"Ew please stop. Ang trying hard mo manligaw nakakainis. There's no chance na sasagutin kita kaya stop!" I said sa stoopid na 'to. I asked him kung bat nya 'ko gusto ligawan at sinabi nya lang ay puro pambobola. Ekis agad mga ganyan, sa una lang magaling, pwe.Kung iniisip nyo na 'Choosy' ako, well.... True naman! I know my worth, I mean I'm pretty, sexy and brainy. Like ghorl! I can snatch your bfs pero nvm. I'm a gold duh. Di ako nag papauto ako sa mga yan, ako ang kawawa sa huli, ganda ganda ko e. Plus! Napaka daming lalaki jan sa tabi tabi.
If you're wondering kung ano ang type ko, isa lang naman, gusto ko yung... HONEST. And pogi syempre, CHAROT LANG YUNG ISA. Ganda ganda ko e.
Gusto ko, una pa lang honest na deretsuhan agad kasi straight forward akong tao. Ayoko nung sa una lang magaling at ubod ng sinungaling. MAMATAY KA NA PAG GANON. kidding.
"Napaka mean mo naman mare, nanliligaw lang e, ang pogi kaya! Next time wag mo itaboy, ipakilala mo 'ko." Sabi ni Minachi sakin. Harot talaga neto, basta pogi marupok.
"Chipipay mo! Puro ka pogi ang harot harot mo, gaga sasaktan ka lang non bolero yon sa una lang magaling. Pag lalaruan ka non, tsaka itsura palang mukhang pakboi, so ew!" sabi ko naman pabalik.
"Edi wag, napaka choosy mo! Sis, different tayo ng type ha, di ako choosy like you." sabi ni minachi sakin. Edi k choosy na kung choosy pero it's for my own sake rin naman. duuuuuuuuh???
"Umalis ka na nga, late ka na! shoo!" taboy ko sakanya. "Ge bitch" paalam nya. At hinayaan ko nalang sya.
"Kat!!!!!!!!!" sigaw ng kung sino. "ANO?!?!" sigaw ko pabalik. Kaingay ingay tanghaling tapat sino ba 'tong bwiset na to?!?!
"May gusto daw manligaw sayo, tropa ko" bungad sakin ni Kayla pag ka lingon ko. "Oh tapos? ano gagawin ko?" sabi ko pabalik sakanya with my walang pake face.
Di sya sumagot with her alanganin ngiti na di alam kung matatakot o matatakot. Hay nako.
"Ge, papuntahin mo dito now na, isang oras pa vacant ko, dali!" napilitan sabi ko sakanya. Bago ako mag salita umirap muna ako para takutin sya lalo hehe. At pag kasabi ko tumango lang sya at dali daling tumakbo.
Ayos yon, nag effort pa tumakbo at sumigaw sakin para lang ipalam na may gusto manligaw saken. Bata talaga.
Pero ano naman gagawin ko don sa tropa non, malamang sa malamang ekis lang sakin yon. Wala ako sa mood mag jowa ngayon, gusto ko muna ng kapayapaan.
Ay teka- sino naman kayang tropa yon??? Ay sabagay, halos araw araw naman may bagong tropa yon si Kayla. Ano kayang baon na pambobola non, pati pick up lines na corny.
"Hi, Kat. Elitheo nga pala." sabi nung Elitheo sakin. "Tinatanong ko?" sabi ko sakanya pabalik.
Ayos to ah, ampogi pero feeling close.
"Hindi, pero pake mo ba, nag papakilala ako" sabi nya sakin pabalij with tawa na labas gilagid. Luh. Laki ng bunganga. "Anyway, nasabi naman na ata sayo ni Kayla. Wala nang paligoy ligoy, I'm here para ligawan ka." dugtong nya. "Also, di kita tatanungin kung pwede ba kita ligawan, kasi no choice. Mga tanga lang nag tatanong kung pwede manligaw. Pag gusto kita ligawan gusto ko." dugtong nya pa ulet.
Luh ang daldal naman neto, pero interesting ha straight forward. "Ge, bahala ka sa trip mo." sabi ko with irap. "Pero isang tanong, bat mo ko gusto ligawan?" tanong ko sakanya.
Pustahan, sagot neto pambobola, sa una lang 'to magaling. Sus! Lahat naman.
"Kasi ang ganda mo-" sabi nya "Alam ko." pampuputol ko sa sasabihin nya. "At wala lang trip lang kita ligawan, nakita kita nung nakaraan sa sa department namin e." dugtong naman nya sa sinabi nya.
Ah ok- HA?????
"Gago ano ulet sabi mo?????" tanong ko sakanya. "Sabi ko, kaya kita gusto ligawan kasi nung nakita kita sa department namin, ang ganda mo kaya trip kita ligawan." sagot nya sakin.
WOAH!! This is it! Straight forward, bet!!!!!!! Walang paligoy ligoy!
"No need manligaw, tayo na!" sabi ko sakanya pabalik habang nag mamadali mag ayos ng gamit.
Tinignan ko mukha nya and he's in shock lol. "Ha? talaga? bakit hindi ka nagalit?" tanong nya sakin habang hindi makapaniwala.
"Wag na mag tanong! Tayo na agad, ano tara na! 30mins date muna bago mag end vacant ko, dali! Tandaan mo 'tong araw na 'to ha. Araw na naging jowa mo ang nag iisang Aile Katriana Garcia na sobrang ganda!" sabi ko sakanya. At hinatak na sya.
Gosh! Thanks to Kayla, ililibre ko sya bukas!
BINABASA MO ANG
Love Forward
Teen FictionA relatable sobrang gulong love story ni Katriana. Yeah, just normal love story, with a crazy kalog protagonist na feeling antagonist.