"Don't give up to things that you want to achieve"
–––—Papalabas na ako ngayon ng building at halos mukha akong tangang tulala habang naglalakad palabas dahil hindi pa din ako makapaniwala na may trabaho na ako,
gusto kung magsisigaw at magtatalon sa tuwa rito pero baka mapagkamalan akong baliw,
ng tinignan ko ang oras ay mag a-alas singko na din, kaya dali-dali akong pumunta sa may tabi ng kalsada at pumara ako ng taxi, at buti na lang ay may tumigil agad,
pagkasakay ko ay sinabi kong idaan muna ako sa isang fast food chain at dahil may trabaho na ako simula bukas ay sa akin ang ulam namin ngayon,
pagkababa ko sa isang fast food chain ay sanabi ko kay manong driver na hintayin na lamang ako dahil mabilis lamang naman ako at pumayag naman ito,
pagkapasok ko sa istablishimento ay pumila na ako medyo until lang angpila ngayon,
when it's my turn, ay umorder na ako ng pagkaing para sa hapunan namin, pagtapos ay muli akong sumakay sa taxi at sinabi ang address namin
siguradong matutuwa nito si inay pag kinuwento ko ito sa kanila, lalo na pag nalaman niya ang suweldo ko
--pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si kuya na naka upo sa aming kahoy na upuan sa may sala habang nanood ng pelikula, mukhang narinig nito ang pagbukas kaya nanapilingun ito sa aking puwesto
"oh!, Ellang! andito ka na pala?, bat di mo na lang ako tinawagan at ng nasundo kita" mahabang lintaya nito
"sobra kasi akong natuwa kuya, aya di ko na napansin na pumara na pala ako ng taxi, kaya di ko naisip na magpasundo, mukhang ang aga mo atang naka uwi kuya ah!?, wala bang masyadong costumer sa talyer ngayon?" habang nag tatangal ng aking sapin sa paa
"at ano naman ang dahilan bakit ganyan ka kasaya nanakalimutan mo akong tawagan? at ano yang dala mo?" tanong nito
"maaga kaming natapos dahil iilan lang naman ang nagpaayos ngayong araw" dugtong pa niya
nagtapos kasi si kuya ng mechanical engineer, pagka graduate nito ay nagtrabaho muna ito ng dalawang taon at ng nakaipon ay tsaka ito umalis sa kanyang trabaho at nagpatayo ng talyer na mataggal na din nitong pangarap, kaya kami todo suporta rin kami sa kanya,
patok din naman kasi ang tinayong talyer ni kuya talagang kadalasan ay maraming nagpapaayos sa kanya, pero minsan unti Lang din, di naman kasi araw araw maraming nagpapayos,
"may maganda kasi akong balita na siguradong matutuwa kayo kaya napabili na din ako ng ulam at tiyaka mas maganda kuya pag kompleto tayo bago ko sabihin, " itinaas ko ang supot na parang pinapakita sa kanya habang naglalakad ako papuntang kusina
"ganun ba, mukha ngang magandang balita yan laki ng ngiti natin, at napabili ka pa talaga ng ulam e" tumatangong sabi nito at pagtapos ay muling ibinalik ang toon sa panonood
pagdating ko sa kusina ay nilapag ko na muna ang binili kung ulam bago, pumanhik sa taas upang maligo dahil sa nanglalakit ang aking pakiramdam lalo na at maghapon akong nakabilad sa araw dahil sa paghahanap ko ng trabaho at ng makapagbihis na rin ng pambahay bago ako bumamaba para sa hapunan
halos tatlong linggo din kasi akong tamabay dito sa bahay simula noong nag resign ako sa kumpanya ng panot na manyakis na yun, tiyaka halos araw-araw din naman kasi akong binubungangaan ng nanay ko, sa pagiging tambay ko at para maghanap ng trabaho,
BINABASA MO ANG
First Sebastian Amory Salvation
General Fiction1st Series of Salvation: First Sebastian Amory Salvation "Since I meet him, my whole life becomes a world class roller coaster ride but I don't regret meeting this man, my own Sebastian Salvation just like his last name he save me from being lost f...