Chapter Nine

33 2 0
                                    

"Kendall, babalik ka pa ba sa pag kakarera?" tanong ni Rowenna sa babae ng mag-umpisa na silang kumain.

"Depende po eh. Minsan po umaabot ng dalawang buwan ang pagkawala ko. Isang buwan po non ay nakatuon sa training at practice. Sa isang buwan naman po, pinapanood ko po mga racecam ng kotse ko para tingnan kung anong magandang gawin, or yung timing po. " sagot ni Kendall. Naramdaman naman niya na may nakatingim sa mukha niya kaya hinanap niya ang may ari ng mga tingin na ito.

Nahuli niya na nakatitig si Enzo sa mukha niya. Nagulat naman si Enzo at sabay silang nag-iwas ng tingin habang namumula ang mga mukha.

"Mayroon daw bang mga karera na magaganap ngayong taon?" muling tanong ni Rowenna habang kumakain.

"Europe daw po. Kaso hindi pa nasesettled kung sa Glasgow or sa Edinburgh sa UK." matimid na sagot ni Kendall at iniwas ang tingin sa gawi ni Enzo.

"That's good. Wala kang balak na i let go ang pagrarace right?" tanong ni Rowenna at napansin niya ang pagka-ilang ng dalawa.

"D-depende po." sagot ni Kendall at nahihiyang yumuko.

"Depende saan?" takang tanong ni Rowenna.

"H-hindi po kasi nila pinapayagan na makipag karera kapag... b-buntis." nahihiyang sagot ni Kendall.

Naibuga naman ni Enzo ang kinakain at nasamid. Dali-dali niyang inabot ang baso ng tubig at nilagok ang tubig dito.

"Ha?! B-buntis kaba?!" gulat na tanong ni Rowenna.

"Ho?! Hindi po! Sabi ko po bawal lang dun yon. K-kase po, d-diba, may asawa na ho ako ngayon. Kapag dumating yung time na mabubuntis ako, bawal po akong magcompete." pagpapaliwanag ni Kendall. Bigla naman silang nakarinig ng singhal.

"Pregnant? How can you be so confident na bubuntisin kita? I may want to get you in bed, but just that. No love involved. " mayabang na sabi ni Enzo ngunit biglang nanlaki ang mata nito ng makitang narinig pala ng kasama niya ang sinabi niya.

"S-shit."

"So, lumabas na yung totoo mong binabalak? Ha! How low of you! Gago ka! Ano akala mo saken?! Malandi? Kinonsidera ko ang ideya na ibigay sa asawa ko ang binhi ko! Pero kung ikaw lang din pala ang asawa ko, tangina mo!" galit na sabi ni Kendall habang may mga galit na luhang tumutulo mula sa mata niya. Agad siyang timayo sa kinauupuan at nagmamadaling umakyat papunta ng kwarto.

Ramdam na ramdam niya na ang bigat ng dibdib niya. Ang kirot ng puso niya sa hindi malamang dahilan. Hindi niya lubusang maisip kung bakit ganoon nalang kung tratuhin siya ni Enzo.

"Do I look like a fúckíng whóré? Mierda! "

Nang makarating sa kwarto si Kendall ay agad niyang nilock ang pintuan at umiyak  sa kama. Humahagulgol siya ng muling bumalik ang pangyayari na gustong gusto na niya limutin.

"Yes! Cannon, you did it again! "

Sigaw ng mga kasamahan ni Kendall. Abot tainga naman ang ngiti ni Kendall habng hawak hawak ang tropeyo.

"Thank you! I probably won't get this far without you guys! " pasasalamat niya sa lahat.

"We're about to celebrate, you wanna join?" tanong ng kasama ni Kendall.

"No, maybe next time. My body's so tired from that game!" tawang sagot ni Kendall. Magkakasama silang naglalakad papunta sa mga silid nila. Nauna nga lang nilang madaanan ang kwarto ni Kendall.

"Guys, this is my stop, enjoy the bar!"  pagpapaalam ni Kendall sa mga kasama.

"Yeah I will surely enjoy, I heard the girls here are surely sexy! I can't wait!" sigaw ng babaero nilang kasama. Natawa nalamang ang iba at ang iba naman ay napailing.

Till Death Do Us Part (ON HOLD)Where stories live. Discover now