Mabilis naman akong nakasunod kay Mari pagkayari ng saglit na pag uusap namin ni Adler.
"Alam mo Lu, you two look good together. Just like me and Connor." Nakangiting sabi ni Mari sa akin. Napatingin lamang ako sa kanya at ibinalik na muli ang tingin sa mga pagkain ngayon sa canteen. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya dahil mas interesado ako sa pagkain.
"Alam mo rin Lu, you should practice talking a lot. Tama nga si Connor, again, hindi ka masyadong nag sasalita. Pasensya ka na kung super madaldal ako ha. Sabi nga ng mom ko, ganito na talaga ako ever since bata pa." At napa hagikgik pa siya.
"Uhm, yun na lang Mari." Sabay turo ko sa fruit toast na nakalagay sa food display.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at ihinarap sa kanya.
"Lucy, are you okay?" Seryosong tanong niya sa akin. Natawa lang ako sa tanong niya.
"Oo naman, Mari. Bakit mo naman naitanong?" Sagot ko at tumigil sa pagtawa habang siya ay seryoso pa rin ang mukha.
"Nothing.. If you have a problem I can be your friend too, Lucy ha. I will not judge you. I know how much Connor loves you kaya sana bigyan mo rin ako ng chance." Seyoso pa rin ang mukha niya.
Nawala nang tuluyan ang ngiti sa aking mukha at napaisip ako. Bakit niya nasabi 'yon? Alam niya ba ang nangyari sa nakaraan ko? Sinabi na kaya sa kanya ni Connor? Napa yuko na lamang ako at nabalik lamang sa realidad nang tawagin ako ni Mari.
"Here, Lucy." At inabot sa akin ang fruit toast ko. Wala naman sa loob ko na kinuha ko ito at naglakad na rin kami pabalik sa classroom. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay nagsabi si Mari na kailangan niyang mag punta sa powder room.
"Lu, I need to pee eh. If you want una ka na sa classroom ha."
"Ah, sige Mari. Hintayin na kita ha." At pumasok na siya bigla sa powder room habang nanatili ako sa labas.
Biglang tumahimik ang paligid. Nakatingin lamang ako sa malayo nang makarinig ako ng nag tatalo. Mahihina ang kanilang boses pero sapat lamang para marinig ko ang kanilang pag uusapan. Nang una ay binalewala ko lamang ito sapagkat hindi ko naman nakaugaliang makinig sa pinag uusapan ng ibang tao o makialam sa business ng ibang tao. Medyo matagal si Mari sa powder room kung kaya't kahit hindi ko nais na marinig ang pinag uusapan ng dalawang tao ay nauulinigan ko ito.
"You should go back." Ani ng lalaki.
"No! We still have unfinished business." Ani ng babae.
Nang silipin ko kung sino ang nag uusap ay nakita ko sina Sofia at Liam ang mga bagong transferee galing Manila.
"Let's go Lucy." Bigla namang dumating si Mari kaya napalingon ulit ako sa kanya at inalis na sa isip ko ang narinig.
"I am already loving it here in Baguio. I mean, Bohol is a nice place kasi peaceful and tranquil pero I love the Baguio weather. Ikaw Lu, napunta ka na ba sa Bohol?" Sambit ni Mari habang nag lalakad kami.
"Yeah, one time lang pero bata pa ako non. Blurry na rin lahat ng memories." Pag sisinungaling ko. Mas lalong namuo sa isip ko na alam niya ang nakaraan ko. Tatanungin ko na lamang si Connor mamaya kung sinabi niya ba kay Mari ang tungkol dito.
Yumuko na lamang ulit ako habang nag lalakad kami ni Mari pabalik sa classroom habang siya ay nag kekwento ngunit wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil sa iniisip ko. Takot akong malaman ng mga tao sa paligid ko ang nakaraan ko dahil takot akong mahusgahan. Ayaw kong may makaalam dito sa Baguio dahil kahit papaano ay nag sisimula na ulit akong mabuhay ng normal.
Mabilis natapos ang araw. Nakaugalian ko na nag lalakad lamang ako pauwi ng dorm dahil mas ramdam ko ang sarap ng hangin at paligid dito sa Baguio. Kahit minsan ay hindi ko pa naman naranasang manakawan ko mapag trip-an ng mga tao. Mababait sila dito sa Baguio kung kaya ay malakas ang loob ko.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Mari. Inilabas ko ang cellphone ko at tatawagan ko na sana si Connor nang pumasok din sa isip ko na baka magkasama pa sila ni Mari at marinig pa niya ang itatanong ko. Mamayang gabi na lang siguro bago ako matulog.
"Lucy, sabay ka na samin kumain ng hapunan." Nadaan ako sa bahay nila Tita Tess. Hindi ko siya kamag anak pero parang sila na ang naging pamilya ko dito sa Baguio.
Ngumiti ako at sumagot, "Hello po. Papasok na po ako Tita Tess."
Sa harap ng bahay nila ay maraming paso at bulaklak. Isang bagay na gustong gusto ko sa kanilang tahanan. Hinubad ko ang aking sapatos at inilagay ito sa shoe rack sa tabi ng pinto. Pagkapasok ko ay inilapag ko ang bag ko sa sofa na katabi ng pintuan. Hindi kalakihan ang bahay nila Tita Tess pero parang hindi na ito importante dahil ang sasaya ng mg taong nakatira rito. Buo ang kanilang pamilya at alam kong totoong masaya sila kaya kahit papaano ay masaya akong naging parte ng pamilyang ito kahit na saling pusa lamang. Hindi ba ang laging sinasabi nila ay hindi naman importante kung gaano kalaki o kaganda ang bahay ninyo? Ang importante ay sama sama kayo ng pamilya rito.
Nakita ko ring nakaupo si Jess sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Si Jess ay dalawang taong batang lalaki na apo ni Tita Tess. Anak siya ni Ate Penny na anak naman ni Tita Tess.
"Hello Jess, where's your mommy?" At tumabi ako sa kanya at nag panggap na nanunuod din ng cartoons kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako mahilig dito.
"She's upstairs. " Sagot nito sa akin. Si Ate Penny ay matanda lamang sa akin ng dalawang taon. Nabuntis ng maaga kung kaya ay hindi na nakatapos ng pag aaral at hindi na siya pinanagutan ng kanyang ex boyfriend. Gayon pa man ay mas malaking pamilya ang kinagisnan ni Jess.
"Hindi na baleng lumaki si Jess ng walang ama kaysa mayroon nga hindi naman siya mahal. Andito si Kuya, Mama, at Papa para punan ang ex kong walang b*y*g" Naalala kong sinabi ni Ate Penny sa akin habang umiiyak nang ipanganak niya si Jess.
"Halika na Lucy. Sabayan mo nang kumain ang Ate Penny mo." Napatingin na lamang ako sa hapag kainan at nakita kong nakaupo na ron si Ate Penny sumasandok na ng pagkain na nakahain.
Agad naman akong tumayo, naglakad papunta sa lamesa, at naupo sa tapat ni Ate Penny.
Ngumiti siya sa akin at nagtanong, "Kamusta ang first day, Lucy?"
Ngumiti lamang ako at sumagot, "Natatakot ako, Ate Penny,"
Nakita kong napatingin din si Tita Tess at naupo sa tabi ni Ate Penny para siguro malaman kung ano ang sasabihin ko. Nakita kong parang nag hihintay sila sa susunod kong sasabihin kung kaya ay yumuko na lamang ako at tinuloy ang pag sasalita.
"May girlfriend na po si Connor at parang sinabi niya rito ang nakaraan ko." Nakayuko pa rin ako kaya hindi ko nakita ang reaksyon nila sa sinabi ko.
"Hay naku Lucy. May tiwala ako kay Connor na hindi niya gagawin yon. Mag tiwala ka lang din sa kaibigan mo," Napa angat ako ng ulo at tumingin kay Tita Tess, "Mabuting tao si Connor at hindi siya gagawa ng bagay na ikakasakit mo." Pag papatuloy niya.
Sa isip isip ko, tama si Tita Tess. Hindi ko dapat pag isipan si Connor at dapat ay buo ang tiwala ko sa kanya.
Nag lalakad na ako muli pauwi sa aking dorm nang naramdaman ko na may sumusunod sa akin.
Binagalan ko ang pag lalakad at nakiramdam sa aking paligid. Marami namang ilaw sa aking dinadaanan at araw araw dumadaan dito kung kaya ay kakilala ko na rin ang ibang tao dito.
Narinig kong papalapit na ng palapit ang tunog ng yapak ng sumusunod sa akin. Buong tapang akong lumingon at laking gulat ko nang makita ko si Adler Perez.
BINABASA MO ANG
Love Letters We Cannot Keep
Dla nastolatkówWe all have a past we don't want to talk about. We all have a past we don't want anyone to know. We all have a bad chapter in our life we don't want to go back to. I am Lucy Tomas, 16 years old, and from the Summer Capital of the Philippines. Samaha...