Chapter 11

95 8 8
                                        

          ^^THIRD PERSON'S POV^^



"Oh my gosh, Elisel! Hindi talaga ako makapaniwala alam mo ba 'yon, ha? Hayy naku!!" Georgie just blurted-out after entering their hotel suite.

Katatapos lang kasi ng kanilang media presscon for the upcoming big and expensive fashion show event, that will be held in their hotel. And it seems that Georgie didn't like the fact that the main supermodel will be Brianna Almero Buenaquentin, the woman he hated the most.

"..Ugh! This night really stress'es me out!" Muling bulalas nito sa naiirita paring tono nang maalala ang mga nagyari kanina sa presscon.

Habang tahimik lang namang nakasunod si Elisel sa pagpasok nito maging sa pabagsak na pagkakaupo sa mahabang sofa inside of their suite.

"Grr! Nakakaimbyerna talaga ang haliparot na babaitang 'yon! Imagine? Inagawan ka pa talaga ng limelight girl?! Naku!! If I were in your position kanina, nasabunutan ko na talaga siya! Haixst! Sosyalerang palaka!" Nagpapadyak pa ito sa hangin na animo'y nasa harapan lang nito ang tinutukoy.

Bahagya tuloy na natawa si Elisel sa parang batang inasta nitong iyon. "Pfft! Gigil lang si ikaw ang peg mo, Georgie? Ikaw ba ang inagawan ng limelight ha? Ikaw?.."

Napailing-iling si Elisel. Sa inaasta kasi ng katabi ngayon ay para na tuloy siyang nahahawa sa pagiging beki nito.

..don't stress yourself too much okay? Daig mo pa ang inagawan ng boylet d'yan eh." Dagdag niya na bahagya paring natatawa. Mas affected pa kasi ito sa nangyari kesa sa kanya.

Haayy.

"Naku, naku! Hindi talaga kita maintindihan, Elisel. Kung ako talaga 'yon? Nabangasan ko na ang retokadang mukha no'n. Haisxt! Masyado kang santa, hindi naman bagay sa'yo! Hmp!"

Lalo naman siyang natawa dahil sa patampo ng tono nang boses nito.

Gusto kasi ni Elisel na isipin ng baklang kaibigan na wala lang rito ang nangyari, even though deep inside her ay medyo nasaktan siya roon, para lang hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Kaya naman dinadaan nalang niya sa biro at pagtawa ang pagkairita nito.

Pero mukhang hindi iyon gaanong effective dahil sa sumunod na mapanuring tingin ng kaibigan sa kanya nang muli siyang lingunin nito.

"...You know what, Elisel? Parang hindi ka naman mukhang walang pakialam e. Tell me honestly nga,..

Umayos muna naman ito ng pagkakaupo at mataman akong tinitigan, bago itinuloy ang sinasabi.

... Have you still affected by their presence, ha? Dahil kung oo, naku!! Nababaliw kana ghurl!"

Hindi naman kaagad nakaimik si Elisel sa naging tanong na iyon ng kaibigan. Kahit papaano naman kasi ay affected parin siya sa presensya ng dalawa lalo na kapag nakikita niya ang mga itong magkasama at parang mahal na mahal ang isa't-isa.

But what can she do? Dati pa naman talaga, talo na siya.

Pero buti nalang, dumating sa buhay niya ang anak maging ang mga tinuturing niyang pamilya na sina George at Acckeya na nagbibigay ng lakas ng loob para sa kanya. Because of them, Elisel overcomes and can still conquer the pain that her past brought her.

"What? Hindi ka na nakaimik d'yan. It's a yes, noh? Haisxt! Isa ka nga talagang baliw Elisel. Gosh!"

Bigla naman siyang napakislot sa gulat dahil sa muling pag-untag ni Georgie sa natutulog na yata niyang diwa.

She didn't noticed that she's spacing out already.

"H-ha? A-ano nga ulit yung sinabi mo?" Lutang parin tuloy na tanong niya rito na napairap lang sakanya.

SORRY, I LIED! (UNREVISED EDITION!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon