Eto ang sabi ng aming teacher sa Math na malaki ang tiyan.
“Okay class. Solve for this:
Parallel to y=1/2x-5 with the same y-intercept as y=3x-2”
Nganga –o-
Alam niyo ba kung pano i-solve yan ? Ako hindi eh -_-
Ian: Uy. Sino yang katext mo? Si Kirby yan no? Uyyyy…
Me: Kirby your face. Asa ka dude. 8)
At pinatong ko na yung phone ko sa armchair.
Ian: Presh… Pahiram ah…
Hindi ko na sya sinagot. Busy kaya ako. Tsaka alam ko naman na kahit di ko sya papayagan, eh kukunin at kukunin niya parin yun.
Ian: Presh kaninong number to, 0912*******?
Me: Ha? Malay.
Ian: CLASSMATES ! KANINONG NUMBER YUNG 0912*******???
Chismosa: Bakit?
Ian: Kase nag iloveyou sya sa kay Precious.
Ay putek. ANg tanga ko. Nalimutan kong idelete yung message. Puck.
Me: HOY.. At sino nagsabi na ipagsugawan mo? Ha??
Teka, naalala niyo ba na may nagd-discuss yung cruel fat teacher sa harap?
Nakita ko siyang nakatingin saming dalawa.
O-Oh .
“IAN AND PRECIOUS. MOVE 1 SEAT AWAY FROM EACH OTHER.”
Uwwwwaaah .
“NOW.” Diniinan niya talga yung NOW.
Huhuhuhu. Yari ako neto.
“AYYIIIIIIEEE” –sabi ng mga bwiset kong classmates. -_-
Saan kaya ako uupo?
Oh, nakita ko kung saan umuupo si HM. Tamang-tama! Malayo sa kinaroroonan ni Ian. *u*
Nakita ko na dun umupo si Ian sa Original Seat ko.
“Ayan, 3 seats away na. Baka sabihin niyang, hindi pa to sapat. Magsama sila ng malaking tiyan niya. GRRRR . >K” –yan . yan ang pambungad ko kay HM.
“Easy lang girl. Ahahah. Hayaan mo na ang matabang yan. Baka di niya lang napakain ang kanyang nga worms sa tummy. Ahahhaha” Kitams? Friends talga kame nito. Parehong pareho kme *u*
Naalala niyo yung tanong sakin ni Ian? Yung about sa Project sa English eklabu?
Hindi ko parin kase alam kung pano ko gagawin yun eh. Bukas na yung deadline L
Depende daw sayo kung ano yung gagawin mo. Interpretative Dance or Impersonation.
Eh, ang hirap kaya gumawa ng Interpretative Dance mag-isa. Tapos, dapat may video daw. Kung Impersonation naman, di ako ganun kagaling sa acting T^T
Tinext ko sa Mommy. Baka sakaling alam niya yung mas nakakabuti.
BZZZT . BZZZT . <- vibration yan .
BINGOOO .
SMS FR: MOMMY
K. Go to your Tita Daisy later.
FAST FORWARD : SA BAHAY NI TITA DAISY.
“Tita, goodevening.” I said politely
“Oh? Andito kana pala. Wait kalang jan. Tatawagin ko lang ang magtuturo sayo”
At dumating na nga yung magtuturo ng sayaw sakin kasama ni Tita.
“Ikaw si Michaella?” tanong niya sakin
“Oo. Ah sandali lang pala, manghihiram lang ako nang Video Cam. Hindi ko kasi nadala yung camera namin kase galing ako sa school” sagot ko
“Sige” sabi niya
At pumunta na ako kina Shaun, siya ay friend ko at naging crush ko rin. Ang bait niya masyado eh. Nawala lang yung feelings ko nung narealize ko na may feelings siya sa isang friend ko.
Shaun’s POV
“Tao po, tao po.” Sino kaya yun?? Lumabas ako.
“O.o? Oh, bakit nandito?” Nakita ko si Miyu at naka-school uniform pa siya.
“Umm.. pwde ba akong humiram ng camera?? At tsaka kung pwde mo akong kunan ng video pa ra sa project ko. Pwde??”
“Oo ba. Walang problema. Sa bahay ba ni Tita Daisy??”
“Ah. oo”
“Sige. Susunud nalang ako.”
“Salamat!!” at tsaka umalis na siya.
Hindi ako nakapagtanggi sa kanya. Malakas siya sakin eh. Crush ko siya mula noon hanggang ngayon. Hindi na yata crush ang nararamdaman ko sa kanya, love na yata to eh. Kaya lang di ko magawang masabi sa kanya. Baka kasi kung masabi ko sa kanya ay lumayo siya sakin. Ayaw kung mangyari yun mas mabuti nalang na friendship nalang ang namamagitan samin kesa wala na.
Kita niyo sa pag ka-obssessed ko sa kanya ay nalimutan ko nang ipakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Shaun Rodriguez. 4th year Highschool sa CSNT-R. Mayron akong babaeng kapatid at close sila ni Miyu. Schoolmate ko dati si Ate Natalie, ang kanyang ate, medjo parehas sila ng istura pero mas maganda talaga si Miyu.
Michaella’s POV
Kadadating lang ni Shaun at katatapos lang naming sumayaw. Eto na, last practice. Di ko mapigilang mapatingin kay Shaun.
“Hey. Focus!! Distracted ka na naman!” Ngee. Napagalitan ako sa sobrang pag titig sa kanya. Nakita kong yumuko siya at di na ako muling tumingin sa kanya. Nakakahiya kaya yung pinag gagawa ko. =_=
Shaun’s POV
“Hay!! Natapos na rin sa wakas” narinig kong sabi ni Michaella
“Mic, may usb ka jan? ”
“Oo.”
“Ako nalang ang magta-transfer ng video”
Sumunod siya kaagad sa bahay.
“Kamusta na yung sayaw mo?” tanong ni mama kay Michaella
“Ah… Hehe… okay lang po.” Sagot ni Michaella
“Patingin naman oh” sabi ng kapatid ko
“Mamaya na, pag wala na ako. Nakakahiya eh.” Sabi ni Michaella.
At natawa naman sina mama sa sagot ni Miyu. Nang umalis ns siya, nag fa-flashback na naman sa utak ko yung times na hinahawakan ko yung kamay niya habang natutulog siya. Nakakatawa talaga yun. Inaalis niya pero hinahawakan ko ito ng paulit ulit. Hayy! Na miss ko yung lahat about sa kanya..
Eto yata ang tinatawag nilang… Friendzoned?