Dahil medyo naipit sila sa traffic halos takbuhin na nya ang daan papunta sa building nila. Ng makita pa si Jessi at Liza na nasa labas pa ng classroom ay tsaka pa lamang sya bumalik sa normal na lakad nya. Hinihingal pa din sya ng huminto sa harap ng mga ito.
"Subukan mong pumasok ng maaga, for a change." sarkastiko pero nakangiting turan ni Jessi. "Nakakawala ng poise ang pagtakbo mo Cali. No wonder hanggang ngayon wala ka pa ding Boyfriend."susog naman ni Liza. Sasagot pa sana sya ng makita si Dominic na palapit sa kanila.
"Naiwan mo.Dont wait for Leo later. May practice kami.Just call Manong Albert to pick you up." inabot nito ang naiwan nyang libro sa kotse. Sa sobrang pagmamadali tanging bag lang nya ang nabitbit nya. And she's thankful dahil ang mga librong yun ang kailangan nya for her first class. "Thank you Nicko."
Tinignan lang sya nito ng masama at naglakad na palayo."Gwapo sana 'tong si Dominic kaya lang suplado.Ano bang pinakain mo dun at galit na galit sa'yo yun Cali?"
Napatingin sya kay Liza. Thats the same question she's been asking herself for long time. Ano nga ba ang nagawa nya dito na kulang na lang ay maglaho sya para maging masaya ito. When he's talking to her parents, with Kuya or to other people magiliw naman ito.Masayahin at mapagbiro ito dahil sa tuwing magkausap sila ni Kuya Leo lagi silang nagtatawanan. Growing up hindi naman ganito ang pakikitungo nito sa kanya.She can say pa nga na mas close pa sya ky Dominic kesa ito sa kuya nya.
Everything changed suddenly. Dati pag sinasabi nya dito na crush nya ito. Tatango at ngingiti lamang ito. When their parents was pushing him to say that he'll marry me in the future he will just say okay. He will agree in everything. She holds on to that. Bata pa lamang sila lagi na sinasabi ng mommy nila that they are destined for each other. That they are meant to compliment each other. That Cali is for Dominic and Dominic is for Cali.
Mabilis natapos ang klase nya ng araw na yun. She's about to call Manong Albert para magpasundo when she saw Dominic walking alone with his soccer uniform.Bitbit nito ang malaking bag na lalagyan nya ng mga damit pamalit at sapatos. Where's Kuya? Akala ko ba may practice sila? Nilapitan nya ito at tinanong. "Hey I thought may practice kayo?Bakit di kayo magkasama ni kuya? Where is he?"
"Pauwi ka na ba? Did you already called Manong Albert?" tanong nito na para bang hindi sya nadinig kanina. Ng umiling sya ay niyaya na sya nito. "Lets eat first. Ako na maghahatid sa'yo pauwi.Magpapalit lang ako ng damit. Wait for me here." diretsong sabi nito at iniwan na sya. Anong meron? May problema ba?Why he's suddenly asking me wait to for him?Ng makaalis na ito ay sinubukan nyang tawagan si Leo pero hindi naman nito sinasagot ang tawag nito.
"Let's go?Where do you want to eat?"tanong nito ng makabalik na at nakapagpalit na ng damit. "Where's kuya? Maaga ba natapos training nyo? I tried calling him pero hindi siya sumasagot."
"Ok lang ba na magcommute na lang tayo? Hindi na kasi ako tumawag sa bahay para magpasundo."anito na hindi na nagabalang sagutin pa yung tanong nya at hinawakan na sya sa palapulsuhan para hatakin nang maglakad ng hindi pa din sya kumilos.
Something's off. Nasisiguro nya na may nangyari kaya bigla na lamang itong nagyaya. She knew him enough para malaman kung masaya ba ito o kung may problemang pinagdadaanan. They may not be the way they used to be before, pero alam naman nila na lagi sila ng nandyan para sa isat isa.
He started giving her cold shoulder day after her 16th birthday.
While everybody's enjoying the party she was there, looking for Dominic. He was his escort for that night, pero after ng program bigla na lang itong nawala. She was about to go back to her friends ng mahagip ng paningin nya si Dominic na kausap si Kristel, isa sa mga kaklase nila. Tila masaya ang pinaguusapan ng mga ito kung pagbabasehan ang mga ngiti sa mga muka nila. She can't help not to be sad on what she saw. Akala niya masakit na yung nakita niya ito na may kasamang iba, pero may mas sasakit pa pala ng makita niyang bigla na lamang naglapat ang labi ng mga ito. She can't stand the view, pinunasan nya ang mga naglandas na luha sa pisngi at ng akmang tatalikod ay nabunggo naman sya. Ng iangat nya ang kanyang tingin ay sumalubong agad ang nakakunot na noo ng kakambal. Wari ay nagtataka sa nakitang itsura nya. Agad naman napalitan iyon ng galit ng siguro ay makita din ang masakit na tanawin na nagpaluha sa kanya. Pipigilan nya sana si Leo ng makitang papunta ito kung saan nandoon si Dominic at Kristel, pero mas nanaig sa kanya ang sakit na nararamdaman at tumakbo na lamang papaunta sa banyo para doon na lamang ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.
Kinabukas kagaya ng nakagawian nito kapag walang pasok ay pumupunta ito sa bahay para tumambay kasama si Leo. Nagulat pa sya ng may makita itong sugat malapit sa labi nito. "Anong nangyari sa labi mo? Napaaway ka ba?" He just shrugged at dumiretso na sa kwarto ni Leo. That's the start of the many questions that remained unanswered kung bakit bigla na lamang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.
Mas napaniwala nya ang sarili na may problema ito ng dalhin sya nito sa kainan malapit sa labas ng subdivision nila. Sa tuwing nakakagalitan ito ng mommy nya noong mga bata pa sila ay pupunta ito sa bahay nila at hahatakin sya nito para lamang kumain at magpalipas ng oras doon.
"Oh Dom! Napagalitan ka ba ulit ng mommy mo? Parang araw araw ata?" tanong na biro ni Kuya Miguel, ang may ari ng Chicken station na pinupuntahan nila. Sa sobrang suki na sila doon ay kilalang kilala na sila nito.Palibhasa madalas talaga mapagalitan ito noon dahil sa kakulitan.
Napatingin sya kay Dom. Kung araw araw nga itong pumupunta doon ay malamang may pinagdadaaan ang binata ngayon.

BINABASA MO ANG
Unrequited Love
RomanceThey were born on the same day and almost the same time. Their parents believed that they are destined for each other. She wants to believe that as well but will her admiration and love for him will be enough for the both of them?