The Peculiar Story of Us

145 44 280
                                    

• • •

Hindi ko inakalang mapapaibig ako ng babaeng nasa tabi ko ngayon na kamukha ni Anabelle. Nakaupo kami at buhat buhat niya ang anak namin na kamukha ni Chucky. Shempre,biro lang yon. Buti nalang at kamukha ko ang anak namin na nakuha ang kapogian ko.

Mas panget pa siya kung itatabi mo kay Anabelle,yung manikang nakakatakot. Pero mahal ko siya kahit ano pa itsura niya. Minsan nga naiisip ko,paano ako nabaliw sa babaeng to?

Napapatawa nalang talaga ako minsan. Maliit,payat,panget at maitim. At ako ang makakapagpatunay na ang pagmamahal ay hindi sa itsura bumabase,kundi sa ugali.

Aanhin mo yung babaeng sexy,maganda at mayaman kung wala naman itong utak?

Sabi nga nila beauty with brains dapat ang pinipili. Kaya lang ang napili ko ay beast with brains. At least matalino. Maipagmamalake. At higit sa lahat,wala akong kaagaw. Kasi panget siya. HAHAHAHAHA!!!

Nakilala ko siya sa isang halloween party. Inaya ako ng kaibigan ko sa isang bar dahil may halloween party daw doon. At dahil mahilig akong makipag party ay pumayag narin ako. Tutal ako lang rin naman ang mag isa sa bahay. Ako yung tipo ng lalakeng makikipag party pero hindi umiinom ng alak. Kung hindi juice ay sa tubig lang ako nagpapakalasing. Hindi parin ako nagkakaroon ng girlfriend since birth. Kasi nakapikit palang mata ko nung iniri ako ng nanay ko. Pero kung dilat siguro akong lumabas noon ay yung nurse na unang bumuhat sa akin ang magiging love at first sight ko.

Isa nga rin pala ako sa Schindler's List ng university namin,este Dean's List pala. Matalino ako sa lahat ng aspekto. Angal ka? Ako kasi lagi ang tinatawag ng prof namin kapag nagtuturo siya. Minsan ay sinisigawan pa niya ako dahil sa sobrang talino ko.

"Esguerra!" Biglaang tawag niya sa akin.

"Sir!" Agad akong tumayo.

"Saan binaril si Dr.Jose Rizal?"

Napangisi ako. Basic.

"Sa likod, Sir!" Taas noo kong sagot. Pero dapat pala ay hindi ko na tinaas ang noo ko dahil may white board eraser na lumipad at tumama sa noo ko.

Balik tayo sa halloween party. So ayun,nagpunta ako doon ng nakasuot ng itim na slacks at itim na longsleeves. Nilagyan ko rin ito ng pulang necktie. Hinayaan ko nalang ang buhok kong undercut. Bumaba ako ng sasakyan at tsaka hinanap ang mga kaibigan ko.

Maingay,magulo,maraming ilaw at matapang ang amoy sa loob. Pumasok kami sa VIP dahil very important person kami. Umorder sila ng mga inumin at pulutan. Dahil nakakarami na ako ng inom ng tubig ay bigla akong nakaramdam ng ihi kaya nagpaalam muna ako. Nakipagsiksikan pa ako sa mga taong nagsasayaw sa dance floor.

Bakit ganon? Lagi akong kinikilig kapag umiihi ako?

Lumabas na ako ng banyo pero syempre naghugas muna akong kamay.

"Ay shitkszxcskcxzs!" Napamura ako dahil may nakita akong babaeng nakaputing bestida na nakatayo sa isang sulok. Umiiyak ito at nakatalikod sa akin. Kinilabutan tuloy ako dahil naalala ko yung mga napapanood ko sa movie na nakatalikod yung babae tapos kapag hinawakan sa balikat ay panget ito kapag humarap.

Unti unti ko itong nilapitan at tsaka binatukan sa ulo,hindi ko siya hinawakan sa balikat dahil baka panget ito kapag lumingon kaya binatukan ko nalang. Baka sakaling maiba ang itsura niya kapag humarap.

The Peculiar Story of US Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon