Chapter 11

1.6K 49 2
                                    

"Paano ba talaga nangyari yun?" Tanong ko sa kanya.

"So dapat talagang i-kwento ko pa sayo kung paano nangyari yun?"

"Oo." Ngumisi ako sa kanya at nakita ko namang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko.

"F-f*ck no! H-hindi ko din alam kung paano n-nangyari yun!" Sigaw niya sa akin habang namumula ang kanyang pisngi. Haha! Ang cute niya.

"Haha! Ang cute talaga ng mahal ko!" Pinisil ko ang kanyang pisngi at hinalikan ko siya sa labi niya. Smack lang naman.

"Ugh! W-what the hell, Enriquez!" Namumula niyang sigaw sa akin sabay hampas niya sa dibdib ko.

Nandidito kasi kami sa bahay ko. Sa kwarto ko. Gumawa kami ng kapatid ng anak naming si Axer. Hahaha, biro lang. Nakahiga lang kami sa kama ko. Nakahiga siya sa braso ko at naka pulupot ang kanyang kamay sa katawan ko habang ako naman nakapulupot din ang kamay ko sa katawan niya. Bale naka side view kami at magkaharap kami. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Sobra. Pinag-uusapan namin yung nangyari dati. Kung paano namin nabuo si Axer. Haha!

"Sabihin mo na kasi kung paano nangyari yun!"

"Malay ko nga kasi! Ang kulit mo!" Pinagmasdan ko ang nakabusangot niyang mukha. Ang ganda pa rin talaga niya.

"May palagi kasi akong napapanaginipan. Tayong dalawa. Sa kamang ito. Tapos umuu--"

"WAAAHHH! STOP! STOP! STOP! Ayoko ng maalala yan! Ugh!" Napaupo siya sa kama ko sabay takip niya sa mukha niya ng unan.

"Haha! Ibig sabihin yung panaginip ko, totoo pala yun. Nangyari pala talaga sa ating dalawa yun." Napa upo din ako sa kama at nag-isip. So yung panaginip ko ay nangyari pala sa amin dati. Yung proseso ng pag-gawa namin kay Axer. Haha! Napangiti na lang ako.

"Stop reminiscing! Its embarrassing!" Hinampas niya ako ng unan.

"Aray ko naman Rosenfeld! Masama bang alalahanin ang proseso ng pag-gawa natin kay Axer? Gusto mo ulitin ulit natin yun. Bigyan natin si Axer ng kapatid." Napangisi ako sa kanya at dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Papatayin kita." Namumula niyang sabi sa akin habang nakabusangot ang kanyang mukha.

"Papatayin sa pagmamahal."

"Ugh! I hate you!"

"I love--" Di ko natapos ang sasabihin ko sa kanya ng bigla niyang hinawakan ang aking pisngi sabay halik sa aking mga labi.

Nagulat ako sa ginawa niya. Ilang segundo akong nawala sa sarili ko hangga't sa napa-pikit na lang ako at ginantihan ko siya ng halik. Dahan-dahan ko siyang ini-higa sa kama ko habang ako ay nasa ibabaw niya. Nakaramdam ako ng init kahit na naka-aircon kami sa kwarto at sobrang lamig dito. Mukhang magkakaroon na ng kapatid si Axer! Naging mapusok ang labi namin na tila'y sabik na sabik kami sa isa't isa. Gumala ang kamay ko sa kanyang katawan hangga't sa maipasok ko na ito sa loob ng kanyang T-shirt. Narinig ko ang kanyang pag-ungol ng mahawakan ko ang kanyang--

"WHAT THE FUCK?! WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?!"

Bigla kaming napatigil ni Rosenfeld sa ginagawa namin at napatingin kami sa may pinto.

"K-keno.. B-bek.."

"Hi Bek!" Masaya niyang bati sa kapatid kong si Kim. Sira talaga itong babaeng 'to. Kaya mahal na mahal ko 'to ehh!

"Explain. NOW!" Sigaw nung taong yelo sa amin. Tss. Mga istorbo talaga sila. Dapat ni-lock ko yung kwarto ko.

Naglakad papalabas ng kwarto ko yung dalawa at naiwan kami ni Rosenfeld dito sa kwarto ko. Nagkatitigan kaming dalawa sabay tumawa kami ng malakas.

FS B2: FAKE FEELINGS [Completed] -Editing-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon