Chapter 12

1.6K 49 6
                                    

"Say it's true, there's nothing like me and you..
I'm not alone, tell me you feel it too.."

Nakita ko siyang naglalakad papalapit. Ang ganda niya sa suot niyang puting trahe-de-boda at may hawak siyang pulang mga rosas. Naka ngiti siya ng wagas. Ang saya-saya niya sa itsura niya. Napansin ko ding naluluha siya pero naka ngiti pa din siya. Napangiti na lang din ako habang pinagmamasdan siya.

"And I would run away
I would run away, yeah..., yeah
I would run away
I would run away with you.."

Hangga't sa makarating na siya sa harap namin. Gustung-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Ito ang araw na pinaka hihintay niya.. Namin.. Naming lahat.. Walang humpay ang pagkuha ng litrato sa kanya ng mga miyembro ng media. Ito na ata ang pinaka engrandeng kasal ngayong taon!

"Shemay Kuya! Naiyak ka ba? Ang bading mo! Haha!" Pang-aasar sa akin ng aking kapatid na si Kim. Tsk.

"Sira ulo! Gusto mo bang anakan ko si Rosenfeld ngayon? Dito? Ha?! Para mapatunayan kong hindi ako bakla?!"

"Do that or else you're dead." Sabi sa akin ng taong yelo na si Ey-EL.

"Bleeeehhh" Binelatan pa ako ng kapatid ko! Tsk. Pasalamat siya kasal niya ngayon!

Akala nyo kasal namin ni Rosenfeld 'to noh? Hindi oy! Darating din tayo dyan, wag kayong excited. Siyempre, aanakan ko muna si Rosenfeld bago kami magpakasal. Hahaha! Biro lang! Baka mapatay ako ng Daddy niya pag nagkataon haha! Balik na tayo sa kwento, kasal ngayon ng kapatid kong si Kim. Napaka engrandeng kasal. Si Ey-EL pa, ehh lahat gagawin niyan para mapasaya lang ang kapatid ko. Upakan ko siya pag pinaiyak niya si Kim! Hahaha! Ang daming bisita. Ako ang Best man. Akalain mo yun? Ako ang kinuhang best man ni Ey. Pfft. Tapos yung anak ko na si Axer ang Ring Bearer. Yung tropa naging abay. Si Rosenfeld? Siya ang singer. Oo, siya yung kumakanta ngayon. Request yan ni Kim. Maganda ang boses ni Rosenfeld kapag kumakanta siya. Kaya mahal na mahal ko yang babaeng yan ehh haha.

"Cause I am falling in love with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you.."

Napatingin ako sa kanya at eksakto naman nakatingin siya sa akin. Ningitian ko siya at kumindat naman siya pabalik sa akin.

"Tang*na mo Taong Yelo, wag mong paiiyakin kapatid ko kundi gigilitan talaga kita sa leeg! Mapapatay talaga kita!" Pagbabanta ko kay Ey-EL.

"I will never do that. And, same to you. Dont you dare make my idiot cousin cry or else I'll rip you apart!"

"Ang brutal nyo!" Sabi ni Kim. Natawa na lang kaming dalawa ni Ey. Haha.

Hangga't sa lumapit na sa kanila ang mga magulang namin at magulang ni Ey. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko sila. Ikakasal na ang kapatid ko. Siguro susunod na kami ni Rosenfeld. Haha! Malay natin.

Mahaba-haba ang seremonyas at kitang-kita ko sa mga mata nila na ang saya-saya nila. Nagsimula sila sa pagiging fake at ngayon, nagkatotohanan na talaga sila. Lalo na nung nagpapalitan na sila ng vow nila sa isa't isa. Ang daming naiyak. Pati si Taong Yelo naiyak. Tang*na talaga, pati ako naiiyak.

"Daddy, I'm sleepy and hungry." Nagulat ako sa biglang pagkapit ng anak ko sa braso ko sabay higa niya sa hita ko.Ngumuso pa siya sa akin. Kamukha niya ang Momny niya kapag ngumunguso siya haha.

"Tiis lang anak. Malapit na din naman matapos ito ehh." Hinaplos ko ang buhok niya.

"Mommy is still singing! I'm hungry! I'm hungry!" Medyo nagwawala na siya. Ano ba yan, kuhang-kuha niya talaga ang ugali ng Mommy niya haha

FS B2: FAKE FEELINGS [Completed] -Editing-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon