Chapter 10

1.5K 52 5
                                    

"Daddy..."

Mariin akong napa-pikit at napa-tingin sa may ceiling ng aking opisina nang maalala ko na naman ang nangyari sa amin nina Rosenfeld. Nung tinawag ako bigla ng kanyang anak na 'Daddy'. Di ko maintindihan kung bakit. Ako? Daddy? Argh.

"Keno.." Tawag niya sa akin. Nakita ko ang kapatid kong naglalakad papalapit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito, Kim?" Tanong ko sa kanya.

"Binibisita lang kita. Masyado kasing malalim ang iniisip mo ehh. Ano, kamusta na kayo ni Bek? Nagkapag-usap na ba kayo?" Di ko alam kung anong irereact ko sa sinabi niya. Napa-sandal na lang ako sa swivel chair ko at napa-sapo ako sa noo ko.

Nag-isip isip ako. Bakit ako tinawag na 'Daddy' nung anak ni Rosenfeld? Bakit? Hangga't sa di malamang dahilan, nag-flashback sa utak ko ang mga nangyari noon. Nung mga panahong pinagkasundo ako ni Mommy kay Janea. Yung mga panahong naging miserable ang buhay ko. Nung nagpakalasing ako at nalulong sa bisyo. Nung halos tumira na ako sa bar dahil sa sobrang pagkalunod ko sa alak. Nung--

"Keno? Huy! Kuya Keno! PANSININ MO AKO! HUY!" Narinig ko ang malakas na sigaw ng aking kapatid habang winawagay-way niya ang kanyang kamay sa tapat ng aking mukha.

"TEKA..."

"Keno, ano bang nangyayari sayo?"

"Kailangan kong makausap si Rosenfeld!" Dali-dali akong lumabas ng opisina ko. Iniwan ko na muna si Kim kahit na narinig kong sinigaw niya ang pangalan ko.

Oo may naalala ako. May naaalala ako. May mga katanungan ako sa isip ko. At si Rosenfeld lang ang makakasagot sa lahat. Dali-dali akong nagpunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko sabay pinaharurot ko ito papunta sa bahay nina Rosenfeld. Sa bahay naman siya ni Ey-EL nakatira ehh.

Mahaba-habang biyahe pero dahil maluwag sa kalsada, agad akong nakarating sa bahay ni Rosenfeld. Bumaba ako sa kotse ko. Ilang beses kong pinindot yung doorbell pero walang nalabas na tao. Mukhang walang tao. Mukhang wala si Rosenfeld. Ang malas ko.

"Keno?" Agad naman akong lumingon at nakita ko si Spade.

"Spade! Tang*na ka! Haha" Nilapitan ko siya saka ko siya niyakap.

"Tang*na ka pare! Ngayon ka na lang ulit nagparamdam haha!"

"Pasensya na, busy sa kumpanya ehh. Minsan na lang din ako nakakapunta sa school. Anong ginagawa mo dito?"

"A-ahh kasi.. M-may ibibigay lang ako k-kay Taong Yelo.. Hehe.." Pakiramdam ko may tinatago siya. Nakatago kasi ang dalawa niyang kamay sa likuran niya.

"AH! SI SHAMEIA!" Sigaw ko sabay turo sa likod niya.

"Saan?!" Napalingon naman siya at nagpalinga-linga siya sa paligid. Kinuha ko itong pagkakataon para makuha yung hawak niya.

"Gotcha!" Di ko namalayang biglang mahulog ang mga papel na nakalaga sa brown envelope na naagaw ko kay Spade kaya kumalat ito sa sahig. Agad naman akong napaluhod para pulutin yung mga papel. Kaso nabigla ako sa nabasa ko sa isa sa mga papel na napulot ko ko sa sahig.

"SH*T" Agad na sambit ni Spade. Natataranta niyang pinulot ang mga papel sa sahig. At nang magtama ang paningin namin..

"T-too ba 'to?" Tanong ko sa kanya. Di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Masyado na akong naguguluhan!

"Pare.."

"TANG*NA! TOTOO BA ITO?!" Sigaw ko sa kanya.

"Keno.."

FS B2: FAKE FEELINGS [Completed] -Editing-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon