"Kuya Miguel honey bbq at strawberry banana milk shake sa akin, kay Nicko buffalo at cookies and cre—
"..at beer po sa akin kuya Miguel.Buffalo at Beer." putol ni Dom sa kanya.Sabay silang napatingin ni Kuya Miguel kay Dom."Dom you know that I don't know how to care of drunk people right? alanganing niyang tanong. Para sana pigilan itong uminom.
"Have you seen me drunk? And if I do, don't worry I'll ask someone to do it." he answered sarcastically. Bakit pa siya nito niyaya kung meron naman palang ibang kaya siyang alagaan. Hindi niya na lang ito pinatulan ayaw na niyang makadagdag pa sa problema nito.
Ng dumating na yung order nila at saka lamang niya naramdaman ang gutom. Mag aalas siyete na ng gabi at ang huling kain niya pa ay kanina pang ala una. "Kuya Miguel can I add one cup of rice?"nakangiti niyang sabi na tinanguan naman nito.
Kinuha niya ang order ni Dom at sinimulang tanggalin ang karne sa buto nito. Noong bata sila laging napapagalitan si Dom ng mommy nya dahil ang kalat daw niyang kumain. Tita wants Dom to use fork and knife kapag kumakain ito which end up him being hungry dahil halos hindi ito makakain ng maayos. Mahirap naman talaga kumain ng chicken wings with fork and knife. At dahil malakas itong kumain kaya wala talagang tiyaga na gumamit pa ng kubyertos.Nasanay na lamang siya na pinaghihimay ito sa tuwing kumakain sila kasama ang magulang nila para makakain ng mabuti at hindi na mapagalitan ni Tita.
"Ako na kumain kana, gutom ka na rin." agaw sa kanya ni Dom. "No its okay. When was the last time we ate here? I didn't realized how much I missed this place not until now." magaan na sabi niya. She wants to change his mood. Ayaw na niyang tanungin pa ito kung may problema ito. Sapat na sa kanya na alam niyang nandito lang siya para sa binata.
"Naalala mo ba yung unang araw na napunta tayo dito? We were what? 9? 10 years old? Napagalitan ka ni Tita dahil natapon mo yung gatas mo sa sofa. hahahahha! At ten umiinom ka pa ng gatas. Such a baby." matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. Pero mas malambot na ang ekspresyon ng mukha nito.
"How could I forget that, you had an upset stomach because you finished two glasses of banana strawberry milk shake.Such a pig." nakangiting turan nito na ginaya ang paraan ng pagsasalita niya.
"Pig is too much to describe me. Grabe ka talaga sa akin. Kung tutuusin mas matakaw ka pa sa akin kumain.Have you seen our photos back then? Mas mataba ka pa sa aming dalawa ni kuya.Wait, let me show it to you." Kinuha nya ang walet nya at binuksan sa harap nito. Nandoon ang litrato nila ni Dom noong 10 years old sila. She was sitting on the swing and Dom were standing behind her. That's the day na sinabi nya sa binata na espesyal ito sa kanya kaya inutusan nya ang Kuya niya na kuhaan sila ng litrato para hindi niya makalimutan ang araw na iyon.
"See.. kahit pagsamahin mo pa kami ni Kuya mas mataba ka pa din sa amin." natatawang sabi niya.
"Why are you keeping that photo in your wallet?"nagtatakang tanong nito sa kanya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kahit naman minsan lantaran silang tinutulak sa isat isa ng mommy nila ay nahihiya pa din siya kay Dom.Kahit papaano ayaw niyang makaramdam ito ng pagkailang sa kanya.Kaya madalas ay dinadaan niya lang ito sa biro.Inagaw nya bigla dito ang wallet. "Ah.. Uhm.."hindi siya makahanap ng sagot sa tanong nito. Bakit ba bigla na lamang niya pinakita iyon dito. Buti na lamang at tumunog ang cellphone niya at nakahanap ng paraan para hindi sagutin ito. "Yes kuya.Im with Dom.We're here at Kuya Miguel's. Opo, we'll just finish our food tapos uuwi na po. Okay po. Bye."
"Too much courtesy, Leo doesn't even deserve it."mahinang sabi nito. "You know kuya, he like to impost." naiiling na sagot niya.
"Yeah right.Finish your food ihahatid na kita at baka mabugbog pa ako ng kuya mo. Kuya mong 5 minutes lang ang tanda sa'yo."
Their house is just 5 blocks away from his pero hinatid pa din muna siya ni Dom sa bahay nila.
Papasok na sana siya ng bahay ng may maalala. Humarap siya muli dito at niyakap ito. Isinuksok niya ang dalawang kamay niya sa tagiliran nito at isinandal ang ulo sa dibdib nito. Ramdam niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya.Halos wala siyang ibang madinig kung hindi ang marahas na pagtibok ng puso niya na sinasabayan din ng malakas na pagtibok ng puso ng binata. She never thought that being this near to him will be a touch of heaven for her.
"Catalea.." Mahinang tawag nito. Kasabay ang pagangat ng isang kamay nito para haplusin ang ulo niya at ang isang kamay naman nito ay bumagsak sa likod nya Ang sarap sa pakiramdam na maikulong sa mga yakap nito.Na kahit pa naguunahan nang tibok ang mga puso nila ay para naman siyang hinehele sa mahigpit na yakap nito.She's at peace at the moment.
"Nicko.." mahinang tawag niya dito. Naramdaman nya na mas humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya. "Im always here.. Always.." Naramdaman nya ang pagsiksik ng ulo nito sa leeg nya. May kung anong kiliti ang nararamdaman niya sa bawat hininga nito na lumalapat sa leeg niya. God! Can they stay like this forever?
"He knows how much I work and pray hard to be deserving.. sana hindi pa huli ang lahat." Naramdaman niya ang munting halik nito sa ibabaw ng ulo niya at marahan siya nitong binitawan at naglakad palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/235792523-288-k854771.jpg)
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
RomanceThey were born on the same day and almost the same time. Their parents believed that they are destined for each other. She wants to believe that as well but will her admiration and love for him will be enough for the both of them?