PROLOGUE

545 24 26
                                        

Author's madamdaming note:
Hey-yo guys! So, this is it na! Para sa mga requests niyo, heto na ang Sorry, I lied! Sa wattpad. Wohoo! I hope na suportahan niyo rin ito dito mga bebeh. Salamat!

Prologue

'Congratulations, Miss Elisel. You're three weeks pregnant!'

Wala ako sa sarili habang paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabi ng obgiene na tumingin sa'kin kanina.

I'm here at the hospital right now.

Ilang araw na kasing masama ang pakiramdam ko at madalas mahilo kaya I decided na magpatingin na sa doktor.

At first, nagdududa parin ako sa kakaibang nararamdaman ko although, I already have a hint what it was. Isang beses lang nangyari iyon kaya hindi ako makapaniwalang kumpirmado nga ang hinala ko simula palang.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko alam ang gagawin. If I'm going to tell Zander about this or I'll just keep it to myself.

May part sa puso ko na gustong ipaalam kay Zander ang tungkol sa pagbubuntis ko pero, agad rin iyong natatalo ng isip ko lalo na kapag naaalala ko ang huling sinabi nito sa'kin mag-iisang buwan na ang nakararaan.

"Ano ka ba Elisel, ikakasal na siya next week kaya 'wag mo nang balakin pang sabihin ang tungkol sa pagbubuntis mo! Masasaktan ka lang!" Mariin kong sabi sa sarili habang nakayuko.

'But can you attempt to lose your child's father? Kaya mo bang mapunan ang pagiging isang ama't ina sa kanya?'

Bigla akong natigilan sa pagkontrang 'yon ng isang bahagi nang isip ko.

Kaya ko nga ba? Alam kong mahirap pero kakayanin ko lahat para sa anak ko, pero pa'no kung matanggap niya ang kundisyon ko ngayon? Susugal ba 'ko?

"Argh! Ano bang gagawin ko?!"

Napaluha nalang ako sa sobrang frustration at wala sa loob na napahimas sa wala pang umbok kong t'yan.

"I-I'm sorry baby kung nadadamay ka sa kamalasan ni mommy ngayon. H-hindi ko na alam ang gagawin ko! Natatakot ako!" Tuluyan na akong napahagulgol nang iyak.

Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito ang lahat. Ang sakit. Ang sakit sakit!

¤¤¤¤¤

Nabitin sa ere ang kamay ko mula sa akmang pagkatok sa pintuan ng condo unit ni Zander-kung saan nangyari ang lahat-nang muli ay makaramdam ako ng pag-aalinlangan.

Isang linggo ring halos wala ako sa sarili kakaisip kung ano ang gagawin ko, at ngayon nga ay nakapagdesisyon na ako. Pikit mata akong nagpunta sa condo nito para ipaalam rito ang kalagayan ko. I choose what is best for my child after fighting with myself.

I texted him yesterday that we need to talk about an important matter without expecting that he will respond. But to my surprise, he replied that we meet in his condo.

After what he said that time, hindi na ako umaasang maibabalik pa namin ang kung anong meron kami noon.
We used to be best of friends before but now, we're just like strangers to each other.

I heaved a deep sigh before deciding to finally knock on his door. Bahala na. Kung ano man ang mangyayari ngayon, kahit masaktan pa ako, tatanggapin ko nalang iyon nang maluwag sa puso ko.

SORRY, I LIED! (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon