" Yung mga masasakit na salita na binitawan ko ang dahilan kung bakit nag walk out yung babae.

Napabuntong hininga naman ako at pumunta sa cafeteria mag isa. Nakita ko naman yung mga barkada ko sa isang table. "Ohh pre musta kana? Bilisan mong umorder kasI mag t-time na" Sabi ni Matthew at tumango naman ako. Anim kami na magbabarkada. Yung magkambal na si Nikko at Nicolas Villanueva, parents nila ay nagmamay ari ng isang five star cafeteria sa loob ng hotel namin. Kaya close kami kumpara sa iba. Si Matthew Druke Teeran, isang Philam mayroon silang isang 4 star resort. Na nakalocate sa Marikina. Si Gab Kyle Fuentes, Isang MVP player at mayroon silang restaurant na para sa mga tourists, wala kang makikita na pilipinong mga pagkain. Dahil lahat ay galing sa canada kung saan sila nag s-supply. At yung pinakaanim at yung pinaka cute saamin ay si Eric Jueva Tan. Siya yung cute saamin. Yung family nila ay nagmamayari ng isang Multi Villa Mansion sa isang area ng Manila. Na kasinglawak ng SM MOA.

Isa-isa silang nagsidatingan at ako'y patuloy parin na kumakain. Hindi ko kayang hindi maisip yung pinakamamahal ko. Si KC. Hindi sa ayaw kong makita na may kasama siyang iba, pero parang may kirot na nararamdaman ko sa puso ko, na mas masaya siya sa iba.

Nang natapos akong kumain, dumiretso naako sa room. Hinawakan naman ni Nikko yung braso ko. "Hey dude! Saan ka pupunta?" Binigyan ko nalang siya ng masamang tingin kaya naman binitawan niya agad yung braso ko.

Narinig ko silang nagbubulungan pero hindi ko nalang sila nilingon at dumiretso ako sa paglalakad. Wala akong gana makinig sa mga sinasabi ng prof namin, litaw din naman kasi yung isipan ko.

Hindi ko nakita si KC, malamang kasama niya ngayon yung umag na nakita ko kanina. Mas uminit yung ulo ko sa naiisip ko. Hindi naman ako nahalataan hanggang sa natapos yung klase, dumaan muna ako sa isang cupcake store.

Namangha rin ako sa iba't ibang disenyo hanggang sa may nakaagaw sa atensyon ko. Isang cupcake at may dalawang lalake na nakapatong, may heart sa gitna. 'Bakit naman sila magdidisplay ng ganitong cupcake?'

Sinabi ko sa isip ko. Parang sinasadya eh, naalala ko na naman nung binigyan ko si KC ng isang bouquet

/FLASHBACK/

Masayang masaya akong naglalakad sa covered hall, dala dala ang isanv bouquet ng rosas, para kay KC. Siyempre nasasabik akong ibigay to sa kanya, at hanggang sa nakita ko siya. Ang saya saya ko! Eto na! Agad akong pumunta sa kinalalagyan niya hanggang sa rumami ang tao at hindi ko na siya nakita.

Hayyy! Ang sayang naman, kung saan malapit naako sa kanya, dun naman siya nawala. May naramdaman ako na kung anong may kumubit sa likod ko, paglingon ko ehh si KC pala. Abot langit yung ngiti naming dalawa.

"Ohh kanino na naman yang rosas na yan? Aba kailan ka pa narunong mangbabae ha?" Sabay hampas sa braso ko na dahilan na kinasakit ko. Tinawanan ko nalang siya at inabot sa kanya yung bouquet. "Etoo para sayo! Wala naman akong sinabi na para sa babae tong bibigyan ko."

Nakita ko siyang namula at nanginig. "Bakit mo naman ako bibigyan ng ganito?" Gayon hindi ko muna dapat sabihin sa kanya yung nararamdaman ko, kaya naghanap ako ng rason.

"Kasi malapit naman din yung closing, at tsaka ikaw nalang kaya yung pinakamabait at pinakamatinong kaibigan ko eh" Sabay peke ng tawa. Labag sa loob ko ang pagsabihan siya ng kaibigan, kung sa nararamdaman kong ito ay kaIBIGan ko siya.

/END OF FLASHBACK/

Bigla akong lumabas ng cupcake store at dumiretso naako pauwi. Hindi ako susuko na makuha ko ang puso niya, yun lang yung kinabubuhayan ko ngayon. Yan yung rason na bakit buhay paako. Mamahalin ko siya....mamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ko.

------------------------------------------

Nagustohan niyo ba? Votes please aahahahaha sorry ngayon lang ako nakapag update dahil sa 6 na buwan na busy ako. Well feel free to comment at yung feedbacks baby. Promise every 2 days naakong mag u-update! Hindi ko kayo papaasahin!

Mistletoe [Boy x Boy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon